Chapter 28 - Gerald ver. 2

5.1K 121 1
                                    

- DANIKA -

Pumasok ako sa UNI na sobrang frustrated at walang tulog. Nakakainis si Ana nakasama lang si sam ay nakalimutan na ako ng tuluyan ano ba naman ang isang call or kahit text man lang sana diba, kainis talaga!

Hay.

Speaking of the angel nakareceived ako ng text the time na pababa na ako ng kotse, kahit kasi malapit lang ang dorm sa school ay feeling ko malayo pa rin ito and I really hate walking depende kung may kasama ako at isang tao lang ang tinutukoy ko.

I've read her text, nakatulog daw siya sa sobrang dami ng naiisip niya. Nag so-sorry rin siya pero naiinis talaga ako kahit alam ko namang nagsasabi siya ng totoo. Ilalagay ko na sana ang phone ko sa bag ayaw ko kasi magreply, nagtatampo pa rin ako pero bigla itong nag ring. Tumatawag si ana tinitigan ko lang ito hanggang sa tumigil na sa pagtunog. Alam ko tatawag ulit siya so I turned it off.

Oo na ako na talaga ang madamdamin, papano ba naman I waited for her until morning tapos tinulugan lang pala ako at for sure katabi niya si shokoy. grrr!

I continue my day na si ana pa rin ang naiisip ko, hindi ako makapag concentrate. Napansin na nga rin ng mga kaibigan ko na parang wala daw ako sa sarili tapos bakit daw may eyebags ako. Sa wala ako sa mood hindi ko na lang sila pinansin, mabuti tumahimik na sila... ayaw ko rin ng maingay eh.

After how many hours of this boring day ay natapos din ang class namin. Papauwi na ako kasama ang mga kaibigan ko na wala pa ring tigil sa pagkukuwentuhan, yung totoo hindi ba sila napapagod? dahil ako pagod na kakarinig ng mga boses nila.

I rolled my eyes.

I am opening the door of my car when gerald appeared. May dala itong bouquet of flowers na hindi ko alam ang name pero maganda naman with I'm sorry balloons pa. Nagulat ako at para namang tumigil ang oras ng ibang estudyante sa pagkakatitig sa amin.

'' baby H..hi...'' nautal si gerald so meaning he's nervous. Hindi kasi ito sanay mag say sorry especially infront of everybody.

'' what are you doing here? '' I asked him samantalang ang mga kaibigan ko sa aking tabi ay para ng mga bulate sa nararamdamang kilig.

Ang gwapo naman kasi nitong taong ito, kahit ako the day he asked me out halos hindi ako makahinga sa kaba at excitement. At kapag magkasama kami hindi nawawala sa amin ang mga titig ng tao, ewan ko ba pero palaging ganun ang nangyayari sa amin, parang main attraction kami.

'' I came here to say how sorry I am baby '' lumapit na ito sa akin at ibinigay ang bulaklak. Para hindi naman mapahiya si gerald ay kinuha ko ito.

'' thank you baby, but you don't have to do this ''

'' I know but I have to. I was wrong. I just so worried about you '' mas lumapit na ito sa akin.

Napasulyap naman ako sa mga matang nakatingin sa amin, naiilang tuloy ako kaya ibinalik ko na ang tingin ko kay gerald.

'' it's okay baby. I'm not mad anymore and I am sorry as well '' sumilay na ang mga ngiti nito sa kanyang labi sabay yakap sa akin.

Naghiyawan tuloy ang mga tsismosang palaka isama mo pa ang mga kaibigan ko na parang may makikita ka ng puso puso sa kanilang mga mata.

'' go with me '' bigla namang alok ni gerald.

'' where? ''

'' secret '' he smiled at hinila na ako patungong sasakyan niya.

------------------------------

Pumunta kami sa isang napakalawak na ahmmm parang park?. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa New York. Pero bakit walang tao? at ang dilim naman dito.

'' let's go? '' aya niya tumango naman ako.

Sa bawat hakbang na ginagawa namin ay isa isang umiilaw ang daanan. Natuwa naman ako dahil ang gandang tingnan ang may iba't ibang kulay na ilaw. At sa dulo ay may dinner table for two with candlelights.

May 4 na lalaki rin in black suits na tumutugtog using violins, ang ganda ganda nitong pakinggan. Isa kasi sa gusto kong matutunang tugtugin ay ang violin pero hindi ko yun natutunan.

Nang makarating na kami sa table ay nagpaka gentleman as always si gerald. Umupo siya kaharap ko. Later on may lumapit ng waiter at inihatid ang pagkain namin, ofcourse bongga na naman ang pakulo ni gerald na sa akin niya lang ginagawa.

Napatitig ako sa boyfriend ko, sa boyfriend kong mahal na mahal ko dati. Then nagtama ang mga mata namin at nag spark sa saya at pagmamahal ang kanya and he started to speak after he gave me a piece of red rose.

'' baby you don't know how really happy I am that you chose me to become your boyfriend, that you chose to love me. I'm not perfect especially my past but you gave me the chance to prove my worth to you. And that eyes - your blue green eyes that instantly captivates me the time we met. It makes me fell inlove with you that very time. I'm sorry if I messed up for sometime. '' he paused and hold my hand.

Napatingin ako saglit sa mga kamay namin then back to his eyes. Naiiyak ako I am feeling so guilty, nakikita ko kasi how he loves me. Nakikita ko yun sa mga mata at kilos niya.

'' but I promise that I'll do better in the future. I love you so much danika from the day I've met you until tomorrow ''

Pagtigil niya ay bigla akong naluha. Papano ko sasabihin sa kanya na hindi na ako nararapat sa pagmamahal niya? na hindi na ako ang danikang minahal niya. Na hindi na ako ang dating ako??

Lumapit sa akin si gerald at umupo katabi ko para punasan ang mga luha ko.

'' why are you crying? '' napaka sincere ng boses nito, lalo tuloy akong naluha.

Niyakap akong bigla ni gerald at hinayaan niya akong umiyak muna.

'' it's okay baby it's okay '' he mumbled

Hindi gerald hindi na okay ang lahat at kahit kailanman hindi na magiging okay ang lahat, Patawarin mo sana ako kapag dumating ang araw na malaman mo ang totoo.

He continue to gently stroking my back. Pinigilan ko na ang mga luha ko, nakakahiya na rin kasi. I lifted my face from his shoulder and cupped his pretty face. I don't know why I did this pero alam kong dapat kong gawin, maybe to lessen my guilt, nagsisimula na rin kasi akong makaramdam ng sakit for him.

Niloloko ko si gerald.

Pinagmasdan ko ang mga mata ni gerald, yung mata niya na nagustuhan ko rin. Yung mga mata na kapag tinititigan ako dati ay napakasaya ko. All I want is him, All I need is him, it's always be him pero noon yun. NOON YUN.

'' I'm sorry '' I mumbled while I unwillingly reminiscing our past. Yung nakaraan namin na kami pa lang, na wala akong iniintindi kung hindi siya lang. Our dates, our matings and our everything including our future.

Ngumiti si gerald at pinunasan na naman ang mga luhang hindi ko napapansing pumapatak na naman sa mukha ko, naging iyakin ata ako ngayon.

'' I love you baby so much. '' full of emotion niyang sabi.

Tumango lang ako and hugged gerald. He might not be the one I'm loving so much right now, at this moment but I know that I'll always love him for the end of time

-----------------------------------------------------------------

A/ N

Yung kanta na sa isang sulyap mo was intended sa past nina gerald at danika. The time danika was still so inlove with her boyfriend.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon