Chapter 23 - Secret Affair

6.8K 153 3
                                    

- ANA -

'' love matagal ka pa ba? '' tanong ko sa love ko. Yep love talaga, after kasi ng napag usapan namin kagabi we're going to have this secret affair, ang pangit pakinggan noh but that was our thing.

Hindi ko rin inisip na magkaka another one ako but I also like danika and I want her for myself.

'' I'm ready love ''  sagot nito paglabas ng kwarto. Pupunta kami ngayon sa bahay medyo matagal tagal na rin kasi the last time na umuwi ako at panay na rin ang tawag sa akin ng parents ko.

Eksakto naman na weekends ngayon so may 2 days din akong maibibigay sa kanila at ang mas masaya sasama si danika.

'' you look gorgeous as always '' Hinapit ko ang bewang nito.

'' thank you love and you too '' she touched the tip of my nose with her index finger.

We smiled at each other and I can see in her eyes how happy she is. After kasi maging sort of kami mas naging mas loose si danika at naramdaman ko ang sinasabi ni dominika na napakasweet ng kapatid niya which is so true, napatunayan ko yun this recent days.

'' let's go? '' aya na niya. I nod my head and hand in hand we go out na aiming for the car.  Dinala ko ang kotse ko at sabi ko ako na ang magmamaneho, nagpipilit na naman nga siya at nagsusungit na naman, ayaw niya daw ako mapagod. Ang sweet talaga, pero sabi ko naman 2 hours lang naman ang travel at kayang kaya ko yun. Dati ko na rin yun gawain so in the end pumayag na rin siya.

Umalis kami ng 7am so dahil wala namang aberya ay nakarating kami ng 9 am. Pagkatigil pa lang ng sasakyan ay sinalubong na kami kaagad ng parents ko.

Pinakilala ko sila sa isa't isa, natuwa naman si mom dahil nakapag dala daw ako ng kaibigan sa bago naming bahay.

Naging maayos naman si love, napakagalang nito. Hindi naman pala talaga ito maldita. Oo brat talaga siya but now she's trying to lessen it down daw for me at ayaw niya daw kami nag aaway.

Well kahit mag away naman kami for sure bangayan lang yun at magkakabati din kami after.

- DANIKA -

Sumama ako kay love pauwi sa kanila to meet her parents na rin. Gusto kong makilala ang mga taong pasasalamatan ko for giving me this wonderful present. And when we got there a wonderful couple welcomed us. Ang parents ni ana.

They treated me so well, napakababait at napaka maintindihin. They are always talking to me at hindi nila pinaramdam sa akin na I'm new in their house. I was so feel at ease sa bahay nila Ana.

'' so danika right? '' si tita, nasa living room kami kakatapos lang mag early lunch, syesta time daw muna.

'' yes po ''

'' papano mo naman nakilala itong anak namin? ''

Tumingin muna ako kay ana na katabi ko at pasimpleng tinutusok tusok ang tagiliran ko.

'' ahm her bestfriend riley po is my older sister's girlfriend '' bigla namang nanlaki ang mga mata ng mag asawa.

'' so you mean isa kang maxine?? '' si tito naman this time '' ngumiti lang ako and nod my head.

'' hay aba nakakahiya naman sayo iha our house is small compare to yours, dun ka matulog sa malaking guest room namin ihahanda ko lang '' si tita ulit. Paalis na sana ito para ayusin ang sinasabi niyang kwarto pero agad ko itong pinigilan.

'' No tita it's fine, no worries po. And actually po I prefer po na magkasama na lang kami ni lo--- ana ''

phew muntik na ako dun ah. Napatingin tuloy sa akin si ana.

'' you sure kasi malikot yan si analita '' natawa ako kinumpleto kasi ni tito ang pangalan niya kaya nakabusangot na naman ang magandang mukha ni ana.

'' dad naman kung maka analita, just ana okay '' asik na may paglalambing nito sa magulang niya.

'' ha ha anak naman kailan mo ba tatanggapin ng buo ang pangalan mo? '' tatawa tawa si tito

'' dad...... ''

'' oh sige na hindi na ANA!! '' ngumisi pa rin naman ito.

'' hay sige na muna kayong dalawa umakyat na kayo sa kwarto pansamantala para makapagpahinga. Mainit pa rin naman para maglakad lakad kayo sa labas ''

Tumayo na kami ni ana at sabay ng pumanhik sa hagdanan pagkatapos magpaalam sa mga magulang niya.

Ang bahay nila ana ay dalawang palapag. May katamtamang laki ito, may 3 kwarto. Isa sa mag asawa, isa kay ana at yung isa guest room. Dun sana ako mag i- stay kaso ayaw ko nga mas gusto kong katabi ang love ko pagtulog, speaking of tulog excited na ako mamaya. * evil grin.

'' love anong iniisip mo at ganyan ka makangisi? '' si ana, nandito na kami sa kwarto niya.

'' ikaw '' tipid pero direkta kong sagot.

'' Ako?  my god don't tell me minamanyak mo ako ha, umayos ka love. I'm still.... '' di na niya itinuloy at biglang bumukas ang pinto.

'' anak siyanga pala tumawag si aunt Nida mo daan ka raw sa kanila mamaya ''

'' ah sige po mom puntahan ko na lang sila ''

'' okay sige, alis muna kami ng daddy mo ha may kukunin kasi kaming dokumento para dun sa isang property na binili ng dad mo ''

'' sige po ingat kayo ni dad ''

'' salamat anak, and danika? '' tumingin ako sa direksyon ni tita.

'' po? ''

'' feel at home ha '' ngumiti ito sa akin

'' opo tita salamat po, ingat po kayo ''

'' salamat '' at sinarado na nito ang pintuan.

Lumapit ako kay ana at niyakap siya sa likuran. Dire diretso lang naman ito sa pag labas ng mga damit ko sa bag. Hindi naman din niya kailangang magdala dahil marami siya ditong damit sa house nila.

'' love? '' tawag ko sabay halik sa gilid ng leeg niya.

'' hmmmm? ''

'' tabi tayo ha '' biro ko

'' hay naku danika ha tigilan mo ako ng mga paandar mo kakatapos pa lang natin, alam ko ang tinutukoy mo '' asik nito sa akin. Tumawa ako ng mahina.

'' wala naman yun ibig sabihin ikaw lang nagbibigay '' depensa ko naman.

'' sus eh bakit may payakap yakap ka pang nalalaman dyan? ''

'' nothing gusto ko lang maglambing sayo ''

'' talaga lang ha '' tumawa rin ito.

'' pero kung gusto mo pwede rin naman. I'm ready ''

'' DANIKA!!!! '' saway nito sa akin.

'' sige na biro lang, maliligo na lang muna ako para later ready na ako pag labas natin '' kumalas na ako sa pagkakayakap.

'' saglit I'll get you a towel '' pumunta siya sa isang cabinet  at binigyan niya ako ng isang puting tuwalya,

'' thank you '' I told her and walked towards the bathroom.

'' love lock the door okay? ''

Pinaalalahanan na naman niya ako, kahit daw kasi kami lang magkasama ay dapat nag lo lock na ako para masanay na at hindi raw ako masilipan.

Mahirap na daw baka manakaw pa ako sa kanya.

ayyiee kinilig ako dito kahit masungit ang pagkalahad niya.


THE MAXINE SISTERS SERIES (DANIKA ELLISE) GXG STORY - WHEN YOU AND I COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon