Ito ba ang unang dahilan?

5 0 0
                                    

"Veero, nasusuka ko." Nakasandal 'yung ulo niya sa balikat ko. Habang nakasakay kami sa bus papunta sa school

"Huwag mong sabihing may ginawa kayo ni Sean kagabi? Bago ka umuwi"

"Aray!" Bigla ba namang inuntog yung ulo niya sa ulo ko.

"Pano ba naman. 3 hours lang tulog ko. Hayp na integral na 'yan...nasusuka na talaga ko"

"Huwag kang sumuka, maisusuka mo mga kinabisado mong formula. hahaha Sa tabi lang po!"

Pagbaba namin nakaabang na agad yung boyfriend niyang si Sean sa gate. Initsa ko nalang yung bag ni Avee sa kanya.

"Ikaw na bahala diyan".

" Sige bro,"

"Veero, 'di ka pa ba papasok?

"May dadaanan ako office."

Magka-holding hands na naglakad na sila Avee papasok. Habang naglalakad ako, may biglang bumatok sa'kin.

"Takte! Ano ba, Nica?!"

"Ba't mo kinain yung ice cream ko sa ref, ha!"

"Hindi ako 'yon! Haha"

"Veero! Bayaran mo 'yon!"
Tumakbo nalang ako palayo sa kakambal ko. Kaso talagang hinahabol niya ko. Nang makita kong malapit na ang office mas binilisan ko pa. Agad ko itong sinara pagkatapos ay nilock.

"Shit!" Narinig kong mura ng babae nakatalikod sa'kin. Nakaupo siya sa isang monoblock at nakaharap sa pader.

"So..rry?"

"Huwag na muna tayong mag-usap."

"Ha?"

"Hindi mo ko naiintindihan? Sabi ko 'wag na muna...please"

"Ano?"

"Nahihirapan na ako. Please, nahihirapan na ako sa ganito."

"Miss..." Ano ba? Hindi ko maintindihan ang sinsabi ng babaeng ito. Baliw ba siya? Player din ba siya ng chess o siya yung multo dito sa office namin.

"Bye."

"Ha?"
Naramdaman kong nag-ayos siya ng mukha. Parang may pinapahid. Malay ko ba. Tapos binaba niya yung phone niya...phone...phone

"Kaingay mo. May kausap ako sabat ka ng sabat!"
Humarap sakin ang babaeng namumula ang mata, maga na parang kaiiyak. Hanggang balikat ang itim na buhok niya, medyo maputi. Matangos ang ilong...basta maganda.
Lumapit siya sa'kin at nang magkatapat na kami ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano? 'Di ka aalis diyan?"

Hindi ko alam pero lumihis nalang ako sa pinutuan.  Natameme ako don. Pagkalabas niya ay doon ko lang nakuha yung T-square ko.
***
Avee POV
"Masakit ba ulo mo? Bili kong gamot o tara sa clinic?"
Nag-aalalang tanong ni Sean. Napagiti nalang ako.

"Ok lang. Thank you, pumasok ka na."

"Sure ka ba? Sige, I love you"

"I love you too."

"Sunduin kita, mamaya ok?"

Umupo na ako at dumukdok. Naririnig ko yung usapan ng mga kung nagreview daw ba o hindi, kung may leak daw ba ng quiz galing sa ibang section at mga classmates kong ninireview ang isa't isa.
Noong dumating yung prof namin. Inayos na namin yung cheating arrangement 2 seats apart pa nga. Nasa harapan ko si Veero.

Nagpass na kami ng bayad sa test question at start na nang kabaliwan. Nasusuka talaga ko tapos ganito pa kahirap yung quiz. Hayp na 'yan. Kadali dali ng mga examples tas pag quiz na mahirap na.

2 hours yung quiz namin. 40 minutes nalang 4/10 palang nasasagutan ko. 'Di ko pa sure kung tama. Sinipa ko na yung bangko ni Veero. Lumingon siya sakin.

Sinenyasan ko siya ng '4,7, 9, 10, 2". Alam na niya 'yon nang hindi nakatingin si prof. May initsa siyang crumpled paper na may solutions ng 2,7, 10. Malamang sa 4 at 9 mahaba ang solution o kaya 'di siya sure. Hahaha. Ok na ito.
****

"Veero, nauuhaw ako." Inabot sa'kin ni Veero yung pink niyang tumbler. Well, mahilig talaga siya sa pink, parehas kami. Pero 'di siya bakla.

"May practice ba kayo sa chess?"

"Sama ka ba?"

"Hindi na, maglalunch kami Sean."

"Sige,alis na ako."

"Pony mo muna ako." Kinuha niya naman yung suklay at pinonitail niya ako.

"May balakubak ka"

"Hayp ka! Alis ka na nga. 'Di ako sasabay umuwi sayo ha. I love you~~~"

"I love you too~~"

"Ang sweet talaga ng magbestie" side comment ng bakla kong katabi na may gusto kay Veero.

Dati masyado pa ang pangaasar sa'min pero sa ilang sem na classmate namin sila ay nasanay na rin at naintindihan na rin nila kami. Tsaka wala silang pake no.

"Avee..."

Sundo sa'kin ng boyfriend ko. Yay! Lunch time. Pagdating namin sa canteen. Hays. Puno. Palibhasa ang dami estudyante tapos iilan lang ang canteen.

"Sean, paano?

" Magtake out nalang tayo. Tapos kumain sa bakanteng room, dito ka nalang. Ako na bibili."

Habang tinitigan ko si Sean na bumibili narealise ko na ang swerte ko dahil ang gwapo niya talaga. Matangos  ilong, clean cut, feeling ko may abs hahaha. Siguro 5'10 siya pero ang gusto ko yung pilik mata niya, kahaba. Tapos brown eyes. Gwapo.

Magkaholding hands kaming nagpunta sa isang room. Isang electric fan nga lang ang gumagana. Matapos naming kumain ay napangalumbaba lang siyang nakatingin sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tas tumitig lang din ako sa kanya.

"Ang ganda mo. Mukha kang anime"

"Dahil ba half Japanese ako. Anime na agad? Hahaha."

"Oo nga, ang ganda at ang cute ng girlfriend ko"
"Maganda lang, ayoko ng cute Haha"

"Hahaha" tapos hinalikan nalang niya ako sa pisngi.

Kung naaalala mo pa ako, sana kalimutan mo na ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon