Avee POV
Naramdaman kong may pumapasok sa kwarto kaya naman, naalimpungatan ako at nagising.
"Avee..."
Shit. Anong nangyari dito? Nananaginip ba ako. Bakit biglang malumanay ang boses ni Veero. Napaupo nalang ako at humarap sa nakaupong si Veero sa gilid ng kama ko.
"Anong nangyari?" Inaabot niya sa akin ang phone niya. Hindi pa sakin nagsink in agad noong una kung sino at ano ang meron sa text na 'yon.
"Si Sara..."
Hayp na Sara nayan! Bat biglang nagpaparamdam na nanaman ang babae na 'yan.
"Nireplayan mo?"
"Hindi...pa."
"Tumingin ka sa'kin" hinawakan ko ang mukha at hinarap sa akin. Tumingin naman siya.
"A..."
"Matulog ka muna sa ngayon, tapos bukas aalis tayo. Sa akin na muna yung phone mo." Hinalikan ko siya sa noo. Pagkatapos ay hinatid ko nalang siya sa kwarto ni Mama. Gusto ko man siyang tabihan pero kami na ni Sean. Hinantay ko nalang siyang makahiga at lumabas na ako ng kwarto.
Dinial ko agad yung number ng lintik na si Sara. Hayp siya."Tae, ka sagutin mo."
"Hello?" Kumulo agad yung dugo ko ng marinig ko yung boses ni Sara.
"Hell to you Sara!"
"Sino ito?"
"Si Avee tanga!" Pabobo talaga ang babaeng ito.
"Bakit? Anong kailangan mo Avee?"
"Ikaw? Anong kailangan mo Kay Veero? Bakit nabuhay ka nanaman?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Hayp ka! Best friend ako ni Veero!"
"Best friend kalang, pero kung umasta ka--"
"Ikaw ang kalang! Huwag mo nang itetext ulit si Veero, naiintindihan mo?"
"Hindi ka pa rin nagbabago. Pakialam ka pa rin. Dahil sayo kaya kami naghiwalay!"
"Huwag mo kong sisisihin,gaga! Malandi kalang talaga"
"Palamura ka pa rin. Wala akong pakialam sayo. Hindi mo pag-aari sa Veero"
*tot tot tot*
Ako pa talaga ang pinatayan niya, tinawagan ko ulit siya kaso 'di niya ako sinasagot. Huwag siyang magpapakita sa akin.Veero POV
3 AM na pala. Hindi pa rin ako makatulog. Lumabas na muna ako at garden nina mama at tita. Puro orchid is at rose dito. Tapos may magkaharap na bench.
Nakaupo si Yra, na nakaearphones at nakapikit. Umupo nalang ako sa harap niya at pumikit din. Lahat ng ala ala namin ni Sara bumabalik sakin."Sara and Veero for muse and escort"
"Pwede ka bang ligawan?"
"Talaga? Tayo na? Yes!"
"Date tayo, nood ng sine"
"Ipapakilala na kita sa magulang ko"
"Sorry, may problem kasi si Avee kaya na late ako."
"Happy 2nd anniversary, Sara. I love you"
"Hindi na ko iinom ulit. 18 na daw kasi ako kaya pinainom na nila ko. Kasama ko naman si Avee na umuwi"
"Huwag ka ng magtampo. Happy 3rd anniversary!"Nasira yung pagaalala ko nang maradaman kong umiiyak na pala ako. Tinangnan ko si Yra at buti nalang nakapikit pa rin siya, pinunasan ko nalang agad yung luha ko.
Patayo na sana ako ng bigla siyang magsalita,
"Ok lang 'yan" nakapikit niyang sabi. Shit.
"'Di ako umiiyak ha, napuwing lang ako" ako na walang maisip na dahilan.
"Bat ang defensive mo?" Dinilat na niya yung mata niya tsaka tumitig sakin.
"Ha? Hindi...ano"
"Saan may malapit na tindahan dito?"
"Sa may panglimang kanto, may convenience store"
"Ok."
Tapos tumayo na siya. Ano yon? Pupunta siyang convenience store ng ganitong oras. Tapos 'di pa siya tiga dito. Takte na 'yan.
"Samahan na kita! Sandali!"
Tumingin lang siya sa'kin noong sumunod ako sa kanya. Nasa likod niya lang ako na para niyang guard. Ang lamig. Ano ba bibilin nito?Mamaya bigla siyang huminto. Huminto din ako syempre. Napapansin kong napaatras siya, anong mangyayari dito. Nakita ko yung taong grasa na papalapit sa kanya. Takot siya? Katapang bumili mag-isa tapos takot naman pala sa mga tanong ganito.
Tumabi nalang ako sa gilid niya kaso lumalapit pa rin talaga yung taong grasa. Nagulat ako ng napahawak siya sa braso ko. Aba! Aalisinko sana pero parang takot talaga siya. Kaya naman naglakad nalang ako at siya nakakapit pa rin. Medyo malayo pa naman. Gusto mang mag-open ng conversation kaso 'di ko ugali 'yon tsaka sa tingin ko ganon din siya.30 minutes kaming naglalakad hanggang makarating kami sa convenience store. Bumitaw naman na siya, at dumiretso sa mga drinks. Ako naman umupo lang at nakaharap sa kalsada. Dito kami lagi nakatambay ni Sara after school. Kaso...biglang may kumakalabit sakin paglingon ko si Yra pala.
"'Di ka bibili?"
"Hindi"
"Ok"
"Tapos ka na bang bumili?"
"Oo, anong gusto mo?"
"Wag na, ok lang ako."
"Ok"
Tapos umalis siya ulit at nagtingin tingin. Matapos ay dumiretso na siya na lumabas. Hindi man nga lang ako tinawag. Katulad kanina nasa likod nanaman niya ako. Pero bigla siyang huminto at pinuntahan ako. Inabutan niya akong cornetto. Wala naman akong nagawa kundi kunin kalang. Takte ang lamig dahil madaling araw pa tas ice cream ang kakainin."Thank you..." Mahinang sabi niya. Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad pauwi.
***
Avee POV
Every hour balak kong i-check si Veero, kaso nakaidlip ako at 3:30 am ng magising. Agad akong bumaba para tingnan siya kaso hindi ko siya nakita doon. Shit. Nasaan na 'yon? Baka kung ano na ginawa niya. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bahay namin. Lumabas na din ako at pumunta sa garden kaso wala siya. Hindi ko naman siya matawagan dahil yung phone niya nasakin."Shit, Veero. Nasaan ka ba?" Pumunta na ako sa bahay nila. Kaso mga tulog na kaibigan lang ni Veronica ang nakita ko. Ano ba 'yan? Hayp. Si Sara kasi! Naiiyak na ako. Veero...
Hindi ko na alam ang gagawin ko, natawagan ko nalahat ng ka-club niya kaso hindi daw nila alam. Shit shit shit.
"Iiyak na ako, Veero. Nasan ka na ba?" Pumasok na ako sa bahay para kuhanin yung jacket ko at hanapin na si Veero. Bat kasi ngayon pa wala si Tito. Nagmamadaling bumaba na ako at lumabas pero..."Avee? Saan ka pupunta?" Si Veero! Huwahh. Napaiyak nalang ako at yumakap sa kanya. Wala akong pakialam kung sino man ang kasama niya.
"Anong nangyari?"
" Saan ka nagpunta? Bat bigla kang nawalaaa!" Patuloy lang ako sa pag-iyak. Natakot talaga ako.
"Sinamahan ko lang yung kaibigan ni Nica. Halika na, matulog na."
Hinatid na niya ako sa kwarto, at kinumutan.
"Huwag ka na ulit aalis, ha? Huwag kang mawawala"
"Oo na." Hinalikan na niya ako sa noo at sinarado na ang ilaw at pinto ng kwarto ko.
Nakapikit nalang ako, ng muling pumasok sa isip ko yung ginawa ni veero 1 year ago, dahil Kay Sara muntik mawala ang best friend ko. Hindi ko siya hahayaang saktan nanaman si Veero.
BINABASA MO ANG
Kung naaalala mo pa ako, sana kalimutan mo na ako.
RomanceIsusulat ko ang istorya natin para humingi ng tawad sayo.