Veero POV
Nakasakay na ako sa bus, pauwi. Katabi ko ay isang lower year na schoolmate ko. Hindi ko alam pero tingin ng tingin sa'kin ang batang ito. Ngayon lang ba ito may nakatabing gwapo. Nang biglang liko ng bus, ay napadikdik siya sa'kin."She.. Serry po kuyah..." Ano raw? Kinuha ko nalang yung phone ko para maglaro. Pero hanep na Avee nawala lahat ng games ko. Napuno ng k-drama ang phone ko.
"Ahihihi", napalingon nalang ako sa batang katabi ko.
'Bes, ang gwapo ni kuyang katabi ko'
'May girlfriend na yan'
'Mukhang wala bes, tsaka kahit na. Ahihihih'
Tapos puro puso puso na 'yong iba kong nakita sa conversation nila.
" Para po!"
"Kuya may nakalimutan ka", Hindi ko na pinansin yung bata dahil alam kong banat lang kung kasunod no'n.
Pag-uwi ko sa bahay. Magulo. Puro Bag. Mga drawing materials. Mga architecture ito...at ayon na nga lumabas si Nica sa kwarto niya.
" Veero, pabili naman ng isang gallon na ice cream "
"Kakauwi ko lang, palalabasin mo nanaman ako"
"Sige na, ako maglalaba ng damit mo"
"'Wag na, nandyan naman si Avee, para ipaglaba ko haha"
"Aba! Nagpadala na si mama, hindi ko ibibigay baon mo!"
"Takte, baliw ka ba?"
"Oo! Bili na!"
"Pag ako narape!"
****
"Ito na 'yong ice cream!""Veero~ pabili na nga rin..."
Nilayasan ko na siya at agad nanilock ang kwarto ko talaga ng kambal ko na 'yon.
"Nandito ko sa bahay ng kaibigan ko"
Sino 'yon? Nagulat ako sa pigura ng babae na nakatayo at nakaharap sa akin. Hindi ko siya maaninag dahil 'di ko pa nabubuksan ang ilaw.
"Sorry ...namali lang ng pasok".
Tumango nalang ako at napakamot ng ulo. Ano ba yan hanggang dito ba naman nag pupunta kaibigan ni Nica.
" Wala yon. Oo na... Oo..oo.. Sige.. Oo ..Sige bye..." Puro oo't at sige lang ha. Parang ang bossy naman ng kausap nito.
"Sorry" lumakad nalang siya at natapilok. Napakapit siya sa braso ko. Ito sana yung mga eksenang magiislow mo ang lahat kaso 'di ko siya makita kaya binuksan ko ang ilaw.
"Sorry, excuse me" Tinitigan ko siya...at siya yung babae kanina! Siya nanaman.
"Excuse me.. Padaan " lumihis nalang ako at pinadaan ang weird na babae na 'yon.
Sinilip ko ang bintana, at wala pang ilaw sa kwarto ni Avee. Napapasarap ata date non. Nagbihis, naghilamos lang dahil tinatamad nakong maligo. Matutulog na sana kaso,
"Veero! Patulong!"
"Veero!"
"Isa! Dalawa!"Wala na. Masyado ng maingay, pumunta na ko sa kwarto ni Nica sa baba. Tumambad sa'kin ang mga stress pero maiingay na architecture students na gumagawa ata ng actual na mini-city. Yung miniature.
"Guys si Veero nga pala. Kambal ko. Veero ito sila, Amy, Shekina, Lesley, Josef--"
"Anong Josef? Josephine." Sabi nung nagiisang lalaki o babae. Basta lalaki siya na may pangalang babae.
"Tapos ayon si Yra..mag-hi ka nalang din baka namiss mo.." Ano raw? Ako ba kinakausap non. Tumango na nga lang ako sa kanila. Yung Yra yung babaeng laging may katawagan ay hindi man lang tumingin sa'kin at patuloy lang sa ginagawa niya sa calculator.
![](https://img.wattpad.com/cover/162246153-288-k518474.jpg)
BINABASA MO ANG
Kung naaalala mo pa ako, sana kalimutan mo na ako.
RomanceIsusulat ko ang istorya natin para humingi ng tawad sayo.