"Di ko talaga maintindihan ang mga tao ngayon! Maya maya lang mag aaway! Tapos maya maya na naman maglalambingan! Letchugas naman oh! Intindihin niyo naman ang nararamdaman naming single! Bwesit!"
Iritang sabi ng kaibigan ni Hannah na si Hazel.
Maganda ang dalagang ito,may maiksing buhok na hanggang dibdib,medyo malaki ang mata pero bagay sakanya,may maliit na ilong na bagay na bagay sa mukha niya at heartshape ang labi. At ang mas nakakaattract sa dalagang to,ay ang pagiging morena niya. Kaso napakataray naman nito. Na kahit lalaki man o mapabata o matanda ay aawayin niya pag alam niyang nasa tama siya. Hindi rin ito single gaya ng sinabi niya,may pag ka feeling single lang siya kasi LDR sila ng boyfriend niya."Bitter ka kasi! Kaya ayan! Katulad mo na si Hannah! Mga bitter! Psh"
Sagot rin ng kaibigan niyang si Amy. Maganda rin ang babaeng to,matangkad,mapupula ang mga labi,medyo kulot ang dulo ng buhok na kulay berde,at sobrang puti rin ng dalagang to. Na parang papel,or kulang lang talaga siguro to ng red blood cell?
"Shut up! May boypren ako no! Stay strong pa rin kami ni Gino!Pero ikaw! Kala mo naman may poreber na sila ng jowa niyang gangster! Ew! Papatayin ka non! Hmp!"
Sagot ulit pabalik ni hazel."Nag aaway na naman ang barkada ko-.-"
Yan ang nasa isip ngayon ni Hannah na nagbabasa lang ng libro para mamaya sa report niya. Vacant nila ngayon kaya nasa rooftop silang magbabarkada.Kilala sila bilang The G's or The Greats ang grupo. Dahil nasa kanilang grupo lahat ang mga matatalinong estudyante.
Na masasabi mo talagang OO dahil sa tuwing may mga paligsahan sa paaralan nila or quizbees ay palaging present ang kanilang grupo. Mapaacads man o sa kahit anong aspects.Sa grupo nila. Lahat sila may jowa
Si Hazel ay jowa si Gino
Si Shy ay si Kyle
Si Amy ay si Kenneth
Si Amira ay si Blake
Si Cristy ay si Kim
Si Dez ay si Neth
Pero si hannah ay WALA NA.Wala ng jowa si Hannah. Simula nung nag break sila ni Hans Zyron Unara. Simula nung nag break sila,wala ng nangligaw pa ulit sakanya. Nagtataka narin ang mga kaibigan niya at pati na rin siya dahil maganda naman siya,para nga itong Queenbee sa kanilang paaralan ngunit napakasuplada nga lang neto. Iyon ata ang problema niya.
"Guys tumahimik na nga kayo,eh kung nag study na lang kayo para sa next lesson natin hays"sermon sakanila ni Dez. Si Dez ang pinakamatanda sakanilang grupo. Drake Erick Zaint 19 years old. Ang matagal ng bestfriend ni Hannah Meykisha Zaposthra.
"Oh ayan nagsermon na si lolo! Magstudy na lang kasi kayo."asar rin blake sakanila.
"Nagmamalinis si kuya,oh Blake kala mo diko pansin yang kamay niyo ni Amira na tinabunan ng towel?asus landi niyo! Aral muna bago holding hands!"mahabang saad ni Hannah. Hindi na niya kasi kinaya ang mga barkada niyang parang mga asot pusa kung mag away."B-bitter ka lang eh! Maghanap ka rin ng ka HHWR mo!tsk!"defensive na sagot ni Amira.
Si Amira oh Amira Rein Clavez na kasintahan ni Blake Domiquez. Maganda ang babaeng to ngunit maitim nga lang,na nababagay naman sakanya ang kulay. Ang motto pa nga ng dalagang ito ay "Ang totoong maganda,MORENA hindi HARINA".
"HHWR?!"napatanong silang lahat kay Amira at Blake. Ano nga ba meaning ng HHWR?
"Holding Hands While Reading! Psh!" Pasinghal na sabi ni Amira sabay irap.
"Ang lannnnddddeeeee!"asar ng grupo nila kay Amira at Blake.
"Kala mo naman sila,hindi!?"asar rin ni Hannah sakanila na nagpatawa sakanilang lahat at syempre inasar na naman nila si Hannah na bitter lang sakanila at maghanap na ng lalaking mamahalin niya baka daw maging Matandang Dalaga ito. Napailing nalang si Hannah sa mga inaasar ng mga kaibigan niya sakanya dahil alam niya sa sarili niya,di siya magiging matandang dalaga.At nagpatuloy na ang asaran ng kanilang barkada
Itutuloy~
💙💙💙
So hey guys! May new story na naman ako!HAHA. Enjoy reading guysue! Thankiss❤️.
Next update: Characters