Chapter 2

434 9 4
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

"Nakipagkaibigan lang parang naging asawa mo na? Tsk." Tinignan ko ang epal na si Harry at itinaas ko ang kamao ko. "Gusto mo nito Harry?" Nakangisi kong sabi.

Hindi ako dapat mabad vibes, napaka ganda ng nangyari ngayong araw para lang mabadtrip ako sa lalaking to.

"Nagpepaint kana ulit?" Tanong nya ng isuot ko ang reading glasses ko. I only wear this pag nagpepaint ako o nagskesketch. Malabo ang mata ko at gusto ko na detailed ang mga gagawin ko. Tumango ako at nilagay ang earphone ko.

"Alam mo next time talaga kukuha ako ng isa sa mga canvass mo tapos dadalin ko sa school para ipakita sa lahat kung gaano ka kagaling." Wala pang music na nagpeplay kaya narinig ko ang sinabi nya.

"You don't do that Harry. Sisipain talaga kita." Kunot noo kong tingin sa kanya.

Ngumuso lang sya at lumapit sakin. Kumuha sya ng high chair, umupo dito at tinitigan ako sa ginagawa ko. Noon kapag nagpepaint ako hindi naman ako nadidistract ng ganito pag tumititig sya, pero ngayon.

Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya.

"What?" He harshly asked. Hindi ko alam kung anong klaseng titig ba ang ginawa ko kaya ganoon sya.

"Mahal mo ko Harry?" Napasandal sya sa pader at tinitigan ako saglit. I don't know where did I get the guts to ask that, pero hindi ko talaga maiwasan hindi magtanong. Curiousity kills me. I need to know and understand what he'd said.

"Huh?"

"Mahal mo ba ko?" Ulit ko. Pero ang damuho tumawa. Fvck tumawa lang talaga sya?

Natawa ako sa pagtawa nya kaya binalik ko nalang ang paningin ko sa ginagawa ko. Siguro nga hindi ako ang sinasabihan nya non. Siguro nga tulog na sya non at dahil sa pagod kaya nya nasabi ang mga yon. Or baka hindi ako ang dapat makarinig non kundi ibang tao.

Fvck mabuti nalang at hindi ko kailangang isipin ng isipin ang pagkapahiyang to kay Harry, hindi kagaya ng pagkapahiya ko kay Liam noon.

"So tell me sino yung mahal mo?" Tanong ko ng hindi sya tinitignan.

"You can tell me ng mapahiya kita sakanya at makabawi ako sa lahat ng ginawa mo sakin." I smile cockily and put the brush on the canvass.

"Binubully ko yon, wala ka ng mapapanakot sakanya." Sagot nya. Tumango lang ako at tinapos ang detalyeng ginagawa ko.

"Gusto ka naman ba nya?" Tanong ko sabay tinggin sakanya. Nagkibit balikat sya at tumingin sa ginagawa ko.

"Alam mo ang malas nung babae. Siguro badtrip na sayo yon, baka kamo turn off na sa pagiging alaskador mo. Kung ako yun? For sure di ka pa nagpapahiwatig basted kana. Hindi kita magugustuhan sa sama ng ugali mo." Tumawa ako ng tumawa pero paglingon ko ay nakatalikod na sya sakin.

What If I Told You (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon