Chapter 7

367 12 0
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat. Bakit ayon ang lumabas sa bibig ko? Shit. Hindi ko alam.

Napaupo ako habang nakatingin sa reaction ng mukha nya. Bullshit anong ginawa ko? Huminga sya ng malalim at bumangon mula sa pagkakahiga. Pansin ko rin ang pag igting ng bagang nya na halatang galit dahil sa biglang lumabas sa bibig ko.

"Uuwi na ko." Mahinang sabi nya bago tuluyang tumayo. Bakas ang disappointment sa boses nya pero hindi ko makita ang galit na ineexpect kong makita sa mukha nya.

Nakatalikod na sya sakin, mabibigat ang mga hakbang na ginagawa nya na pqra bang naghihintay ng sasabihin ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit ba kasi ayon ang nasabi ko?

"Ghian hindi ako si Harry.. sana hindi sya ang iniisip mo pag magkasama tayo." Sabi nya bago tuluyang lumabas ng pintuan ng apartment. Napatakip ako ng mga kamay sa mukha ko. Pakiramdam ko napaka bobo ko dahil hindi ko nacontrol ang mga sinasabi ko. How I wish panaginip lang to.

Pero hindi eh.

Hindi panaginip to, totoo to. Patakbo akong pumunta sa labas ng apartment ko, naglakad ako at hinanap ang kotse nya, nakita ko itong nakapark sa hindi kalayuan mula sa apartment.

"Liam let's talk." Katok ko sa salamin ng driver seat hindi ko makita kung nasa loob ba sya dahil tinted ito. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero ayaw bumukas. Damn please. Wag kang magagalit sakin Liam.

"Liam naman eh." Nanginginig na ang boses ko. Tumingala ako at napansin ang pagbagsak ng mga malalaking patak ng ulan.

Hindi ako aalis dito hangga't hindi nya ko nilalabas at kinakausap.

Nangangatog na ko sa lamig. Masyado ng malakas ang buhos ng ulan ngayon, pero wala akong pakielam. Kailangan kong malaman na okay pa kami at hindi nya ko iiwan dahil lang sa katangahang nasabi ko.

"Liam." 

Sinandal ko ang likod ko sa kotse at umupo sa basang kalsada, inub-ob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Mukha na kong tanga dahil basang basa na ko at ganito pa ang soot ko.

Hindi kasi ako nag iisip eh. Hindi ko iniisip ang mga sinasabi ko.

Napatingala ako ng wala akong maramdamang patak ng ulan mula sa taas. Then there he is nakatayo habang hawak ang payong. Basang basa sya ng ulan at malungkot na nakatingin sakin. Napatayo ako bigla at napayakap sakanya. He's stiff and uneasy with my embrace na dahilan para mapahiwalay ako sakanya.

Naiintindihan kong malungkot sya, o galit. Pero hindi pwedeng magtagal to. "H-hindi ko alam kung anong nasabi ko Liam, swear. Sorry. Alam kong mali, alam kong nakakaoffend pero hindi ko sinasadya. Wag kang ganito sakin please. Wag mo kong iiwan dahil lang dito. Ayusin natin to." I'm sobbing hard, I feel his pain. Mahal nya ko pero nagkakaganito sya, nagdadalawang isip sya sakin dahil sa nasabi ko.

What If I Told You (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon