Chapter 9

432 13 1
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

A/N: SPG! so yeah bawal sa bata!

A/N: xgrammars and typos. Sorry po. Pinilit kong maging wholesome pero nirequest to ni Beyb! Sana okay lang yung delivery ng BS.

Continuation..

"What's wrong?" Tanong ni Liam sakin. Birthday nya ngayon at nasa isang bar kami para magcellebrate.

"Wala. Did you like it?" Hinawakan ko ang silver dogtag na soot nya, nahirapan akong mag isip ng ireregalo sakanya kaya eto nalang ang binili ko. Tumango lang sya at hinalikan ako sa pisngi.

Bakit ba ang sweet nya? Sana hindi nalang sya ganito sakin para hindi ako nagiguilty.

"Happy birthday Liam." Nawala ang ngiti ko. Nakalimutan ko na nandito rin pala si Harry. Bakit nga ba nakalimutan kong magkaibigan sila.

"Salamat." Taas babang kilay nya bago makipag manly hug dito. Tumingin si Liam sakin na para bang nag aabang ng reaksyon ko. Anong gusto nyang ireact ko?

"Yung regalo ko sayo pinadeliver ko na sa inyo." Tumango lang si Liam at sinabing mag enjoy sya sa party. Ang hirap pag ganitong uneasy ako sa presensya nya. Pakiramdam ko may mali akong ginagawa kahit wala naman. Pakiramdam ko may kasalanan ako kay Liam kahit wala naman.

"Ghian?" Bulong nya sakin. Nakapulupot ang kamay nya sa bewang ko at nakasubsob ang mukha nya sa leeg ko. Clingy gestures nya na hindi ko magawang makasanayan.

"Hmm?"

"Mahal na mahal kita."

"Ganon din ako." Sagot ko. Bakit ako ganito? Bakit kada sinasabi nya yon pakiramdam ko hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil hindi ko maramdaman sa sarili ko na sobrang mahal ko sya kagaya ng nararamdaman nya?

He wants assurance I know, dahil everytime na nasa paligid si Harry natatakot sya. Alam ko na kahit sinabi ko na sakanya na wala akong nararamdaman para kay Harry ay hindi pa rin sya naniniwala.

"Mas mahal kita Li." Bulong ko. Hinarap nya ang mukha nya sakin, ngumiti ng abot tenga at hinalikan ako sa labi.

"Thank you."

"Sige na mag enjoy ka lang." Pagtulak ko sakanya patayo dito sa couch. Ayaw kasi nyang umalis sa tabi ko. Sa dami ng bisita nya ay parati sya saking nakadikit. Kailangan nyang mag enjoy kasama ang ibang mga kaibigan nya.

"G." Umiling iling sya at nag pout. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa asal nya. Alam kong ayaw nyang iwan ako. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumunta kami sa bar and for pete sake hindi ito regular days gaya ng noon. Birthday nya to.

Ayokong isipin ng mga kaibigan nya na binabakuran ko sya at pinipigilang magsaya.

"Liam maiinis na talaga ko. You should entertain everyone here. Mag enjoy ka kaya." Kunot noo nya lang akong sinunod. Lumakad sya sa kumpulan ng mga kaibigan nya sa kabilang banda ng bar. Hindi nya inaalis ang tingin sakin. Bantay sarado talaga nya ko.

"Possessive much." Nakatawang sabi ni Louis, hindi ko napansin ang paglapit nito dahil busy akong nanonood ng mga nagsasayawang lasing sa dance floor.

"Dahil kay Harry yan eh. Tignan mo." Nginuso nya ang dance floor kung saan sumasayaw si Harry, may kasayaw itong babae pero sa akin nakapako ang mga mata nito. Ng mapansin nyang nakatingin kami sa kanya ay nag iwas agad ito ng tingin sakanya.

What If I Told You (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon