Chapter 6

327 13 1
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

Sa mga araw at linggo mas nararamdaman kong wala si Harry sa tabi ko. May mga bagay, lugar o pangyayari na kahit anong gawin ko sya ang naaalala ko, para bang kahit hindi ko gustong isipin sya pumapasok sya sa isip ko.

Naaalala nya pa kaya nya ko? O baka naman nakalimutan nya na rin ako kagaya ng sinabi nyang pag momoved on nya sa babaeng mahal nya? I want to hate him but at the same time gusto ko na syang bumalik.

Ilang buwan pa lang naman di ba? Pero babalik pa kaya talaga sya?

"Ghian!" Nabalik ako sa wisyo ng maramdaman ko ang biglang pagsakit ng ulo ko.

"Tabi nga." Hindi ako makabangon pero rinig ko ang mga tao sa paligid ko, napaigtad ako ng buhatin ako ni Liam, nakatitig lang ako sa seryoso nyang mukha habang naglalakad kami paalis dito sa field.

"Ano bang nangyari?" Pero imbes na sagot ang ibigay ay pag igting ng panga nya ang nakuha ko. Hindi nya ko tinignan, deretso lang ang tingin nya habang naglalakad at buhat buhat ako.

"Liam." Hindi nya ko pinansin kaya nanahimik nalang ako hanggang makarating na kami ng clinic at maiupo nya na ko sa isa sa mga kama. He's different, galit ba sya dahil sa nangyari kanina? Pero wala naman akong matandaan eh.

Tinanong ng nurse kung anong nangyari sakin, sinabi ni Liam dito na tinamaan ako ng bola. Hindi ko man lang alam na tinamaan ako sa lalim ng mga iniisip ko? I should've been aware when I'm with them on the field.

Lumapit sakin ang nurse at tinanong ako ng kung ano ano. Ang totoo hindi naman ako nahihilo, may maliit na bukol ako pero wala na yung hilo ko, wala na kong naramdaman na sakit mula sa pagtama ng bola sakin, siguro nasasaktan nalang ako dahil sa pinapakitang kilos sakin ni Liam. He's strange, concerned sya alam ko pero he's too cold, para bang nakakapanibago.

Ng makalabas kami ng clinic ay hindi nya pa rin ako pinapansin. Deretso lang ang tingin nya at paminsan minsan ay bumubuntong hininga. Madalas syang ganyan sakin, hindi ko alam ang dahilan pero hindi ko magawang magtanong. Wala naman kaming problema di ba? Wala naman akong ginawang masama. Hindi naman nya ko niloloko di ba? Kasi.. Ako lang naman yung girlfriend nya di ba?

Bakit ganito kami?

Napahinto ako sa paglalakad at napapahid sa gilid ng mata ko. Parang maiiyak ako any minute kahit hindi naman. Hindi ako iiyak dahil cold sya sakin. Sweet pa rin naman sya eh, may mga oras lang talagang ganito sya sakin. Gusto kong malaman kung may mali ba kong nasasabi o nagagawa na dahilan para magkaganito sya. Pero kagaya ng sabi ko kanina ayokong magtanong.

Ano bang ginawa kong mali?

Huminto sya sa paglalakad at nilingon ako. He looks so concern but sad at the same time. Ano bang nagawa ko?

"I love you Ghian." He smile sadly. Dahan dahan syang lumapit at niyakap ako, he kissed the my hair and cupped my face.

What If I Told You (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon