Chapter 5

447 11 4
                                    

What If I Told You (Harry Styles)

© Hardheadeddouche

Continuation..

It's been 6 months since he left.

Masyado bang matagal ang pagmomoved on nya kaya hindi pa rin sya bumabalik?

Hanggang ngayon gusto kong isipin na nananaginip lang ako. Umaasa ako na pag gising ko sa umaga makikita ko na ulit si Harry na palakad lakad sa buong apartment, na nanonood ng TV o hindi kaya nakasuot ng apron habang nagluluto.

May mga kaibigan akong naghahanap ng kwarto na mauupahan. Gusto ko sanang paupahan ang kwarto ni Harry pero kadalasan ay iniisip ko na wag nalang. Pano kung bumalik sya? Pano kung pagbalik nya may iba ng tao sa kwarto nya? Edi aalis sya ulit?

Napabuntong hininga nalang ako. I hate thinking these over and over everyday, pero hindi ko mapigilang hindi isipin. I miss him, I miss him a lot.

Yung pang aasar nya, yung nakakainis na ngiti at tawa nya, pagpinapanood nya kong magpaint, pag kinukulit nya kong ipakita sa lahat kung gaano kagaling.. kahit pa sya ang best enemy ko matuturing ko pa rin sya bilang bestfriend ko.

Nag umpisa na kong mag ayos para sa pagpasok ko sa school. Kahit pa wala ako sa mood mag aral ay kailangan ko pa ring pumasok. I'm always like this. Matamlay, malungkot, para bang may kulang.

~~ "Harryyyyy!" Napalingon ako sa tinawag ng babae sa harapan ko, naexcite ako pero ng makita ko ang tinawag nyang 'Harry' ay nadisappoint lang ako. Bakit ba ineexpect ko na susulpot sya?

Matagal na syang wala. Kung babalik man sya dapat noon pa, di ba? Hindi naman ganoon katagal mag moved on eh. Kung tutuusin kung gugustuhin mo sa araw na mabroken hearted ka ay kinabukasan ay pwede ka na ng maka moved on. Bakit sya ang tagal?

"Babe." Lumingon ako sa pamilyar na boses, pilit kong tinanggal sa isip ko ang mga bagay sa isip ko tungkol kay Harry.

"Liam." I kiss his lips na nagpangiti sakanya.

Ng mawala si Harry ay niligawan ako ni Liam, sinabi nyang gusto nya ko dati pa pero hindi nya ko agad niligawan dahil dumating si Zelle sa buhay nya.

Si Zelle? Yung niloko daw sya para mapalapit lang kay Harry dahil ito ang totoong gusto nya?

Hayss. Bakit ba ang bitter ng dating ko. By the way Liam and I are together for four months now, great news right? Pero walang masaya para sakin, walang may pakielam dahil para sakanila lahat ng malapit sa barkada ni Liam lalo na ang girlfriends nila ang pinaka malaking kaaway ng lahat ng may gusto sakanila.

"Free ka today di ba?" Tanong nya. Tumango lang ako at pinakita sakanya ang canvass na nakabalot ng papel.

"Dadalin ko lang to kay Ms. Guttierez." Ngumiti lang sya bago naglakad papunta sa mga barkada nya, mas pinili nya pang samahan ang mga kaibigan nya kaysa suportahan ako. Tinitigan lang sya habang naglalakad palayo sakin.

Tumalikod ako at nag umpisang maglakad papunta sa office kung saan ko dadalin ang canvass na dala ko.

Hindi ko magawang ngumiti kahit confident pa ko sa ginawa ko. Pakiramdam ko hindi interesado si Liam sa mga gusto kong gawin sa buhay ko, lalo na sa pagpe paint ko, sa four months na boyfriend ko sya ay never ko pa syang nakausap tungkol sa mga brushes at lapis ko. Never nya kong sinabihan ng congrats pag sinasabi kong sasali ako sa mga exhibit, never nyang sinabing good luck pag kailangan ko ng lakas ng loob pag kinakabahan ako.

I like him, no, I love him pero kadalasan ay nakakadisappoint lang talaga sya.

I feel his sincerity and seriousness about our relationship. Pero ewan, may kulang sakanya.

What If I Told You (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon