Three.2 ;; Valentine's Day

566 6 2
                                    

One Month Love

Three.2 ;; Valentine's Day

"Oy anu ba! Wag nyo nga pilitin si Althea kung ayaw nyang tanggapin! Hindi yan tulog at lalong hindi umiiyak. ayaw lang talaga nyang tanggapin. Gets nyo ba? Tigilan nyo nga! Hoy Romnick! Tayo jan!"

Wow! May nag-save na ba sakin? Gabriel my loves !! Sya ba? Yehey  !!

"Wala ba kayong teacher? Class A pero ang iingay. Ganyan na ba ang pilot section ngayon?" boses ng matandang lalaki ang narinig ko.

Akala ko naman.

Nasa isip ko lang pala yun.

Dahil na rin sa gulat ko, naahon ko bigla yung mukha ko galing sa pagkakatungo.

At ang makita si Romnick na nakaluhod sa harap ko ay sobrang nakakainis --___--

Nakakainis !! Arrggh !! Pinapahiya mo ko sa klase alam mo ba yun?

"Wala pa po kasi yung teacher namin eh. Sorry po Sir, tatahimik na po kami. Pasensya na po." Sagot ng president namin.

Mga two minutes lang nagingay na naman sila. Sign na wala na yung teacher na sumaway samin.

"Ang ingay nyo kasi eh!" Sabi ni Romnick habang nakaluhod padin sa harap ko. Pero sa mga classmate ko nakatingin.

Hindi sila mag-iingay kung hindi ka gumagawa ng eksena. Hala! Layas! Kainis Grr!! ¬_¬

"Huy! Oh. Tanggapin mo na oh." sabi nya nung nakita nyang hindi na ko nakatungo. Namumula pa. Like 'DUH'!

"Oo nga, Althea tanggapin mo na. Sayang naman yan. Tignan mo oh? Napagalitan pa tayo. Ikaw kasi eh. Ang sweet sweet eh!"

Edi ikaw tumanggap!!! Sisihin daw ba ko kaya sila napagalitan? Arrgh! Kainis!

Pero ano pang magagawa ko? Ayaw ko man pero tinanggap ko na din. Arggh !! Nkakainis lang talaga.

Sinong hindi maiinis kung ang ibibgay sayo ay ....

Balloon ? Oo sabihin na nating sweet. Pero makakain ba yan? Anong gagawin ko jan? Hah! Hindi man lang nagisip bago magregalo! Nakakainis talaga! Ano sa tingin nyang gagawin ko dito? Eh matabig lang ata puputok na to eh.

Sa totoo lang, naappreciate ko naman yung ginawa nya eh.

Ang kaso lang, bakit Balloon? Pwede namang Notebook, damit, accessories, o kung ano pa na pwedeng magamit. O kaya ice cream, sana nilibre nya nalang ako ng pagkaing masarap. Chocolate nalang sana. Sana MANGGANG KALABAW nalang!

Anung magagawa ng lobo na 'to? Arrgh lang !

Umalis na sya sa harap ko nung tinanggap ko na yun. At hindi ako NAG-THANK YOU! PARA MAG-THANK YOU?

"Anu ba yan? Wala man lang reaction? Ang sweet sweet eh."

Alam ko naman ako yung tinutukoy ng classmate kong yan eh.

Meron ! Reaction ko? Nakakainis!!

Noong medyo naka-recover na yung iba sa eksena kanina, tinawag ko si Che. Aba! Kanina pa ko namomroblema sa gagawin ko sa lobong to noh!

Bakit ba kasi stick ung hawakan! Sana tali nalang. SANA HELIUM YUNG GAS SA LOOB! SANA LUMIPAD NA! Sana Pumutok na!!!!

"Che!"

"Che! Oy Rubs!!" Ulit ko nung hindi nya narinig

"Ohh?"

"Lapit ka dito!" Sabay Pagpag dun sa katabi kong upuan, sign na umupo sya dun. Wala pa kasi yung seatmate ko. Actually ako lang naka-upo dito sa row namin. Loner. Wawa naman.

One Month Love <3Where stories live. Discover now