One Month Love
Chapter 4 ;; >.<
** Althea’s POV **
** flashback **
Pasakay na sana ko sa kotse namin. Pero natigilan ako nung narinig ko yung boses nya.
May kausap sya at mukang seryoso ang pinag-uusapan nila.
“I love you Belle, until now. Please, give me another chance.”
“Hindi ganun kadali yun Gabriel, prove yourself first. “
“I will. I love you Belle, please always remember that.”
Habang naririnig ko silang nag-uusap, hindi ko mapigilan yung sarili kong hindi mag-selos. Si Belle lang talaga ang mahal niya. Hinding hindi yun mapapalitan.
Kaya kelangan ko na talaga syang kalimutan. Sa ginagawa ko, sarili ko lang ang sinasaktan ko.
Mahal pa rin naman ni Belle si Gabriel eh, alam ko, pansin ko, ramdam ko yun. Pero bakit ngayon mo pa sya binigyan ng chance? Kung kelan nahulog na ko sa kanya? Sana pina-aga mo diba? Hindi lang kasi si Gabriel ang pina-asa at sinaktan mo eh, ako din.
Pero hindi ko naman sya masisisi eh, ako lang talaga ang tanga. Kahit alam kong si Belle talaga ang mahal nya, hindi ko pinigilan yung sarili ko na mahulog sa kanya.
“Just give me another chance, I’m sure I’ll never waste that.”
** end of flashback **
Pano kaya pag nag-kabalikan na sila? Ano kayang mararamdaman ko? Mas masakit kaya kesa sa nararamdaman ko ngayon?
Pero hindi na siguro, kasi kakalimutan ko na sya diba? Dapat makalimutan ko na sya sa lalong madaling panahon. Para hindi na ko masaktan pa pag dumating na yung oras na yun. Hahayaan ko na silang maging masaya. Sana nga maging masaya sila.
Wag sana syang saktan ulit ni Belle.
Ngayon ko lang napansin, medyo magkatunog pala yung pangalan nila noh? Gabriel, Belle. Samantalang yung pangalan namin, ang layo. Haha paranoid na ko.
Naglalakad ako dito sa may hallway magisa. Loner ako ngayon. Kasi wala naman talaga akong makasabay pag-uwi, iba kasi ang daan ko pauwi, ako lang ang may naiibang daan pauwi sa mga classmate ko.
Ang ingay naman? Uwian na ah? Dapat wala na nag-i-stay sa garden?
“Hahaha! Loko loko ka Shane! Hahaha! Shane! Ibang klase talaga pangalan mo pare noh? Pam-bakla! Hahaha! Alexander Shane! Hahaha!” - aldrin
“Hahaha oo nga pareng Shane! Ay mareng Shane pala! Hahaha!” - allen
“Mga loko! Tigilan nyo nga ako! Alex pangalan ko!” - alex
Natawa naman ako dun. Haha, lokong A6 ‘to! Haha! Pagtripan daw ba yung pinsan nila? Sa bagay, may point sila eh. Haha pambabae naman kasi yung pangalan ni dude eh, Alexander Shane. Pambakla lang haha! Pero may narinig na rin ako na Shane ang pangalan eh, lalaki din. Ah hindi, bakla din! Haha. Pero hindi naman bakla yang si dude eh, brokenhearted nga eh, parang ako.
Pero hindi ko alam kung BH pa nga sya ngaun, kasi hindi ko naman sya gaanong nakaka-usap nitong mga nakaraang araw.
Nakalimutan na nga kaya nya? Kaso imposible naman, ambilis naman nun para makalimutan nya agad? Unless nalang kung hindi naman nya talaga mahal yun si Theresse. Kaso alam ko naman na mahal na mahal nya yun eh.
“Mareng Shane! Si Althea oh! Hinihintay ka ata!” Napansin ako ni Aaron. Member ng A6.
Sunod-sunod na silang nag-tinginan sakin. Ako naman ngumiti lang.

YOU ARE READING
One Month Love <3
Non-FictionFirst boyfriend ko sya. At Mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan kami magtatagal. Kasi parang... Parang ako lang yung nagmamahal....