Six.2 ;;

406 6 5
                                    

One Month Love

Six.2 ;;

Hay! Ang sakit ng ulo ko! Pramis! Takte naman kasi eh. Half day lang kami ngayun, tapos tanghali pa ang pasukan. Eh ang init init, ayaw patalo ng araw! Umaatake na naman yung sakit ko pag ganto kainit eh. Pucheck!

"Che! Ansakit ng ulo ko!" Sigaw ko kay Rubs. Pano, kanina pa ko reklamo ng reklamo dito, di man lang ako pinapansin.

Nandito kaming lahat na juniors sa garden. Ang saklap lang kasi walang bubong. Ang init pa! Sabagay, san ka ba nakakita ng garden na may bubong? Sapi din si ako eh. Pagpasensyahan nyo na, ganyan pag masakit ulo.

"Che! Oy! Sakit ng ulo ko!"

Pero hindi padin ako sinagot. Anak ng tukneneng! Busy magbasa ng story eh. Yung 'Diary ng panget' ni Ate Denny? Yun yung binabasa nya, Actually mukha syang ewan jan, tawa ng tawa na walang dahilan. Pinagtitinginan na nga sya eh. Pero nakakarelate ako, ganyan din ako nun nung binabasa ko yan eh. Kakilig eh. Bwahaha!

Mabalik tayo.

"Hoy! Kapatid ko!"

"Oh?"

"Wala ka bang gamot jan?"

"Wala."

"Eh bat wala?"

Tumigin sya sakin ng masama. "Bumili ka ng iyo. Dami mo na nga utang na biogesic sa kin eh. Hindi ako pharmacy."

"Che naman eh! Samahan mo nalang ako."

"Kaya mo na yan."

"Eh ansakit nga ng ulo ko eh."

"Kasalanan ko?" Tingin sakin sabay irap

"Thanks sa concern ah!" sabi ko na sarcastic.

"You're always welcome."

"Hmpf!"

Tumayo na ako sa bench at naglakad palayo.

.

.

.

.

.

.

"Bakit ka bumalik?" Tanong ni Ruby

"Ang init eh." Tirik na tirik yung araw eh. Walang patawad. Di ba nya alam na nakakasakit na sya? Hay. Buti nalang may puno dito sa bench na inuupuan namin. May silong.

Gusto ko na bumili ng gamot =_= Sakit sakit na ng ulo ko.

Gusto ko magutos ng classmate ko. Kaso busy sila lahat kumopya ng assignment sa Chemistry. Tapos na kasi kami ni Ruby jan eh. Aba! Pumasok kami ng maaga para hindi mahuli sa pagkopya!

Naramdaman ko namang nag-vibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko yun sa bulsa ko.

Tsk. Wag nyo ko gagayahin ah? Hindi dapat nilalagay yung cellphone sa bulsa. MALULUTO OVARY NYO! OR ARI NYO!

'Hello! Sa skul ka na? Ingat ah! Mwah!'

Ohhhhh. Text ni Alex. Mwehehehe. Nangiti lang ako. Pero di ako kinilig.

Alam ko na!

'Sa skul na ko. Papunta ka na? Pabili naman ako ng biogesic oh? Thanks. Ingat.'

One Month Love <3Where stories live. Discover now