Ilang minuto na lang ay late na ako sa first class kaya lakad takbo ang ginagawa ko ngayon.Nalate kasi ako ng gising dahil napuyat ako kagabi kakagawa ng cake para sa boyfriend ko.5th monthsary na namin ngayon kaya espesyal ang araw na ito sa akin.Pinagtutuhan ko din talaga ang pagbabake ng cake para sumarap ito.At ipatikim sa kanya..
Nakarating na ako sa room at maswerte ako na wala pa yung prof namin.Siguro nahuli lang ng dating.
Agad kong tinungo ang upuan ko na nasa third row at katabi ng bintana.Masarap kasi ang umupo malapit sa bintana kaya duon ang pinili kong upuan.Kapag kasi nabobored ako sa klase ay tumitingin na lang ako sa labas.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang prof namin.Naglecture lang at kaunting discuss lang ang ginawa namin at dinismiss na ang klase
"Class dismissed don't forget to review your lecture.We have a quiz tomorrow by the way"-prof
"Yes Ma'am
"Opo Ma'am
"Ma'am naman eh ang hirap ng lesson natin ngayon"
"Sa isang linggo na lang tayo magquiz ma'am"
Hay!May quiz na naman bukas.Kakatamad pa naman magreview eh.Lumabas na ako ng room at sakto namang katatapos lang din ng klase nila Mel-bestfriend ko.
"Oy Crystal,kumain na tayo kanina pa ko nagugutom"sigaw nya sa akin
"Oh sige"
Lumakad na kami papuntang cafeteria.Si Mel na ang umorder ng pagkain namin at ako naman ang naghanap ng bakanteng pwesto.
Nang makakita ako ay umupo na ako dun.Nilabas ko muna ang cellphone ko habang hinihintay si Mel.Itetext ko muna si Dustin.
To Dustin:
Happy Monthsary Babe
Sent
Matapos magsent ng message ko kay Dustin ay inilagay ko na sa bag ang cellphone ko na sakto namang dating ni Mel dala dala ang isang tray na may lamang pagkain.
Nang ilapag na nya ang tray sa lamesa ay agad kong kinuha ang akin sabay kain.
"Monthsary niyo ngayon ni Dustin ah, ano balak niyo?"untag ni Mel.
"Ahmm,sosorpresahin ko sya mamaya sa rooftop.Ginawan ko nga sya ng cake eh"
"Wala man lang kayong balak magdate?"tanong niya.Umiling lang ako.Sa totoo lang , hindi boto si Mel kay Dustin dahil playboy siya noon.Pero nung naging kami hindi naman na sya nambababae.Pero may mga humors na kumakalat na may ibang kasama si Dustin pero hindi ako naniniwala.
"Baka naman niloloko ka na nun ah,binati ka naman ba ngayong araw?Bak naman nakalimutan niyang monthsary niyo ngayon"
Napaisip ako.Mula kaninang umaga wala pa syang text o tawag sa akin.Nakalimutan nya kaya talaga na monthsary namin ngayon?
"Imposible namang makalimutan nya ang araw na ito.At sabi niya mahal nya ako kaya di nya ko lolokohin.May tiwala ako sa kanya"Ang sabi ko kay Mel.Nagkibit-balikat lamang sya.
Matapos naming kumain ay pumunta muna kaming locker.Kinuha ko yung libro ko at iba pang gamit.Iniwan ko muna yung cake ko sa locker.Siguro wala namang kukuha dyan.Babalikan ko na lang mamaya pag-uwi.
"Oh tara na?Malalate na tayo oh"-Mel
"Oo eto na"
Magkasabay kaming pumunta sa mga room namin.Magkatabi lang kasi ang room namin and sad to say hindi kami magkakaklase ngayong taon.Kung kailan naman graduating na kami,tsaka naman kami hindi naging magkaklase.
"Bye na hindi ako makakasabay sayo pag-uwi ah,susunduin ako ng maaga ni mommy eh"pagpapaalam ni Mel.
"Sure , bye"pagpapaalam ko rin
Saktong pag-upo ko sa upuan ko ay syang pagpasok ng prof namin.Lumipas ang oras at tapos na ang klase.Agad akong lumabas sa room at dumiretso sa locker.Kukunin ko muna yung cake na ginawa ko para kay Babe.
Nang makuha ko na ang cake ay agad na dumiretso ako sa rooftop.Nasa hagdan na ako ng tumunog ang cellphone ko.May nagtext.
From Dustin:
Pumunta ka sa rooftop pagkatapos ng klase mo
Napangiti naman ako pero nawala agad iyon nang mapagtanto kong hindi man lang nya ako binati para sa espesyal na araw na ito.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at habang papalapit ako sa rooftop ay sya namang pagbilis ng tibok ng puso ko.Kinakabahan ako.
Natatanaw ko ang pinto ng rooftop at bahagyang nakaawang pa ito.Papasok na ako ng makita ko sa nakaawang na pinto ang dahilan ng pagkawasak ng puso ko.
Dali daling pumatak ang mga luha ko at naguunahan pa ito.Nanghina ang mga binti at tuhod ko at nabitawan ko ang dalang cake na sana ay para sa kanya.
Bumagsak ang dala kong cake na nasa loob ng box dahilan ng paglikha ng tunog na ito.Agad na natigil ang dalawa sa ginagawa nila at napalingon si Dustin sa gawi ko ngunit ibinalik lang nya ulit ang tingin sa babae at kinausap ito.
Nanginginig pa ang mga binti at kamay ko sa nakita ko.I saw them kissing!!
Umalis ang babae at kaming dalawa na lang ni Dustin ang natira.
"Bakit?"iyan lang ang lumabas na salita sa bibig ko.
"Bakit mo nagawa sa akin to?"tanong ko pa ngunnit hindi sya lumilingon sa akin.
"Sagutin mo ko Dustin"sigaw ko at nang lumingon sya ay walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.
"Gusto mo talaga malaman?"malamig na sabi nya.Tumango ako.
"Unang una, hindi naman talaga kita mahal.Pinagpustahan ka lang namin ng mga barkada ko kapalit ng perang mapapanalunan ko."
"Pero bakit ang sweet sweet mo sa akin?"Garalgal na ang boses ko dahil sa mga sinabi nya pero hindi ako naniniwala.Nagjojoke lang sya.Mahal nya ako
"Palabas lang lahat ng iyon.Pano ako mananalo sa pustahan kung hindi ako aarte?"Nakangising paliwanag nya.
"Hindi mo ba talaga ako mahal?"nagmamakaawang tanong ko sa kanya.
"Sinabi ko naman sayo kanina diba?Hindi kita mahal at hindi kita minahal.Pinagpustahan nga lang namin ikaw diba?Kaya uulitin ko,Hindi kita mahal"
Nang matapos siyang isampal sa akin na hindi na nya ako mahal or should i say hindi nya ako mahal,ay umalis na sya at iniwan akong mag-isa sa rooftop
Umupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak.Ang sakit sakit nang malaman kong di nya ako mahal.Parang tinutusok ng karayom yung puso ko at parang dinudurog ito.Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Dustin.
Natigil lang ako sa pag-iyak ng bumukas ang pinto at iniluwa non si Mel.
"Crystal anong nangyari bakit ka umiiyak hah?"patakbong lumapit si Mel sa akin at niyakap ako.Kusa na namang bumagsak ang mga luha ko.
"Ssssshhh tumahan ka na Crystal"pagpapatahan sa akin ni Mel.
Ngunit walang epekto ito at lalo pa akong naiyak.Tama si Mel niloloko lang talaga ako ni Dustin.Sana nung una pa lang naniwala na ako kay Mel para di na ako nasaktan.