Nandito kaming dalawa ni Mel sa mall.Umabsent na kami ngayon dahil late na rin naman kami sa klase.
Matapos kong umiyak sa kotse ni Mel ay naisipan nyang maggala na lang kami imbes na pumasok.
"San tayo kakain?"Tanong nya.Katatapos lamg namin maglakad lakad.
"Sa Jollibee na lang tayo kumain."suggest ko.Tutal yun naman yung paborito kong fastdood na pinagkakainan kapag pumupunta akong mall.Saka masarap pa yung pagkain.
"Ok"
Naglakad na kami papunta sa Jollibee.Malayo layo din ang lalakarin namin dahil nasa may pinakataas na floor kami ni Mel.
****
"Ang sarap talaga ng pagkain dito kaya paborito kong kumain dito eh"masiglang sabi ko habang kumakain.
Nandito na kami ni Mel ngayon sa Jollibee at sakto namang walang masyadong tao kaya hindi kami nahirapang pumila at umorder.
"Oo nga eh,kaso pambata"Ang kj naman nitong si Mel.Eh bata pa lang din naman kami.Hays
Matapos kong lantakan ang fried chicken with rice ay sinunod ko naman ang pizza with ice cream.ANg sarap talaga kumain.Food is layp ika nga.Kaso di namna ako tumataba.
Kain lang ako ng kain nang mapatingin ako sa pintuan ng Jollibee kung saan may dalawang nakapamilyar na tao ang pumasok duon.Hindi ko maalis ang paningin ko sa dalawa.Napako na lang ang tingin ko at hindi ko alam kung ano ang gaggawin ko para maalis lang ang paningin ko sa kanila.Ang sakit kasi sa mata eh.
"Uy Crys,nakikinig ka ba sa akin?"tanong ni Mek na nagbalik aa akin sa reyalidad.Ni hindi ko man lang namalayan na natulala na pala ako at nakakahiya na nakita pa iyon ni Mel.
"Hah?"Inosenteng tanong ko dahil hindi ko talaga narinig ang mga sinabi nya.
"Ang sabi ko may bibilin ako mamaya samahan mo ako"pag-uulit nya at parang nakakahalata na sya na hindi ako nakikinig sa kanya.Patay.
"A-ah oo sige"pagsang-angyon ko na lang at tumango tango pa.
Napatingin naman ako sa kabilang mesa dahil sa tawanan at ingay sa gawing iyon.Ngunit para sa akin hindi ko na sana itinuloy pa sapagkat nasasaktan na naman ako nang makita ang dalawang taong nagbibigay sa akin ng sakit.
Nagulat na lang ako nang nasa harap na namin sila.
"Uhm excuse me,pwede bang makishare na lang kami ng table?"Tanong ng babaeng kasama ni Dustin.
Masasabi kong maganda sya pero sopistikada.Kikay at parang clown na sya dahil sa kapal ng make up nya plus red lipstick na napakakapal.Maputi at makinis ang kanyang balat.Kaso maliit hahahhaha.Teka bakit ko ba sya sinusuri eh wala naman akong pakialam dyan
"Madami pa namang table na vacant ah?"Mataray na sagot ni Mel.Nakatingin lang ako sa kanila habang nakikinig sa pag-uusap nila.Hindi ko kayang magsalita lalo na at kaharap ko sya.
"Babe tara na,sa iba na lang tayo"Si Dustin.
"But Babe"pagrereklamo pa nung babae.Pero naglakad na rin sila paalis sa table namin.
Nakahinga ako ng maluwag at ni hindi ko napansin na nagpipigil na pala ako ng hininga.Ramdam ko ang panggigilid ng luha ko.Ayan na namna sila.Kahit na anong pigil ko kusa pa rin itong bumagsak mula sa aking nga mata na hindi nakaligtas sa paningin ni Mel.
Nanliit ang kanyang nga mata habang tintingnan ako.
"Iiyakan mo na naman ba yung lalaking yun?"Mataray na tanong nito
Umiling lang ako at yumuko."Bakit ba kasi sa kanya ka pa nagkagusto eh alam mo naman na sa una palang manloloko na yan.Tingnan mo nga kanina may kasamang babae at ang tawagan pa talaga nila eh BABE.Tapos dito pa makikishare ng table.Aba eh sakit lang ang binibigay nya sayo."mahabang litanya nya.
Talagang hindi nya ako mahal.Isa lang ako sa mga pinaglaruan niya.Isa lang din ako sa mga babaeng pinagpustahan nya.Kaya dapat huwag ka na umasa pa na mamahalin ka nya Crystal.
Pinunasan ko ang luha ko at nagpilit ng ngiti kay Mel kahit na nagmukhang ngiwi ito.Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit na nawalan na ako ng gana.Sayang eh mahal bayad nito.
****
"Thank you sa paghatid Mel ,ingat ka sa pag-uwi."Pagpapaalam ko kay Mel.
Gabi na at kauuei pa lang namin.Inihatid na nya ako sa bahay namin dahil wala naman akong dalang kotse."Ok,basta huwag mo nang iiyakan yung Dustin na yun hah?Good night Crys"litanya nya at pinatkbo na ang kotse.
Pumasok na ako sa loob ng bahay.As usual wala si mommy sa bahay.Mamaya pa darating yun.Si kuya naman baka nasa kuwarto na nya yan at natutulog.Pero baka nasa trabaho pa rin.
Dumiretso na ako sa kuwarto ko at naghalf bath muna bago matulog.
Ilang kinuto lajg ang ginugul ko sa pagligo at tapos na ako.Nagsuot na ako ng pantulog at naupo sa kama ko.
Di pa ako inaantok kaya naisipan kong magfacebook muna habang nagpapatugtog.Kinuha ko ang laptop ko at naglagay ng headset sa tenga.
Nagpatugtog lang ako habang nagfafacebook.Sinearch ko ang pangalan ni Dustin sa seaech bar at naghintau ng ilang saglit.Oo tama kayo ng basa.Si Dustin ang sinearch ko.Wala namang masama eh.
Nagi-scroll lang ako at tinitingnan ang mga updates at picture ni Dustin.
Nang magsawa na ako ay naglog-out na ako sa facebook.Ayan naman ako di na nadala.Nasasaktan na nga ako pero patuloy pa rin ang pagmamahal kay Dustin.Patuloy pa rin na umaasa na baka mahal nya rin ako t balikan nya ako.Pero ang lahat ng iyon ay akala lang.Minsan , ang pag-aakala natin sa isang bagay ay nagiging bunga ang pagkakasakit natin.Sa pag-aakala , nasasaktan lang tayo.
Napatingin ako sa side table nang tumunog ito.May tumatawag pero unknown number.
"Hello"tinig ng isang lalaki ang nagsalita.
"Hello sino to?"pagtatanong ko.
"Nakakatampo ka naman Hub,nakalimutan mo na ako"may bahid ng pagtatampo ang boses na iyon.Bigla ko naman naisip kung sino tong tumatawag.Isa lang ang naiisip ko na tumatawag sa akin ng Hub at yun ay si Harley.
"Harley ikaw ba yan?"masiglang tanong ko dahil hindi ako pwedeng magkamali.
"Ayun,kala ko namna nakalimutan mo na ako Hub"napangiti naman ako ng malamang sya yun
Halos ilang taon na rin kaming walang komunikasyon dahil nasa America sya."Makakalimutan ba naman kita Hub"
Sabi ko at tumawa.Naiisip ko ngayon kung ano ang itsura ni Hub pagnagtatampo sya hahhaha."Namiss kita Hub"litanya nya at parang naglalambing ang boses.
"Namiss din kita Hub"sabi ko at nalungkot.Kaioan kaya kami magkikita ni Hub?Matagal.na ang huli naming pagkikita at sobrang miss ko na talaga sya.
"Kita tayo bukas.Tutal sabado naman at wala kang pasok."sabi nito.Nagtaka naman ako na nagyaya sya eh nasa America sya.Oh,don't tell me nandito sya sa Pilipinas?
"Diba nasa America ka?"
"Makikipagkita ba naman ako sayo kung wala ako sa Pilipinas hah?"asar na tanong nya.Natawa naman ako.
"Ok,ang sungit mo pa rin hanggang ngayon"natatawang sabi ko.
"Susunduin kita bukas sa bahay niyo ah?"
"Sige"pagsang-ayon ko.
"Bye na Hub may gagawin pa ako"pagpapaalam.niya
"Ah ok bye"pagpapaalam ko rin at pinutol na ang tawag.
Nilagay ko na ang cellphone ko sa side table pati na rin yung laptop at headset.Humiga na ako sa kama at pumikit.Paniguradong nakakapagod ang araw ng bukas para sa pagmamasyal namin ni Hub.