Masakit! (Part 4)

21 3 1
                                    


Umaga na at nag-aayos na ako para sa lakad namin ni Hub ngayon.Simpleng white dress lang ang sout ko na tinernuhan ng white heels.

I grab my pouch and go downstairs.
Sa baba ko na lang siya hihintayin.
Dumiretso muna ako sa dining area at nakita ko duon si kuya Ken na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo.

"Good Morning"I greeted kuya Ken as I sit beside him.

Nilingon niya ako at binati din ako.
"Good morning princess,may lakad ka yata?"pagtatanong ni kuya nang makita ang ayos ko.

"Yes kuya,remember Harley?He came back here na from America and he asked me to go out with him."I said to kuya.

"Your bestfriend?"He asked.

"Yes"Sagot ko habang kumakain ng bread na kinuha ko kanina sa lamesa pagkaupo sa tabi ni kuya.

beep beep

Tumayo ako nang marinig ang busina nang kotse sa tapat ng bahay namin.
I think si Harley na yan.

"Crystal,may naghahanap sa iyong kay guwapong lalaki sa labas.Ang pangalan ay Harley"Sabi ni manang pagpasok sa dining.

Tumayo na ako sa at inayos ang damit na nagusot.Nagpaapam ako kay manang at kuya na aalis na ako.Pinaalalahanan nila ako na umuwi nang maaga at huwag magpapagabi.

Paglabas ko ay nakita ko si Harley na nakasandal sa kotse.Napangiti naman ako ng mapansin kong nagbago na ang itsura niya at halos hindi ko na siya makilala

"Hey"He said nang  makita ako.
Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya.

"Ikaw ba talaga iyan Harley,ang pangit mo kaya noon?"pag-bibiro ko.Napasimangot naman siya pero agad na napalitan ng ngiti iyon ng  binawi ko ito at sinabing biro lang.

"Ikaw talaga Hub,hanggang ngayon di ka parin nagbabago."Natatawang sabi niya at ginulo ang buhok ko.Hinampas ko naman siya dahil sa paggulo ng buhok ko.

"Tara na?"pagyaya niya at binuksan ang pintuan ng kotse sa passenger seat.Tumango naman ako at sumakay na.Nang makasakay na ako ay sumakay na din siya sa driver seat at pinaandar ang kotse

"Saan tayo?"pagtatanong ko.

"Secret.Malalaman mo rin kapag kapag nakarating na tayo duon"nakangiting sabi niya.

"Pwede mo naman sabihin sa akin ngayon ah"pamimilit ko.Excited kasi ako ngayon dahil ngayon na lang kami ulit nakalabas ng magkasama dahil na rin na nasa America siya.

"Surprise kasi Hub.Kapag sinabi ko sayo hindi na magiging surprise yun"pamimilit niya rin.Hindi na ako nagpumilit pa at nagkalikot na lang sa loob ng kotse niya.

"Anong ginagawa mo?"tanong ni Hub nang mapansing kanina pa ako nagkakalikot sa mga gamit niya.

"Nothing,naiinip lang ako.Kanina pa tayo bumabyahe"Sa totoo lang wala talaga akong kaideya ideya kung saan kami pupunta.Ang napapansin ko lang sa dinadaanan namin ay madaming puno at halos wala nang makikitang kabahayan.

"Don't worry malapit na tayo"Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit.Hindi namn siguro malayo ang pupuntahan namin.

Sa dala ng pagkainip ay nilamon na ako ng antok hanggang sa makatulog ako.

******

"Hub,gising na"Nagising ako sa pagtapik ng kung anong bagay sa pisngi ko.Idinilat ko ang aking mga mata at ngayon ko lang naalala na nakatulog pala ako dahil sa tagal ng biyahe namin ni Hub.

"Nakatulog pala ako.Nasaan tayo?"Tumingin ako sa labas at nakitang bukiran lang ang nasa labas.

"Nandito tayo sa bukid.Pag-aari namin ito at nang minsan na pumunta kami dito nila mom ay nagustuhan talaga namin ito kaya binili namin ang lupa na ito."Lumabas na siya nang kotse kaya sumunod na ako.

Ngayon ko lang napansin na may dala dala siyang basket at mat na pang picnic.Sinusundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa tumigil siya sa tapat ng malaking puno.

Sa sobrang laki ng puno ay napakalilim sa ilalim nito kaya  tamang tama kung magpipicnic ka dito.Hindi rin masyadong mainit kaya masarap ang umupo at tumambay duon.

Inayos na ni Harley ang picnic mat kung saam kami kakain.Sinilio ko naman ang basket na may lamang pagkain at inilabas ito.

"Wow"Na lang ang nasabi ko nang makita ang mga pagkaing dinala ni Harley.Tiyak na mabubusog ako nito.

May mga prutas tulad ng apple,ponkan,at saging.Tapos may ice cream pa.At syempre ang paborito ko,barbeque.

"Ang sasarap naman nito Hub"Ang sabi ko matapos matikman ang mga luto ni Hub na adobo.Specialty nya daw kasi yan at gusto niya daw na matikman ko.

"Talaga?Masarap yung luto ko?"Di makapaniwalang tanong ni Hub.
Tumango naman ako at kumuha ng barbeque at nilantakan ito.

"Nagsanay kasi talaga akong magluto niyan nung nasa America pa ako.Mahirap kasi kapag lagi na lang ako kumakain sa restaurant.Hindi na ako nakakain ng luto sa bahay.Wala naman akong maid sa condo para ipagluto ako kaya naghire ako ng chef na magtuturo sa akin para magluto"
mahabang litanya niya.

Napatango tango naman ako.Dati kasi hindi sya marunong magluto.Ayaw din naman niyang turuan ko siyang magluto nun.Kaya nagulat talaga ako na marunong na siyang magluto at napakasarap pa.Dinaig pa ako.

"Ipagluto mo ulit ako sa susunod Hub hah?"Ang sabi ko.Tapos na kaming kumain at nagkwekwentuhan na kami ngayon kung anong nangyari sa kanya nung nasa America pa siya.

"Oo ba,gusto mo ipagluto pa kita ng lunch mo sa Monday eh"Napaisip naman ako sa sinabi niya.Kung ipagluluto niya ako,hindi na ako mapapagod na bumili sa cafeteria at makikipagsiksikan duon sa mahabang pila tuwing tanghali.

"Talaga?Wala nang bawian ah?"Tumango naman siya ah nag like sign pa.

"Ahm,may sasabihin pala ako sayo Hub"napatingin naman ako kay Harley nang sinbai niya iyon.

"Ano iyon?"Nakakacurios naman kung ano ang sasabihin ni Hub.Mukhang seryoso siya.

"Lilipay na ako sa school mo,dun na ako magaaral.Hindi na ako babalik ng America"Masayang giit niya.

"Talaga?"Di makapaniwalang tanong ko.Ang saya saya ko dahil makakasama ko na ulit yung bestfriend ko.May magtatanggol na sa akin.Narealize ko ngayon kung gaano kahalaga ang mga nasa paligid ko.Biglang gumaan ang pakiramdam ko at ngyaon ko lang naramdaman ulit ang ganitong aaya mula nang masaktan ako ng dahil kay Dustin.

"Oo,nagdecide ako na dito na lang ako para di na tayo ulit magkalayo"At ginulo niya ang buhok ko.Hinampas ko naman siya pero imbes na magalit ay tumawa lang siya.Namiss ko talaga yung ganito kami lagi.

Masakit! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon