Masakit! (Part 5)

9 1 0
                                    

Kapag mahal mo ang isang tao,ipaglalaban mo.Pero sa sitwasyon ko,ipaglalaban ko pa ba yung nararamdaman ko sa kanya kung wala na talaga akong pag-asa?

Ipaglalaban ko pa ba siya kung siya na mismo ang nagsabi sa akin na wala na talagang pag-asa.?!

Sabi nila,if you love someone,you will fight for him/her no matter what happens.

Pero paano kung ang sakit sakit na?
Lalaban ka pa ba?O susuko ka na lang at hahayaan na lamang siya?

"Aray!"daing ko dahil sa sakit ng batok sa akin ni Mel.Tiningnan ko si Mel na nakapiece sign lang.

"Bakit ka ba nambabatok hah?"pabirong galit kong sabi sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Eh kasi naman Crys,kanina pa kita kinakausap,tulala ka naman."Naupo siya sa tabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng chips.

Nandito kasi kami sa living room,nagmu-movie marathon habang hinihintay si Hub na sunduin ako.On the way na daw siya sabi niya kanina nang tumawag siya sa akin.

"Crys,sama mo nyo naman ako sa lakad niyo ni Harley"Hay naku!ang kulit kulit talaga ni Mel.Kanina pa niya ako kinukulit na isama siya sa lakad namin ni Hub.Hindi pa niya ito nakikita sa personal.Sa picture lang nung pinakita ko sa kanya yung mga picture namin ni Hub noon.

"Hindi ka pwedeng sumama Mel.Bonding namin yun eh"Ewan ko ba dyan kay Mel.May crush ata kay Hub dahil gusto na niya daw makita yung gwapong mukha ni Hub.

Tawang tawa nga ako nang sabihin niyang gusto niya maging boyfriend si Hub nung makita niya lang sa picture.

"Bestfriend mo din naman ako Crys ah"Natatawa na lang ako kay Mel.

"Pero iba pa rin yung amin.Gusto naming magbonding ng kami lang kasi hindi kami nagkita ng matagal"

"Sige na nga.Basta ipangako mo sa akin,lalabas tayo kasama siya sa susunod na araw ah"Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain ng chips.

beeee! beeeep!

Tumunog ang cp ko at may 1 message.Galing kay Hub.

From Hub:

I'm here outside your house.

-end

Pagkatapos kong basahin ang message niya ay nagpaalam na ako kay Mel na nandyan na si Hub sa labas ng bahay.

Agad akong lumabas ng bahay at sinalubong ng yakap si Hub.

"Good morning Hub"I smiled at him and he smiled too.

"Hindi ka pa rin nagbabago Hub.Ang pangit pangit mo pa rin"pangaasar niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso na siya namang kinasigaw niya sa sakit.

"Ang sakit nun Hub ah,joke lang naman yun"pagrereklamo niya.

"Lalo ka kayang gumanda"Napangiti naman ako sa sinabi niya pero bigla ding napasimangot dahil sa sinabi niya.

"Joke lang hahahhahahhaa"Tawa lang siya ng tawa hanggang sa maiyak na siya sa tawa.Nakahawak pa siya sa tiyan niya.

"Bahala ka nga diyan"Ang sabi ko at papasok na sana ng gate pero pinigilan niya ako.

"Eto naman.Hindi na mabiro.Siyempre para sa akin,ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko"Awtomatikong napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Totoo na yan ha?Wala nang halong joke?"Paninigurado ko at ngumiti lang siya.

"Tara na?"He said while open the door at the passenger seat.

Pumasok na ako at nang makapasok siya sa driver seat ay agad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Where are we going?"Tanong ko habang bumabyahe kami.Hindi kasi pamilyar ang dinadaanan namin.

"Uhm,secret"Napalabi naman ako sa sinagot niya.

"Ang daya naman"I said

"Chill ka lang diyan Hub.Siguradong magugustuhan mo yung lugar na iyon"He said calmly.

Napatango na lang ako at tinignan na lang ang kalsadang dinadaanan namin hanggang sa makatulog ako.

*******

"Hub,gising na"Naalimpungatan ako sa isang ingay at sa pagtapik sa pisngi ko ng kung sino.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Hub.Naalala kong nakatulog pala ako sa biyahe namin.

"Nasaan tayo?"

"nasa paborito nating lugar"Nanlaki ang mata ko.Excited ang aking naramdaman dahil ngayon na lang ulit kaming makakapunta sa sobrang busy namin ngayon.

Naunang bumaba si Hub at sumunod naman ako.Pumunta siya sa likod ng kotse at wow,may dala siyang mga pagkain.

"Ngayon magpipicnic tayo tulad ng ginagawa natin dati"

"Salamat hub ah?dahil sayo gumaan yung pakiramdam ko"ang swerte ko kasi may kaibigan akong nagmamahal sa akin.Nag-aalala.

"Wala yun ano ka ba basta ikaw"Napangiti naman ako."Tara na?"
pag-aaya ko sa kaniya at inilahad ang aking kamay

"Let's go"kinuha niya ang aking kamay at hinawakan ito.Sa kabila naman niyang kamay ay ang basket na puno ng pagkain.

How I wish ganto din sakin si ano nung kami pa.Hay basta ayoko banggitin ang pangalan niya.Ayoko siyang makita dahil nanggigil ako sa kaniya.

Masakit! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon