Masakit! (Part 2)

32 5 0
                                    


Nandito ako sa kuwarto ko,nagkukulong.Simula pa kaninang inuwi ako ni Mel sa bahay namin ay hindi pa ako lumalabas ng kuwarto.Kapag inaaya naman ako nila mommy na kumain ay sinasabi kong busog pa ako.At kapag pumapasok sila sa kuwarto ko ay agad na nagpapanggap akong tulog.

Ayokong malaman nila na break na kami ni Dustin.Ayokong malaman nila na umiiyak ako.

tok tok tok

Agad na pinunusan ko ang luha ko at humiga sa kama.Nagtalukbong ako ng kumot at nagpanggap na tulog.Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto hudyat na merong pumasok na tao.

"Alam kong hindi ka tulog princess.
Bumangon ka diyan at kausapin mo ko"Boses ni kuya ang narinig ko.Ngunit hindi ako bumangon at nagpanggap paring tulog.

"Kapag hindi ka bumangon ay sasabihin ko kay mommy na umiiyak ka"napabangon ako nang sabihin ni kuya iyon.Alam kong hindi sya nagbibiro at kapag sinumbong ako ni kuya kay mommy ay baka ipadala pa ako ni mommy sa America

"Huwag mong sasabihin kay mommy na umiiyak ako kuya pls"pakiusap ko kay kuya.

Bumuntong hininga ito at umupo sa gilid ng kama ko.

"Bakit ka umiiyak?"tanong nito.Ngunit hindi ko sinagot ang tanong nya kundi yumakap sa kanya at duon umiyak.

"Bakit di nya ako mahal kuya?"humihikbing tanong ko kay kuya.

"Ano bang ginawa kong mali at di nya ako mahal?"Dagdag ko.

"Princess tahan na"pag-aalo ni kuya.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap si kuya.

"Break na kami ni Dustin kuya.Hindi nya ako mahal.Niloko lang nya ako"pagsusumbong ko kay kuya.At parang gripo na namang nagsituluan ang mga luha ko ngunit hindi pwedeng isara para hindi na ito tumulo.

"Ano?Sinaktan ka ni Dustin?"Sigaw ni kuya dahilan ng pagtakip ko ng aking palad sa kanyang bibig.

"Huwag ka ngang maingay kuya baka marinig ka ni mommy."
pagpapatahimik ko kay kuya.

Sinamaan naman ako ng tingin ni kuya at inalis ang kamay ko na nakatakip sa kanyang bibig.

"Sinasabi ko na nga ba at sasaktan ka lang ng lalaking iyon"naiinis na sabi ni kuya.Hay!Kung ako din naman ang nasa kalagayan ni kuya ay ganun din ang mararamdaman ko.Pero mas nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sa kanya.

"Hayaan mo na kuya.Basta huwag mong sasabihin ang tungkol dito kay mommy ah"

"Oo na princess,di ko sasabihin.Huwag mo nang iyakan yung lalaking yun.Madami pang iba dyan na hindi ka lolokohin at mamahalin ka pa."Si kuya.Nakangiti na sya ngayon at kahit papano ay napangiti na rin ako.Gumaan na ang loob ko.

Ang suwerte ko talaga na may kuya akong protective at mahal ako.

*****

Umaga na at nagbibihis na ako para pumasok.Kahit ayoko pang pumasok ay hindi ako pwedeng umabsent na lang bigla dahil baka makahalata si mommy at para na rin masanay akong wala na sya sa tabi ko lagi.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako sa dining.Naamoy ko ang mabangong luto ni manang.
Nandun na si mommy at kuya.

"Good Morning mom, kuya"Bati ko at humalik sa mga pisngi nila."

"Good morning din Crystal"

"Good morning princess"

Sabay na bati nila mommy at kuya sa akin.Umupo na ako sa tabi ni kuya at nagsimulang kumain.

"Crystal,hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"Biglang tanong ni mommy.Napatingin naman ako sa kanya pati na rin si kuya.Matagal na akong pinipilit ni mommy na bumalik na sa America at duon na lamang tumira pero tumatanggi ako.

"Hindi na mom"sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.Ilang minuto lang ay natapos na ako.Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at dumiretso sa room ko.Magsesepilyo muna ako.

Matapos magsepilyo ay lumabas na ako at nagpahatid sa driver namin.
Mabilis lang ang naging byahe at agad na nakadating ako sa school.Pagkapark ni manong sa sasajyan ay agad na bumaba ako at naglakad na patungong room.

Habang naglalakad ay nagsisibulungan ang mga nakakasalubong ko ngunit sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Diba sya yung girlfriend ni Fafa Dustin?Eh bakit may iba nang kasamang girl si Fafa Dustin?"bulong ng isang babae sa kausap pa nyang babae.

"Siguro naghiwalay na sila"Sagot naman ng isa.

Di ko na lang pinansin amg mga bulungan nila at nagpatuloy na lang sa paglalakad.Kung pakikinggan ko pa ang mga sinasabi nila ay lalo pa akong masasaktan.

Nakarating na ako sa tapat ng room namin nang tawagin ako ni Mel na nasa kabilang room lang.

"Oh ok ka na ba?Ano bang nangyari?"
nag-aalalang tanong nya.Napayuko na lamang ako sa tuwing naalala ko ang nangyari.Hindi ko pa pala nasasabi kay Mel na nagbreak na kami ni Dustin.Tiyak na susugurin niya iyon kapag nalaman niyang niloko lang ako ni Dustin

"Nag-away ba kayo ni Dustin?"Tanong niya nang hindi ako sumagot.

Bumuntong hininga sya at lumapit nang tuluyan sa akin.Inangat niya ang baba ko at hinuli ang mga mata kong umiiwas sa kanyang mga titig.

"Sagutin mo ko Crys,nag-away ba kayo ni Dustin?"Pag-uulit nya.

Imbes na sumagot ako ay yumakap na lang ako sa kanya.Nagbabadya na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nagulat na lang ako nang hindi ko namalayan na nasa kotse na pala nya ako.

"Magpaliwanag ka ngayon na!"Sigaw nya at parang inis na inis sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Naghiwalay na kami ni Dustin"garalgal na ang boses ko habang sinasabi iyon.

"Akala ko mahal nya ako pero hindi pala.Pinagpustahan lang nila ako.Sa rooftop kahapon,nakita ko sila.May kasama siyang iba.Naghahalikan sila duon at ni wala man lang akong nakitang emosyon sa mukha nya nang makita nya ako.Parang hindi sya nagulat.Parang hindi sya nagsisisi nung makita nya ako"Humihikbing paliwanag ko at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay at umiyak.

Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang mga nakita ko.Ang mga narinig ko mula sa kanya.Kahit ayokong paniwalaan ay hindi pa rin mababago nun ang katotohanan na hindi nya ako mahal.Na niloko lang nya ako.Pero kahit na galit na galit ako sa kanya ay di ko pa rin maiwasang isipin sya kung anong gingawa nya ngayon.Kung kumain na ba sya?.

"Crys,tumahan ka na.Madami pamg lalaki dyan na mamahalin ka.Si Dustin lang iyan.Hindi sya kawalan."
pag-aalo sa akin ni Mel.

Umangat ang tingin ko sa kanya at kahit na hirap ako sa pagsasalita dahil sa pag-iyak ay pinilit kong magsalita.

"Alam mong kawalan si Dustin sa akin Mel.Mahal ko sya.Mahal na mahal ko sya at hindi madaling kalimutan ko na lang sya"

"Alam ko Crys,pero kung iiyakan mo lang sya lagi ay hindi  mo talaga sya malilimutan"Napaisip ako sa sinabi ni Mel.Tama nga,kung iiyakan ko lang sya ay walang mangyayari.

"Huwga kang magpatalo Crys.Kung masaya sya mgayon dahil wala na kayo.Dapat ikaw din.Ipakita mo sa kanya na hindi sya kawalan."Sersyosong sabi ni Mel

"Pero hindi ko kaya na maging masaya nang wala sya"Sagot ko at yumuko na lamang.

"Kay mo Crys,di mo lang matanggap.
Nandito ako at ang pamilya mo.Madaming nagmamahal sayo Crys.Hindi mo lang nakikita dahil lagi na lang nakatutok ang pansin mo kay Dustin."

"Siguro dapat na pagtuunan mo muna ng pansin ang sarili mo at ang yung pamilya mo.Mahalin mo.muna ang sarili mo bago ang iba"pagpapayo pa nya.

Bumuntong hininga ako at nag-isip isip.Siguro nga tama na mahalin ko muna ang sarili ko bago ang iba.Katulad ni Dustin,sya lagi ang pinagtutuunan ko ng pansin at hindi ko man lang napagtutuunan ng pansin yung mga taong nakapaligid sa akin.Yung mga taong nagpapahalaga sa akin.

Masakit! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon