Chapter 3

27 2 0
                                    


[ NIXON ]

Nandito na kami ngayon sa cafeteria habang nakaupo sa isang table na malapit sa bintana. Ang iingay ng dalawang kasama ko ngayon, kailan pa sila naging tahimik?

Kanina pa kami tapos kumain at napagdesisyunan namin na dito muna kami tumambay sa loob ng cafeteria kasi maaga pa naman, katabi ko ngayon si Cody na nakikisali rin kay Jimin sa pagiingay pero agad naman niyang napansin na hindi ako sumasabay sa mga asaran nila, "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"Oo naman. Kailan pa ako hindi naging okay?" Sagot ko sa kanya pero natawa siya sa sinabi ko.

"Masanay ka na diyan Cody, siguro stress kasi next week na ang final alam mo naman running for valedictorian yan!" Natatawang sabi ni Theo kaya inaasar na din ako ng iba. I raised my middle finger kaya napa 'Whoa' silang dalawa.

"Hey! Chill bro, nagbibiruan lang tayo dito" Mahinahong sabi naman ni Theo. "I know," Maikli kong sagot sa kanya. Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tumayo na ako dahilan para silang dalawa ay mapatingin sakin.

"Pikon ang putek. Hahaha." Natatawang sabi ni Cody.

"No, I'm not. Babalik lang ako sa room, gusto kong matulog." Walang ganang sabi ko sa kanila bago naglakad paalis.

Narinig ko pa ang sinabi nila bago ako nakaalis ng tuluyan. "Siguro pagod yun sa ginawa niya kagabi." Panimula ni Theo.

"Ano bang ginawa niya kagabi?" Humagikgik si Cody pagkatapos nyang magtanong, mukhang alam nya naman ang ibig sabihin ni Theo pero gusto nya pa ring marinig.

Tumawa naman muna si Theo bago sumagot, "Siguro pagod kasi nag-porn marathon kagabi." Tumingin ito sa akin na parang inaasar talaga ako.

"Gago." Patawang sabi ni Cody at may nalalaman pang pahampas-hampas.

Nagtawanan lang silang dalawa. Umiiling nalang ako habang iniisip yung pinagsasabi nila, kahit ganoon sila masasabi ko na tunay silang kaibigan pero may pagkagago nga lang.

Iba ang mga section ni Cody. Kami lang ni Theo 'yung nilipat sa first section while si Cody, ayun nasa second section. Dapat kasama din namin si Cody, e kaso traydor ang loko, nagpalipat ng section at nagbobo-bobohan para hindi mailipat sa section kung nasaan kami ni Theo, ayaw nya daw maging kaklase ang mga sobrang matatalino, talo daw sya.

Habang naglalakad, napagisipan ko na sa library nalang matutulog tutal tahimik naman dun at mabait pa ang librarian, nagbabakasakali din ako na nandoon siya.

Halos magkatabi lang ang cafeteria at library kaya nakarating ako agad doon. Hindi nga ako nagkamali kasi nandito siya nakaupo sa same spot noong una ko siyang nakita kanina.

Kumain na kaya siya?

Akmang papasok na ako nang makita ko siya napahawak sa tiyan niya habang iniinda ang sakit nito. Shit. Anong nangyari? Halatang nagingay ang sikmura nya dahil sa pagkagutom, siguro nga ngayong break time ay dito na agad sya dumerecho sa library nang hindi kumakain.

Kaya pala ang payat nya this past few weeks, hindi naman kasi siya ganyan kapayat noong last awarding. Hindi ko sya napapansin dati masyado at wala akong pakialam sa pangalan o hitsura ng mga nasa paligid ko pero ngayon lang ako nakaramdam ng awa sa isang tao ng ganito. Walang pagaalinlangan, umalis ako sa library at pumunta ulit sa cafeteria. Maaga pa naman kaya ayos lang.

Nagbabakasakali din ako na wala na sila Theo at Cody dito sa cafeteria para hindi nila ako tatanungin ng maraming tanong na hindi ko pa kayang sagutin sa ngayon. Inilibot ko ang tingin ko sa cafeteria at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na wala na sila sa cafeteria kaya mabilis akong nakabili ng pagkain para sa kay Jenina.

Silent GoodbyeWhere stories live. Discover now