Chapter 5

20 2 0
                                    


[ NIXON ]

"Mr. Cuizon?" Napatayo ako mula sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses ng prof namin. Mukhang kanina pa ako nito tinatawag pero dahil lutang ako ngayon sa klase ay hindi ko 'yun napansin.

Nakatingin din sa akin ang mga kaklase ko, "May problema ba?" Tanong pa sa akin ng prof namin. Agad naman akong sumagot na wala pero mayroon pa ring paggalang, pinaupo rin nya ako at sinabing mag-focus daw ako sa itinuturo nya.

Napansin ko pa na tinutukso ako ng katabi ko na si Theo, dinedma ko lang ito at umupo na. Umiwas na rin ng tingin sa akin ang mga kaklase ko pero nahuli ko na nakatingin si Jenina sa akin kaya napaiwas din ito.

Naaalala ko pa ang pagsusungit sa akin ni Jenina sa library pero kahit ganoon ay nasa kanya pa rin ang atensyon ko-- kahit pa nagtuturo ang prof sa harapan namin. Ewan ko ba kung bakit palagi nang nakukuha ni Jenina ang atensyon ko, kung minsan pa hindi ko na namamalayan ang sarili ko na nakatingin na pala ako sa kanya.

-

"Inlove ka na, pre." Natatawang sabi ni Cody sa akin dahilan para manlaki ang mata ko.

Dahil sa sobrang pagtataka ko kasi kung bakit kakaiba na ang nararamdaman ko kay Jenina ay nagawa kong ikwento sa kanila, nagbabakasakali na alam nila kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Pero para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Cody, inlove daw ako. Patawa ba sya?!

Agad na sinabayan din ni Theo ang pagtawa ni Cody at hinampas-hampas pa ako, "Grabe, pre. Si Nixon na walang ginawa kundi ang magaral, pwede palang ma-inlove?" Sarkastiko akong tumawa dahil sa inaasal ng dalawa.

Tumayo na ako mula sa inuupuan namin dito sa cafeteria at naglakad para umalis at iwan ang dalawa pero may bigla akong naalalang gawin.

Bumili ako ng pagkain at agad na nagtungo sa library, nakita ko si Jenina kanina na dito sya nagpunta kaya sigurado ako na hanggang ngayon ay hindi pa sya nakakakain.

Gusto ko rin malaman talaga kung totoo ba ang sinabi ni Cody kanina, 'yun nga lang ay hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang ay parang tumatambling na ang puso ko sa tuwing makikita ko sya, 'yung tipong konti nalang mabingi na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

'Yun na ba ang sinasabi nilang inlove?

Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa library. Nang makapasok doon ay tinignan ko agad ang paligid at nang makita ko si Jenina ay pasimple kong tinago ang pagkain na binili ko, baka kasi makita ng ibang estudyante na nandito. Malagot pa ako.

Sa ilang minutong paghihintay ng perfect timing para mailagay ko ang pagkain, sa wakas ay nakita ko si Jenina na tumayo at ibinalik ang libro na ginamit nya kung saan ito nakalagay kanina saka sya kumuha ng bago. Doon ko nakuha ang pagkakataon na ilagay ang pagkain na binili ko kung saan sya nakaupo, mabilis pero tahimik akong nagtungo sa inuupuan ni Jenina at ilalagay na sana ang pagkain pero...

"Ikaw pala ang nagbigay sa akin ng pagkain nung nakaraan," Seryosong sabi ni Jenina habang lumalapit sa akin. "At balak mo pang ulitin ngayon."

Tumingin-tingin pa sya sa palagid, sinisigurado nya na hindi kami makakaistorbo sa mga estudyante na nandito. Hinawakan ako ni Jenina sa braso at hinila palabas ng library, hindi na ako kumibo pa at hinayaan nalang sya na gawain sa akin 'yun.

Nang makalabas kami sa library ay agad syang nagsalita, "Anong trip mo?" Mahina pero madiing tanong ni Jenina.

Kahit narinig ko ang pagtanong nya ay nakatingin pa rin ako sa kamay nya na nakahawak pa rin sa braso ko, ewan ko ba pero napangiti ako dahil doon. Siguro nga ngayon ay parang tanga na ako sa harapan mismo ni Jenina.

Nakita nya naman 'yun kaya tinanggal nya agad ang pagkakahawak ng kamay nya sa braso ko. Doon ko lang din napagtanto na hinihintay ako ni Jenina na magsalita at ipaliwanag ang mga akto ko.

"Tuwing tapos na kasi ang klase, nakikita kita na dumadarecho sa library at napapansin ko na hindi ka na kumakain. Pumapayat ka e." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Natagalan naman bago sya sumagot, "E ano naman sa'yo kung hindi ako kumain? Wala ka ngang pakialam sa mga tao sa paligid mo." Pagtataray nito at saka umakto na parang nagulat.

"May gusto ka ba sa akin?" Napaatras ako sa kanya nang sabihin nya 'yun, ngumiti sya ng malawak saka lumapit lalo sa akin para asarin.

Hindi ako nakapagsalita. May gusto ba ako kay Jenina? Teka! Kahit kailan hindi pa ako humahanga sa isang babae, paano ko malalaman kung may gusto ako kay Jenina?

Paalis na sana sya pero tinawag ko sya sa pangalan na hindi nya inaasahan kaya tumingin sya pabalik sa akin, "Nina." Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas iyon sa bibig ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang confidence ko para tawagin sya gamit ang nickname na pinagisipan ko.

"Nina?" Pagtatakang pagulit ni Jenina sa tinawag ko sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita, "Ayaw mong tawagin kang Jenina, 'di ba? Nina nalang ang itatawag ko sa'yo." Paliwanag ko.

Sabi nya, Jen lang ang tawag sa kanya ng mga tao. Gusto kong ako ang unang gagawa ng nickname para sa kanya kaya pinagisipan kong mabuti kung ano ang pwede kong itawag sa kanya, 'yung tipong ako lang ang tatawag sa kanya ng ganoon at wala nang iba. Selfish na kung selfish pero iyon ang gusto ko.

"Salamat," Maikling sabi nya saka ngumiti at naglakad na paalis.

Naiwan akong nakatulala at hindi maiproseso ang nangyari. Nagpasalamat sya sa akin dahil ginawan ko sya ng nickname? O dahil sa pagkain na binigay ko sa kanya?

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sila Cody at Theo, "Bakit ka tulala?" Tanong ni Cody.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Theo. "Pansin ko nga nawawala na sa sarili 'tong si Nixon, hindi naman siguro sya nagaadik, 'di ba?"

Nabatukan ko naman silang dalawa. Mamaya baka may makarinig sa kanila, ipatokhang pa ako. Tsk.

Mayamaya, biglang may lumapit sa amin na babae. Si Crista. Kaklase namin sya ni Theo, nakalimutan ko kung anong rank nya pero isa sya sa mga kilala dito sa school dahil na rin sa pagiging maganda at matalino nya. 'Yun lang ang alam ko sa kanya-- may gusto pala sya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

"Para sa'yo, Nixon." Nahihiyang sabi nya saka ibinigay sa akin ang pagkain na hindi ko alam ang tawag.

Ilang beses nya na din 'tong ginagawa sa akin, ilang beses ko nang tinanggihan ang mga binibigay nya at sinabihan ko na rin sya na itigil na iyon pero wala naman akong magawa kundi kunin nalang iyon dahil sinisisi ako ng mga kaibigan nya kapag umiiyak sya.

Kinuha ko ang binigay nya sa akin at nagpasalamat, nang makasigurado ako na naglakad na sya paalis ay ibinigay ko kila Theo at Cody 'yung pagkain. Gusto ko man kainin 'yun bilang pasasalamat kay Trisha pero hindi ko naman kasi talaga hilig ang mga matatamis na pagkain.

"Sarap nito ah," Sabi ni Theo habang nginunguya ang pagkain. Sa totoo lang, tuwing binibigyan ako ni Trisha ng kung ano ano ay itong dalawa lang ang nakikinabang, mga patay guton kasi.

Dahil busy sila sa pagkain ay hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanila. Kinuha ko na ang bike ko sa gilid ng school kung saan inilalagay ang mga motor o hindi kaya ay mga bike. Tinanggal ko ang lock nito at sumakay dito saka nagpedal.

Habang ginagawa iyon ay sa hindi kalayuan, may nakita akong babae. Babae na nangangailangan ng tulong.

Silent GoodbyeWhere stories live. Discover now