[ NIXON ]Umiling nalang ako ng paulit-ulit dahil sa nakita ko. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa kalsada, wala namang masyadong sasakyan dahil maaga pa pero baka madisgrasya pa ako kung panay ang tingin ko doon sa babaeng naglalakad kanina habang nagbabasa ng kung anong libro, sigurado akong parehas kami ng school. Pamilyar ang mukha nya pero hindi ko maalala ang pangalan nya.
Nakarating ako sa school nang mapayapa. Wala pang masyadong tao kasi ang aga pa, tinignan ko 'yung phone ko para makasiguro kung tama ba yung hinala ko.
It's only 6:17 in the morning kaya hindi na ako magtataka kung yung ibang estudyante ay late o mamaya pa darating. Wala na akong magagawa kasi nandito na ako, alangan namang babalik pa ako sa bahay at maghintay hanggang 7:30 AM.
Nagpunta ako sa isang puno doon na may bench sa ilalim kung saan pwedeng maghintay o magpahinga. Balak ko kasing hintayin 'yung mga kaibigan ko, habang nakaupo ay tinignan-tignan ko ang wrist watch ko. Nakakainip.
Dahil sa paghihintay ko sa mga late kong kaibigan ay muntik na akong makaidlip pero nawala ang antok ko nang makita ko na naman sya na naglalakad. Hindi naman sya nakatingin sa akin pero 'yung puso ko parang lalabas na dahil sa lakas ng tibok.
Nakatingin lang ako sa babae habang ang atensyon nito ay sa nasa libro na hawak nya pa rin, may mga nakakabangga nga syang estudyante pero agad syang nagso-sorry at maglalakad ulit. Cute.
Umiling ako ulit at tinignan ang oras, wala pa rin ang mga loko. Tinignan ko ulit ang paligid pero wala na sya, bad trip!
Tumayo nalang ako mula sa inuupuan ko at habang naglalakad ay napansin ko ang library na hindi kalayuan sa akin.
Ang sipag talaga ng librarian, napansin ko kasi na araw-araw ay ang aga niya magbukas para 'yung ibang mga estudyante ay doon tatambay at magaaral kung trip nila. Mas lumapit pa ako sa pinto para makita ko ng malinaw kong sino 'yung tao na nandoon, transparent kasi yung pintuan. Baka kasi nandito 'yung mga tropa kong hinihintay ko kanina.
Pero habang tinititigan ko sila, biglang napatigil ang mata ko sa isang babae na nakaupo habang may binabasa na libro, napagtanto ko na mukha siyang anghel at ang inosente niya tignan. Sya din 'yung babae na nakita ko kanina.
Bakit pamilyar ang mukha nya?
Nabigla naman ako ng tumingin siya sa gawi ko kaya napatakbo ako patungo sa room namin, mabuti na nga lang ay wala masyadong teacher kundi mapapagalitan ako sa pagtakbo lalo na't ang aga-aga. Hingal na hingal akong naupo sa upuan ko habang nakahawak yung isang kamay ko sa dibdib kl.
Shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro dahil 'yun sa pagtakbo ko o hindi kaya-- Aish, stop with this nonsense, Nixon.
Naisipan ko munang matulog at kalimutan yung nangyari kanina, maaga pa naman.
-
Nagising ako sa maganda kong tulog nang tinapik ako ni Theo, 'yung katabi ko sa upuan.
I stretched my body at tumingin sa paligid, kumpleto na kaming lahat magkakaklase. Siguro napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namamalayang marami nang tao dito sa room.
Inilibot ko ulit ang mga mata until someone caught my attention, nakita ko ulit yung babae kanina sa library. No wonder familiar siya sa akin, classmate ko pala siya. Nakasuot siya ng glasses ngayon habang nagbabasa pa rin ng libro.
Hindi ba siya nagsasawa magbasa?
Habang tinititigan ko siya, bigla akong nakaramdan ng kung ano sa dibdib ko. I know it sounds crazy and cheesy but whenever I see her, my body can feel uneasiness and my heart beats fast.
Alam niyo yung ganda na natural? Ganyan siya pero halata sa kanya ang maputla niyang balat pero hindi ito naging rason para mawala yung kagandahan niyang taglay.
Habang abala ako kakatingin sa kanya, hindi ko namalayan na pumasok na pala yung prof namin kaya umayos na ako ng upo.
"Okay class, I'm sure all of you already know that next week is your final exam, so I hope you study your lessons in advance and also after your exam, we will give your cards so please do your best and good luck." Pagkatapos sabihin yan ng prof namin nagsimula na siyang mag discuss kaya nakikinig na ako.
Pero minsan 'di ko maiwasan na tignan yung babae at habang pinagmamasdan siya naalala ko na siya pala yung second placer pagdating sa academics at awardings sa school.
Tumingin ako sa katabi ko, "Theo, anong pangalan nya?" Tinuro ko 'yung babae na nasa harapan pagkatapos kong itanong 'yun.
"Ano ba 'yan, Nixon!" Natawa si Theo bago sagutin ang tanong ko. "Jenina pangalan nya, ang ganda nya 'no? Hahaha. Bakit pre, crush mo? "
Natigilan ako sa huling sinabi ni Theo, nakita nya naman 'yun kaya natawa sya. "Nagtanong lang ng pangalan, crush na agad?" Sagot ko kay Theo.
"Pre, hindi ka naman kasi interesado sa mga pangalan ng mga tao sa paligid mo." Tumawa na naman sya pagkatapos sabihin 'yun. "Nixon pre, nagbibinata ka na yata."
Lintik.
-
Tumunog na yung bell hudyat na tapos na yung klase kaya 'yung iba kong kaklase ay nagtayuan na para umalis. 'Yung iba naman nagliligpit pa ng gamit at ngayon ko lang din napagtanto na nawala yung concentration ko kanina dahil lahat ng atensyon ko ay na kay Jenina pero okay lang kasi alam ko naman yung pinagsasabi ng prof namin kanina, nagadvance study kasi ako.
Nakita ko siyang tumayo at nagsimula nang maglakad paalis sa room namin, akmang lalapitan ko na sana siya nang hinarangan ako ng mga kaibigan kong loko.
Nakapasok na pala si Cody sa room ko. Sayang, may lakas na loob na sana akong lapitan siya pero wrong timing naman 'tong mga kaibigan ko.
"Ano pre, hindi ka na aalis diyan? Tara na!" Hinila ako ni Cody papunta sa cafeteria at dahil wala ako sa mood, nagpahila na rin ako. Sumunod naman samin si Theo.
Pero bakit kahit yung barkada ko yung kasama ko, siya pa rin laman ng isip ko?
YOU ARE READING
Silent Goodbye
Kort verhaalwritten by jeighsien & eikalliope jirose short story. [ COMPLETED ]