[ NINA ]"Ewan ko, pre! May importante akong dapat dalhin pero nakalimutan ko kung ano 'yun." Kwento ni Cody nang makaupo sya dito sa cafeteria kung saan kami nakapwesto nila Theo at Nixon.
Binatukan naman ni Theo si Cody bago nagsalita,"Kung nakalimutan mo 'yung bagay na importante, edi hindi 'yun importante!" Nakita naman namin si Cody na natigilan at pilit inintindi ang ibig sabihin ni Theo, natawa kami sa naging reaksyon nya dahil natagalan pa bago nya ma-gets.
Simula nung nanligaw sa akin si Nixon, naging kaibigan ko na rin sila Cody at Theo. Masaya naman sila kasama sa totoo lang, sobrang kulit din.
Habang nagtatawanan, pinalingon ako ni Nixon sa kanya para mapunasan nya ang dumi sa gilid ng labi ko, sinunod ko naman sya dahilan para lumikha ng nakakalokong ingay sina Cody at Theo.
"Bro, alis na tayo dito, naiinggit na ako." Sabi ni Theo kay Cody, halatang nagpaparinig sa amin.
Umakto naman si Cody na naiiyak, "Sige bro, tara hanap nalang tayo chiks." Tumayo sila parehas saka naglakas paalis, akala namin ni Nixon ay nagbibiro lang sila kaya tumatawa lang kami pero nagulat kami nang lumalapit ang dalawa sa mga magagandang babae dito sa cafeteria at hinihingi agad ang number bago ang pangalan. Mas lalo akong natawa dahil doon.
"Masanay ka na sa dalawang 'yun, ganyan talaga sila." Tumango-tango ako sa sinabi ni Nixon habang tumatawa pa rin.
Magsaslita pa sana si Nixon ulit nang may lumapit sa amin, lumingon ako sa likod ko nang makita si Crista na kaklase namin. "Pwede bang maglandian nalang kayo sa labas ng cafeteria, nakakawalan ng gana e." Nakangiti nitong sabi at parang tinatago ang inis.
Kasalanan ko ba na nawawalan sya ng gana dahil lang nakikita nya kami ni Nixon na masaya? Bakit hindi sya ang mag-adjust at umalis dito sa cafeteria, sya naman ang ayaw kaming makita.
Tumayo ako agad para sagutin si Crista ng pagalit pero napansin kong tumayo din si Nixon at hinawakan ang braso ko, "Pasensya na, Crista." Sabi nya dito at hinila nya ako palabas ng cafeteria.
Nakanguso akong sumama sa kanya palabas. Nang huminto na kami sa paglalakad, nakita nya ang reaksyon ko kaya pinisil nya ang magkabila kong pisngi dahilan para alisin ko ang kamay nya. Naiinis ako! Hindi naman natin kailangang umalis ng cafeteria dahil lang sa sinabi ng iba.
"Hwag nang mainit ang ulo, my future girlfriend." Ginulo naman ni Nixon ang buhok ko kaya sinamaan ko sya ng tingin at dahil doon, natawa sya.
"Hindi ako nakikipagtawanan sa'yo," masungit kong sabi.
Nagbuntong hininga sya saka ako hinalikan sa noo na ikinagulat ko, unang beses kasi 'yun na ginawa ni Nixon sa akin. "Para hindi ka na magalit." Ngiti nyang ipinaliwanag ang ginawa nya sa akin.
Nagulat man at kinilig sa ginawa nya, hindi ko pa rin 'yun ipinahalata at masama pa rin ang tingin ko kay Nixon. Hinawakan nya ang kamay ko at winagayway ito habang nakangiti pa rin para tumigil na ako sa pagkainis ko, sinimulan nyang maglakad at dahil hawak nya ang kamay ko ay napasabay na din ako.
"May exam tayo mamaya, gagalingan natin ah?" Tumango lang ako kahit nakanguso pa rin.
Kinikilig talaga ako pero ayoko, dapat galit pa rin ako para suyuin nya ako. Hindi dapat ako nagpapadala sa kagwapuhan nya, galit pa rin ako. Hindi dapat ako maging marupok sa harapan nya, nakakahiya, hindi dapat ako ganoon.
Tumigil sya sa paglalakad kaya ganoon din ako, "Sige, para hindi ka na magalit, sabay tayong mag-review ngayon." Nakangiti pa rin nyang sabi.
Hindi ako sumagot sa sinabi nya, kasi ano sya chiks?
"Okay, salamat sa pagsagot! Basta sa library tayo. Lezgo!" Pinisil na naman ni Nixon ang pisngi ko pero hinayaan ko lang sya. Hindi ko na nga alam kung tinutuloy ko pa rin ang plano ko ngayon, hindi ko na talaga alam.
--
Nasa library kami ngayon ni Nixon, nagbabasa ng mga libro para sa exam namin mamaya. Kailangan naming seryosohin 'yun dahil ang exam na 'yun ay malaki ang impak sa grades namin, malapit na kasi kaming grumaduate.
Nilingon ko si Nixon na nasa tabi ko, nakita ko itong natutulog na. Napangiti ako, ang gwapo nya pa rin kasi kahit tulog.
Tama ba ang ginagawa ko?
'Yan nalang ang naitanong ko sa sarili ko. Gulong-gulo na kasi ako, hindi ko na nga alam kung bakit ako napapalapit dito kay Nixon kung ang plano ko lang naman ay malaman ang kahinaan nya. Kahinaan para matalo ko sya. Pero hindi ko na alam e, may parte sa akin na sinasabing hwag ko na itong ituloy kasi alam ko naman na ang resulta nitong ginagawa ko ay hindi mabuti.
--
Habang nagsasagot kami sa mga papel ay napatingin ako kay Nixon, halata dito na hindi man lang sya nahihirapan sa bawat tanont na nababasa nya sa sagutang papel.
Ito na. Ito na ang huling exam namin at ito na rin ang huling beses na susubukan ko na malamangan si Nixon. 'Yun nga lang, wala akong kasiguraduhan kung kaya ko ba o kaya ko pa ba. Minsan kasi, naaawa na ako sa sarili ko kasi kailangan ko pang gumawa ng plano para lang manalo.
Nagulat ako bigla nang lumingon din si Nixon sa akin, ngumiti ito at parang sumesenyas na galingan ko. Tumango lang ako at umiwas na ng tingin.
Matapos ang isang oras ay kinuha na ang mga papel namin, pagkatapos nun ay pwede na kami muna magpahinga kaya naman lumabas ako para magpunta sa cr. Gusto ko lang muna mahimasmasan.
Pagpunta ko sa cr ng mga babae, kinandado ko ang pinto para walang makakita o makarinig sa akin.
"Di ba ang plano, lalapit ka kay Nixon para malaman mo ang kahinaan nya? Para sa ganoon ay malalaman mo kung paano mo sya matatalo sa klase, kung paano ka mangunguna. Anong nangyari? Bakit hindi mo man lang nagawa 'yun dahil sa bwiset na nararamdaman mo sa kanya?" Hiningal ako pagkatapos kong sabihin 'yun sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
"Hindi mo sya mahal, kalaban mo sya Jenina!" Inis na sabi ko saka ko sinabunutan ang sarili ko.
"Gusto mo ako nalang sumabunot sa'yo?" Napatigil nalang ako nang may narinig akong boses mula sa likuran ko.
Nang nilingon ko ito ay si Crista pala, "Hindi mo kasi tinignan isa-isa 'yung cubicle e, narinig tuloy kita." Nakangiti nyang paliwanag habang ako ay nagsisimula nang magpawis dahil sa nerbyos.
"Hwag ka magalala, safe sa akin 'yang secret mo." Dagdag nya pa. "Ba-bye!"
Nakatulala akong pinagmasdan ang pagalis nya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang kaba at parang lalabas na kahit anong oras ang puso ko.
YOU ARE READING
Silent Goodbye
Short Storywritten by jeighsien & eikalliope jirose short story. [ COMPLETED ]