Chapter 6

14 2 0
                                    


[ NINA ]

Naglalakad ako pauwi habang matamlay at walang ganang maglakad, binalik samin ang mga sinagutan naming papel at kailangan daw itong ipapirma sa magulang.

Hindi ko naman kayang gayahin ang pirma ng magulang ko at lalong hindi ko kayang magsinungaling, ang alam ko lang ay paniguradong madi-dissapoint sila kapag nakita ang marka ko.

Ginawa ko man yung makakaya ko para maging mataas sa test na 'yun, ano pang magagawa ko kung nagkamali ako ng isang beses lang? At ang isang beses na pagkakamali na 'yun ay magdudulot ng maraming beses na masasakit na salita galing sa mga magulang ko.

Sinubukan kong magisip ng positibong bagay. Ayoko nang magisip ng mga negotibo, mas lalo lang akong nalulungkot kapag ganoon.

Napangiti naman ako nang maisip ko si Nixon. Nagkukunwari pa na walang gusto sa akin, e halata naman sya. Sino ba naman kasing tanga na pagiisipan ng mabuti ang nickname ng isang tao kung wala naman syang espesyal na nararamdaman dito?

"Hi miss! Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Napatingin naman ako ng bahagya sa grupo ng mga lalaki na nakaharang sa dadaanan ko pauwi.

Babalik nalang sana ako nang bigla naman nila akong pinalibutan. Marami sila at lahat sila ay nanlilisik ang mata na para bang may balak silang masamang gawin sa akin. Walang masyadong nadaan na mga tao o sasakyan sa lugar na ito kaya paniguradong hindi ako makakahingi pa ng tulong.

Bigla akong napaatras nang nakita ko silang papalapit na saakin, sinimulan ko ang pagsigaw ngunit ang naririnig ko lang ay ang echo ng pagtawa ng mga lalaki sa harapan ko.

"Ano sa tingin mo? Biglang pupunta si Superman para iligtas ka?"

"Miss, patikim lang. Ang damot mo naman!"

Nagsimula na akong umiyak habang nanginginig ang boses dahil sa pagsigaw at paghingi ng tulong habang sila naman ay sinimulan din ang paghawak ng kamay at binti ko dahilan para magpumiglas ako pero wala akong nagawa.

Tulad ng sabi ng mga magulang ko, isa akong walang pakinabang at walang mararating sa buhay na babae. Isa akong mahina at iyaking babae kaya dapat lang sa akin ang mapahamak ng ilang kalalakihan.

-

Nakauwi ako at nadatnan ko ang mga magulang ko na nasa bahay, si Papa ay may hawak na papel at halatang problemado habang si Mama naman ay nanonood lang ng telebisyon.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Napangiti ako kahit na pilit, kahit pala isang beses mayroon silang pakialam sa akin.

"Oh? Bakit ang dumi ng damit mo?!" Galit na sigaw ni Mama.

Nagmano ako sa kanya at kay Papa bago magsalita, "Ako nalang po ang maglalaba nito."

"Aba, dapat lang." Ngumiti lang ako ng mapait at nagtungo na sa kwarto ko.

Ikinandado ko ang pintuan at binaba ang bag ko, dumaretso ako sa kama at tinakpan ng unan ang aking mukha bago magsimulang umiyak. Bakit pakiramdam ko wala nang magbabago sa buhay ko? Bakit pakiramdam ko wala ring silbi ang buhay ko?

Bakit ko pa ba kailangang magtiis kung walang tao ang tutulong sa akin para maging malakas? Bakit kailangan kong magpanggap na ayos lang kung wala namang taong may pakialam sa nararamdaman ko?

"Jenina! Bilisan mo at may ipapagawa ako sa'yo!" Rinig kong sigaw ng ate ko.

Napatayo ako agad sa kama ko at inayos ang sarili. Hinubad ko na ang uniporme ko at habang nakahubad, napatingin ako sa salamin ko.

Nagsinungaling ako kay Nixon, ang sabi ko ay Jen ang tawag sa akin ng lahat ng mga tao sa paligid ko pero ang totoo ayoko lang na tawagin ako sa pangalan na ibinigay sa akin ng magulang ko. Ayokong tawagin ako sa pangalang Jenina, mas naaalala ko lang kasi na pabigat at walang kwenta ako sa pamilya.

Pero ngayon, sobrang saya ko na may gumawa ng pangalan para sa akin. Pangalan na gusto kong itawag sa akin ng lahat. Pangalan na hinding hindi ko kakalimutan.

Salamat, Nixon.

Sinunod ko namang ayusin ang bag ko, inayos ko ang bawat gamit na nasa loob nun.

Sa totoo lang, I used to love school. Sobrang gusto ko ang matuto sa paaralan, sobrang saya ko kapag naiintindihan ko kung ano ang tinuturo ng teacher sa klase, sobrang proud ako sa sarili ko sa tuwing natatanggap namin ang card namin at pasado ako. Sobrang saya ko... noon.

Now, I am under so much academic pressure.

Sa bawat quizzes at exams na nalalagpasan ko, kailangan kong i-report sa magulang ko. Noong una, masaya na sila kapag pasado ako pero habang tumatagal napapansin ko na mas gusto na nilang maging perfect lahat ng scores ko. Gusto na nilang nangunguna ako sa klase at dapat walang makakatalo sa akin.

Noong nalaman nila na pumapangalawa lang ako sa klase ngayong taon, doon na nagsimula na sabihan ako ng masasakit na mga salita. Mga salita na ayoko nang marinig pa. Sabi nila, iyon daw ang paraan para mas galingan ko pa. Ginagawa daw nila iyon para patunayan ko sa kanila na mas magaling pa ako kaysa sa iniisip nila.

Pero hindi e. Mas nakakababa ng tingin sa sarili 'yung ginagawa nila sa akin, gusto kong gawin lahat ng kaya ko pero paano ko gagawin 'yun kung wala akong suportang natatanggap galing sa pamilya ko? Makakaya ko ba na manguna kung patay na patay na ako dahil sa paraan ng pananalita ng pamilya ko sa akin? Makakaya ko ba?

I should have done better. Mga salitang sinasabi ko palagi sa sarili ko sa tuwing napapagalitan nila ako at napagbubuhatan ng kamay pero ngayon hindi ko na sigurado kung kaya ko pang galingan lalo. Parang wala na rin namang kwenta e.

"Bakit ba ang tagal mo?" Naiiritang sabi ni ate. 'Yung ate ko na tumigil sa pagaaral dahil nabuntis ng maaga pero kahit kailan hindi man lang napagalitan nila mama at papa.

Pero ako-- ako na ginagawa lahat ng makakaya para maging proud sila, ako pa 'yung walang kwentang anak para sa kanila.

"Nagaral lang ako saglit," Pagsisinungaling ko.

Magsasalita na san si ate nang biglang sumabat si papa. "Hoy, Jenina! Kailan ka pa natutong sumagot-sagot sa ate mo?"

Bakit hindi ako sasagot? E tinanong ako.

"Hindi ka na gumagamit ng 'po' at 'opo'? Yan na ba ang natututunan mo sa school, ha?!" Dagdag pa ni papa dahilan para matawa ng mahina si ate.

Hindi, papa. Natutunan ko 'yun sa inyo, nawawalan na kasi ako ng respeto sa inyong lahat.

"Anong nangyayari sa'yo sa school? Baka naman puro katamaran ka lang, tignan mo mga pinsan mo at mga anak ng kaibigan ko, may respeto, matalino at masaya sila kasi nagaaral sila ng mabuti hindi tulad mo."

Napangiti ako sa narinig ko. Sana nga ganoon din ako, masaya kahit na kailangang sundin palagi ang gusto ng magulang. Sana nga manhid nalang ako tulad ng iba, iyong hindi ko nararamdaman na pinagtutulakan na ako ng magulang ko sa pagaaral para lang may ipagmalaki sa ibang tao at wala nang pakialam sa nararamdaman ko.

Kailan ko ba huling narinig na tanungin nila kung ayos lang ako? Gusto ko rin naman maranasan iyong tulad sa ibang mga estudyante, iyong kahit pasaway at hindi katalinuhan sa klase ay nagagawa pa ring maintindihan ng mga magulang nila.

Ngayon, alam ko na kung bakit ganito sila sa akin. Gusto nilang ibida ako sa iba, gusto nilang ipalabas na kahit paano may matalino at nangunguna silang anak sa klase. Gusto nilang magpanggap na sadyang matalino na ako at hindi na kailangan pang turuan. Gusto nilang ipakita sa mga tao na may pinalaki silang anak na nasobrahan sa katalinuhan.

Tama, ginagawa nila lahat ng 'to sa akin kasi gusto nila. Gusto lang nila.

Silent GoodbyeWhere stories live. Discover now