Ngiti

4 0 0
                                    

Isang ngiti ang sumilay sa aking labi
Hindi dahil ako'y masaya
Kundi dahil labis na ang aking pagpipighati
At ayoko na, ayoko nang masaktan pa

Pinapakita ang ngiti
Para maitago ang sakit
Sa lahat ng nadarama
Parang ayoko na talaga

Pero eto na ako
Laging nasa tabi niyo
Hindi niyo makikitang nasasaktan
Pagkat kayo'y baka maapektuhan

Ayaw ko na itong itago
Pero ano bang magaggawa ko?
Eh wala akong lakas ng loob
Para sabihin ito sainyo

Mabait naba ako sa lagay na ito?
Dahil ito ang naiisip ko
Kahit na marami akong ginawang katarantaduhan
Ayaw ko nang magdulot ng ibang kamalasan

Nais kong maging malaya
Malaya sa aking pagdurusa
Malaya mula sa poot at sariling hinaing
Malaya kahit pa sa kaniyang piling

Gusto ko nang maging makasarili
Gusto kong sabihin na ako'y may problema rin
Pero bakit ganito?
Ayaw ko ring makita nila ang totoong ako

Dahil nais kong makita nila
Na ako'y masaya
Para hindi na sila mabahala
At para sila rin ay ngumiti ngunit nang may tuwa

Untitled OuvresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon