Mapanakit na Kagandahan

4 0 0
                                    

Napatingin ako sa likod ko
At ikaw ay nakita ko
Sa akin ay nakasulyap nanaman
Ang mga mata mong ubod ng ganda

Noong isang araw sinabi mong ako'y iyong gusto
Ako'y napatulala at hindi ang alam ang isasagot ko
Nakatitig ka lang sa akin habang naghihintay ng sagot
Ngunit ika'y biglang umalis ng dahil sa bagot.

Hindi ko inaakala ang pagtatapat mong iyon
Dahil akala ko sa tinagal tagal ng panahon,
Ako lang ang may gusto sayo
At parang imposibleng ako'y iyo ring gusto.

Kaya ngayon hindi ko alam ang gagawin ko
Kung titingin lang ako sayo o makikinig na sa guro
Ngunit pinili ko ang pangalawa
Para akin nang pakawalan ang ngiti at tuwa.

Akala ko'y gagawin mo pa ito
Subalit sa mga sumunod na araw ito'y naglaho
Naramdaman ko ang puwang sa puso ko
Nagsisising ako'y naging pabebe ng husto.

Kaya tinanong kita
Kung ako ba'y gusto mo pa
At akoy nagimbal sa iyong kasagutan
Dahil sabi mo'y "tama na huwag mo na akong saktan"

Ako'y naluha nung ika'y tumalikod at umalis na
Di ko alam na ikaw ay nasasaktan na pala
Dahil akala ko okay lang, okay lang
Na pagplanuhan ang pag-amin ng nararamdaman.

Nakahanap ka na pala ng iba
At araw-araw mo pa itong kasama
Di ko alam kung anong mararamdaman ko
Ang masaktan ba o ano

Pero pakiusap naman o
Sabihin mo kung ang iyong pagmamahal ay totoo
O ito ay isang lamang laro sa iyo
Dahil ako na'y nahulog saiyo

Untitled OuvresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon