So ito po ay aking ginawang dagli na isa sa mga activities namin sa school.
-----
Hanggang Sa Muli
Halakhakan, iyakan, at pagpapaalam ang namutawi sa paligid. Ipinagdiriwang sa araw na ito ang Moving-up Ceremony ng mga estudyanteng nasa ika-10 baitang.
Pinagmamasdan ni Soleil ang mga mukha na kaniyang nakikita na ka-eskwela at pilit kinakabisado ang lahat ng detalye ng bawat isa. At ngayon, habang nagtatalumpati ang isang mag-aaral na nakakuha ng maraming medalya, makikita ni Soleil ang maluha-luhang mga kamag-aral niya ngunit makikita rin ang tuwa at saya sa mga mata nito.
Pagkatapos ng talumpati, isa-isa nang tinawag ang mga magtatapos para ibigay ang kanilang diploma. Hindi lang ang mga estudyante ang mababakasan ng ngiti kundi pati ang kanilang mga magulang at mga guro.
At sa pagtatapos nga ng seremonya, kaniya-kaniyang kuha na sila ng litrato na paniguradong dadalhin nila saan man sila mapunta at unti-unti na ring lumilisan sa lugar na tinuring nilang tahanan.
Habang hinihintay nila Soleil ang kuya niyang nagpapaalam pa sa mga kaklase nito, napaisip siya kung ano nga ba ang kahihinatnan nila ng kaniyang sariling mga kaklase sa susunod na taon at sa parehas na sitwasyon. Marahil nga ay ganito rin ang mangyari sa kanila, pero alam niyang kahit anong mangyari, hindi niya ito makakalimutan hanggang sa kanilang susunod na mga kabanata.
-----
So based po sa aking natutunan, ang isang dagli ay isang uri ng panitikan kung saan madalas may plot twist sa dulo o hindi inaasahan ang mangyayari sa huli.