~Chapter 4~ At My House

35 4 3
                                    

Zayrine's POV

"Zayrine! Archer!" Maygod, what a relief....

"Sorry guys, kanina paba kayo rito?" Tanong ni miss Ibby.

"Kakarating palang miss" sagot niya. Pssh sinungaling.

"Sabay kayo? Ayiieeh" pang aasar ni miss.

"Hindi! Ma's nauna ako nuh" I said.

"Anong ma's nauna ka?! Ako kaya ang nauna sa iyo!" Pambabara ni archer.

"Maya na yang love quarell niyo, maglaro nga muna kayo dito, isang game lang." Utos ni miss.

Pagkatapos naming ini-arrange ang chessboard nagsimula kaming maglaro at hindi ko Alam na pipicturan kami. Tumingin sa akin si archer na parang nagtatanong kung bakit kami pinipicturan ni miss tapos nag respond ako ng shoulder up-down kasi parehas lang kami na walang alam kung bakit.

"Archer, hawakan mo yung isang piece" utos ni miss,agad namang hinawakan ni Archer ang King piece at kunwaring yun ang i-momove niya tapos pinicturan naman kami. Ano bang trip ni miss?

"Perfect, cge na! Iligpit niyo na yan kasi pupunta pa tayo kanila zayrine"

"Pero miss! Malapit ko nang matalo si archer!" Pangrereklamo ko kasi ilang moves nalang at talo na siya.

"Mamaya na yan, wag kang mag alala matatalo mo rin siya mamaya" sabi ni miss. Nag pout nalang ako kasi wala na akong magawa.

"Miss, bili muna tayo ng snacks" giit ni Archer....pambihira, hindi ba sya kumain kanina?

"O cge" sabi ni miss with a smile, yiieehh ang cute ng smile!.

Pagkatapos bumili ni Archer ng pagkain nalalaglag ang panga ko kasi ang dami niyang binili....nag umpisa naman siyang kumain. Para siyang bata kumain, ang takaw pa niya.

"Nasaan ba yung iba?" Tanong ni miss.

"Hindi po dw sila makakarating kasi may lakad sila." Reply ni archer. Nako! Kami lang ang maglalaro.

Hindi pa kami nakadating sa bahay isang biscuit nalang ang natira sa binili niyang pagkain. Ang takaw talaga niyang kumain!

Sa wakas andito na kami....

"Hindi bah nangangagat ang aso niyo?" Tanong ni miss.

"Basta mga maganda hindi po talaga, maamo sila sa katulad mong maganda. Pero kung mukhang multo! galit silah" sabi ko, tiningnan ko si Archer pagsabi ko nang salitang multo at tumawa naman si miss.
Mukhang galit sya sa sinabi ko hehehhe.

"Ma!" Tawag ko sa mama ko.

"Uyy, andyan na pala kayo. Pasok po kayo, wag kayong mahiya" sabi ni mama.

"Magandang hapon po Tita." Pagbabati ni archer sa mama ko. Abah, marunong palang gumalang tong lalaking toh? May pa Tita Tita pa sya sa mama ko.

"Ikaw po pala si Miss Ibby, ang coach sa chess....at ikaw iho anong pangalan mo?" Pagtanong ng mama ko kay archer.

"Ako po si Archer, Archer Troy." Introducing himself.

"Ahh....may GF ka naba?" Tanong ni mama, nagulat naman ako doon.

"Ma? Bakit mo bang gustong malaman?" Interrupting her question. Alam ko kasi kung saan hahangtong tong storyang ito pag hindi ko sya pinigilan.

"Bakit? Masama bang magtanong?" Sabi ni mama.
Tumawa naman tong si archer. Buti nalang hindi na sya nagtanong kasi alam ko aasarin lang ako ng mama ko.

"Zayrine! Bumili ka muna ng tinapay baka nagugutom natong mga bisita mo" tumango nalang ako sa sinabi ni mama at umalis.

"Teka! Sama ako" pambihira kailangan paba niyang sumama?

Pagdating namin sa tindahan ng tinapayl.

"Tao po" Panimula ni archer.

"Ano po sa inyu?" Tanong ng babae na nagpapa cute kay archer hay kainis!

"Meron po ba kayong Asin na pwede ko lagyan ng P at N? Para ma PaNsin niya ako?" Sagot ni archer. Ano ba ang ginagawa niya? Nag huhugot ba sya? Pambihira.

"Miss, bakit ayaw mo siyang pansinin? Ehh ang cute naman niya ehh" tanong ng babae sa akin.

"Sorry miss, sa totoo lang nandito talaga kami para bumili ng tinapay, total bake shop nga ito"reply ko with a fake smile.

"Ang arte mo, sagutin mo nalang kasi siya, baka agawin ko nalang sya sa iyo cge ka!" Pagbabanta niya sa akin.

"Edi sa iyo na ate, total may GF na siya kaya ayaw ko maging kabit and never akong magkakagusto sa isang to" pagdiin ko.

"Kakainin mo lang yan lahat ng sinabi mo, tandaan mo yan. Malay mo, iiwan niya ang GF niya para sa iyo" Sabi pa neto.

Pagdating namin sa bahay agad kaming naglaro at grabeh talaga to si archer, habang naglalaro kami kumakain!

"Checkmate!" Nagulat nalang ako noong sinabi niya yun! Maygod! Gamit ang bishop at Knight natalo niya ako?! WTF! Sh*t!

"Sh*t! Hindi ko yun nakita!" Sigaw ko.

"Tanga mo kasi" sabi niya.

"Ugh!"

"Pwede mo akong samahan?" Tanong niya.

"Saan? Akala ko bah nandito tayo para mag laro" sabi ko.

"Please" nag pout pa siya.

"Cge na nga, pero ikaw ang bahala kay mama" sabi ko.

"Sure" nag wink pa siya huh!
Pagka tapos pinuntahan niya sina mama at miss tapos makikita mo dito na tumango lang si mama.

"Tara?" Sabi niya at tumango lang ako sa kanya.


Sorry po talaga sa late update!!! Sobrang busy lang po! At naging tamad ako sa pag update

Why Me? (Nothing's Impossible) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon