~Chapter 10~ Champion Tayo!

18 3 0
                                    

Zayrine's POV

Hindi ako makapaniwala na DDCCS na bukas....bukas na! Lord ikaw na bahala sa akin!

Nandito kami ngayon sa school, Oo walang klase kahit Friday pero nag announce dw ang principle namin na ang mga Players lang ang dapat pumunta dito sa school ngayun.

"Zayrine!" Pag tingin ko sa likod biglang huminto ang mundo ko nang makita ko siya. Ang ka isa isang lalaki na nagpapatibok ng puso ko since Grade 6.

"Ready ka na bukas?" Tanong niya.

"Ah--ahh--Oo. Syempre naman! Ako pa!" Sagot ko. Bakit ba sa tuwing nasa harap ko siya ay na uutal ako?!

"Mabuti naman....Good Luck Zayrine." Omo! Mahihimatay na siguro ako! Nag Good Luck talaga siya?! Nasa langit na ba ako??? Kung panaginip to ayaw ko nang gumising.

"Ah-ahh Goo--good Luck din Mi--MiChael hehe. Galingan mo rin!" Sabi ko.

"Oo s---sge! Gagalingan ko pa--para sa iyo." Maygod!! Sinabi ba talaga niyang para sa akin?!!! Kilig much lang besh?!

"Eheemm..." Sulpot ng isang halimaw. Gustong gusto ko nang pumatay ng tao ngayon. Minsan lang kami mag usap ni Michael tapos sisirain mo?!! Panira talaga to siya ng moment.

Sinamaan ko siya ng tingin....sino ba ang hindi maiinis?!! Ngayon ko lang naka usap ang dream boy ko tapos bigla bigla lang niyang sisirain?!

"Hmm....ayusin mo nga yang mukha mo! Para kang letchon na iniihaw, tingnan mo ang mukha mo! Namumula na." Ayy sheteng kalabaw. Pinapahiya niya ba ako?! Sa harap pa ni Dream Boy! Mukhang hindi nga siya nagbibiro na namumula na ako kasi tumawa ng mahina si Michael ayy bad trip. Nakakahiya. Wala na akong ibang nagawa kundi ay Yumuko sa kahihiyan.

"Hali ka na nga!" Tapos kinaladkad niya ako papalayo sa Dream boy ko. Bad trip talaga. Prince Charming!! Wag mong hayaan na kunin ako ng halimaw natoh! Save me! Huhuhu.

"B--bye Zayrine!" I feel really great to hear him saying goodbye ....awww. Etoh kasing baliw natoh! Ano bang trip niya? bakit niya ako kinaladkad papalayo sa Dream Boy ko?!

Huminto rin siya sa wakas....

"Ano bang Trip mo ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Minsan ko lang makaka usap ang Dre----" Hindi ko naituloy kasi na realize ko na hindi pala alam ni Archer na may gusto ako kay Michael.

"Wag mo nang itago...alam ko namang may gusto ka kay Michael ehh." Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ako kumibo, ang tanging nagawa ko lamang ay tumingin sa ibaba. Ganoon ba talaga ako ka obvios magkagusto sa isang lalaki?

Nakatingin lang sa akin si Archer at sa tingin ko mukhang meron siyang gustong sabihin sa akin pero hindi siya nagsasalita.

"Archer? Meron ka bang gusting sabihin sa akin?" Nakatingin parin siya sa akin. Hindi niya ibinale ang tingin niya sa iba. Nakatingin lang siya sa aking Mata. Pero iba ang tingin niya sa mata ko ngayon kumpara noon. Kasi ngayon ay seryoso.

Gusto kong basahin ang utak niya pero hindi ko mabasa.

"Huy! Bakit mo nga ako kinaladkad papalayo kay Michael?!" Sigaw ko sa kanya tapos ngumiti lang siya pero pilit na ngiti ang ginawa niya sa akin tapos tinalikuran lang niya ako at umalis.

Hmm....sa tingin ko...
Nababaliw na sya. Simula noong nag break sila ni Nicole mukhang doon siya nabaliw. Bahala siya sa buhay niya pero nakakainis ehh! Akala ko may sasabihin siya o kaya tinatawag kami pero wala! Ano ba ang nangyayari kay Archer?! Nababaliw na nga talaga siya.

_____________________

"Gather Everyone" Tawag sa amin ng isang coach sa volleyball. Wag mong sabihin na malilinis lang kami -_-

"Upo lang kayo." Nagulat ako dahil sa pag upo ko ay nasa tabi ko pala si Archer pero wala naman siya sa tabi ko kanina ha! Ang weird niya talaga.

"Okay....you are gathered here today to practice your Cheer." Announce niya. Naku...hindi ko alam na kailangan pa pala ng cheer para bukas.

Tahimik lang ulit si Archer na nakikinig at napansin ko na ayaw niyang tumingin sa akin. May Mali ehh. He's acting a little bit strange since earlier.

"Uh--uhm....Uy! Archer." Hindi parin niya ako pinapansin ano nanaman ang trip niya?

"Huy! Archer. Pansinin mo naman ako! Galit ka ba? Dahil sinigawan kita kanina?" Hindi parin niya ako pinapansin. Hindi ako sanay na hindi niya pinapansin o kinakausap. Kailangan ko gumawa ng paraan.

"Ikaw! Ang hulog ng langit! Ikaw ang akin pag ibig! Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig!"

"Zayrine! Stop singing! Did you even listen to what I have said?" Naks. Lagot ako...eto kasi si Archer hindi ako pinapansin.

"Yes Ma'am and I'm sorry." Sabi ko kay Coach. Yan tuloy napahiya ako.

Pero nabuhayan ako nang makita si Archer na ngumiti at tumatawa. At sa wakas tumingin din siya sa akin na pinipilit ihinto ang pag tawa niya.

"Hindi kaya nakakatawa...ginawa ko lamang yun para mapansin mo na ako." Hindi parin siya tumitigil sa pagtawa. Pero at least pinansin na niya ako.

"Handa mo pala gawin ang lahat mapansin lang kita." Sabi niya na nakangiti at wala akong ibang nagawa kundi ngumiti din kasi masaya ako na pinapansin na niya ako.

"Masaya na ako kasi hindi ka na galit." Sabi ko.

"Hindi naman ako galit ahh" sabi niya.

"Bakit mo ako tinalikuran kanina at umalis?" Tanong ko.

"Uh---wla, wla, trip ko lang." Nababaliw na nga talaga siya hayyst.

"Basta bukas ha. Dapat maaga kang dumating dito. Pa unahan tayo dapat wla pang 5 nandito ka na." Sabi niya grabeh naman yan pero gagawin ko na lang kasi baka hindi na naman niya ako papansinin.

"Sge bah! At sigurado akong ma's una akong dadating dito." Sabi ko.

"Tingnan lang natin." Sabi niya.

___________

"You can go home now." Sa Angel.! Uwian na.

"Zayrine sabay na tayo." Sabi ni Ate Angel.

"Sge sge!" Masaya kong sagot.

"Sabay din ako." Sulpot ni Archer.

"Cge bah." Sabi ko.

"Sakay tayo ng pedicab." Sabi ko.

"Wag na." Sabi ni Archer.

"Lakad nalang tayo." Sabi ni Ate angel, wala naman akong magawa kasi dalawa sila.

"Sana manalo tayo." Sabi ni Ate angel habang naglalakad kami.

"Mananalo tayo." Sabi ko.

"Oo nga.... We are the best kaya hindi tayo matatalo." Sabi ni Archer.

"Oo...hindi Mali ka Archer, Champion tayo!" Sigaw ko. Tumawa sila ng mahina at sigaw kami ng...

"Champion tayo!"


Why Me? (Nothing's Impossible) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon