~Chapter 8~ Sick

28 3 17
                                    

4 days later

Zayrine's POV

"Zayrine!!!" Sigaw ng napaka ingay kong best friend na si Jave.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Malapit na ang Ddccs. Hindi kaba kinakabahan?" Tanong neto. Hindi naman ako kinakabahan kahit konti.

"Hindi naman." Sabi ko.

"Ang galing mo na kasi ehh, kaya ka ganyan." Sabi pa neto at mukhang nalungkot.

"Wag kang mag alala, dahil sigurado akong magiging champion kayo, laban lang Jave." Sabi ko sa kanya, naglalaro kasi siya ng volleyball at magaling din naman siya ehh.

"Zayrine!" Tawag sa akin ni Yuri.

"Bakit?"tanong ko,

"Pinapapunta tayo sa Student lounge si Couch kaya tayo nah." Sabi niya tapos tumango nalamang ako.

Pagdating namin sa SL ay nandito na lahat except kay Archer. Nasaan kaya siya?

"Yuri? Nasaan si Archer?" Tanong ko.

"Wala, absent kasi nagkasakit. At walang mag aalaga sa kanya doon sa bahay niya." Sabi niya kaya nalilito na ako ehh nasaan yung parents niya?

"Nasaan yung mga magulang niya?" Tanong ko.

"Nasa USA nagtatrabaho." Sabi neto.

"Huh? Wala ba siyang katulong doon?" Tanong ko.

"I'm pretty sure na yung katulong niya ay umalis kasi Family Emergency daw kaya mag isa lang siya sa bahay niya ngayon." Sabi neto, kawawa naman si Archer, malapit na ang DDCCS baka hindi siya makapunta.

"Miss? Pwede excuse muna ako kasi may gagawin pa ako at hindi na pwedeng mamaya ko to gagawin, wag po kayong mag alala babawi po ako."

"Oo, Cge zayrine." Sabi ni Miss. At tumango ako. Dali dali din akong lumabas sa school at pinuntahan si Archer. Ang problema hindi ko alam kung nasaan ang bahay niya. Basta ang alam ko ay nasa itaas sa Gym ang bahay niya. May nakita akong random Kid sa gilid kaya naisipan kong itanong kung nasaan nakatira si Archer.

"Excuse me?" Sabi ko sa bata.

"Hmm?" Sabi niya.

"Ahm....nagbabasakali lang ako kung alam mo ba kung saan nakatira si Archer, Acher Troy?" Tanong ko.

"Ahh, si kuya Archer?" Tanong ng bata.

"Oo" sabi ko.

"Bakit po ate? Girlfriend kaba niya?" Tanong niya. Maygod ang mga bata ngayon marunong na kung ano ang mag boyfriend at girlfriend.

"Ahh....hi---hindi, kaibigan niya lang ako." Sabi ko.

"Sayang! Ang ganda mo pa naman." Sabi niya.

"Hindi naman" sabi ko.

"Sus, ate kung liligawan ka ni kuya Archer sagutin mo na agad." Sabi niya...grabeh naman.

"Ah--hahaha grabeh ka mag joke" sabi ko.

"Ate, mabait naman si kuya Archer at mapagmahal. Sobrang nasaktan nga siya noong nalaman niyang niloko lang siya ng Girlfriend niya. Kawawa
nga siya kasi sa tuwing pupunta ako sa bahay niya nakikita ko na galing siya sa pag iyak. Tapos ngayon nagkasakit pala siya tapos kawawa siya kasi walang mag aalaga sa kanya." Sabi niya. Marunong palang umiyak ang mga lalaki? Grabeh. Kasi akala ko na babae lang ang umiiyak pag nasasaktan.

"Pwede mo bang ituro sa akin kung nasaan ang bahay niya?" Tanong ko muli.

"Certainly." Sabi niya tapos hinila na niya ako papunta sa bahay ni Archer.

Why Me? (Nothing's Impossible) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon