~Chapter 9~ Meeting his Brother

14 2 0
                                    

Zayrine's POV

"Gus---" bakit parang huminto ang mundo ko at parang sumasakit yung ulo ko.

"Zayrine, gusto kita. Oo, gusto kita noon pa." Napahinto ako sa sinabi niya.

"A--no?" Tanong ko.

"Hindi mo bah ako naintindihan?" Tanong niya.

"Gusto kita!" Sabi niya.

"Archer, pasensya na hindi kasi may iba na akong gusto at s---si Mi---Michael yun. Pasensya na." Sabi ko sa kanya.

"Zayrine? Zayrine? Zayrine?" Paulit ulit na tanong niya hanggang sa.....

Aray sakit ng ulo koooo....

"Zayrine?!!" Sigaw sa akin si Archer.

"Okay ka lang??" Tanong niya sa akin. Teka, panaginip lang bah yun?

"A--ano ang nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"I'm sorry miss, kasalanan ko kasi si Archy sana ang target ko hindi ko kasi alam na may kasama siya kaya sa iyo napunta ang libro na ginamit ko para ibato kay Archy. Sorry talaga." Sabi ng isang napakagwapo at matangkad na lalaki na bigla lang sumulpot....teka magkamukha silang dalawa ni Archer. Siya kaya yung kapatid niya? Teka Archy ang tawag niya kay Archer? Bwahahaha.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ni archer.

"Uhm....okay lang po, alam ko namang hindi mo yun sinasadya." Sabi ko sa kuya niya.

"Hoy! Tinatanong kita kung bakit ka tumawa." Tanong ni Archy este Archer ulit.

"Wa---wala. Hahah" sabi ko.

"Tsk." -Archer.

Hindi ko aakalain na dadating ang kuya ni Archer ngayon tapos ang unang matatanggap ko galing sa kanya ay sakit. Huhuhu. Pero okay lang total hindi naman niya yun sinasadya.

"Andy, akala ko next week ka pa uuwi" sabi ni Archer.

"Namimiss ko na kasi ang Lil bro ko kaya napa aga ako ng uwi." Sabi ng kuya niya.

"Ahh...Zayrine, this is my brother Andrew. Bro this is Zayrine."

Grabeh mukhang close talaga sila para silang mga magkapatid na nakita ko sa isang movie at may nickname pa sila. Archer naging Archy, Andrew naging Andy.

"So, Lil Bro. May tanong ako." Sabi ng kuya niya.

"Ano?" Sabi ni Archer na nakapoker face.

"Gago ka bah?!" Sabi ng kuya niya na ikinabibigla namin.

"Kapag nalaman to ni Nicole na may kasama kang ibang babae sigurado akong malalagot ka sa kanya"sabi ng kanyang kuya.

"Big bro. Hindi mangyayari yun." Sabi ni Archer tapos ngayon naguguluhan ang kuya niya.

"I broke up with her because She cheated on me." Sabi ni Archer.

"Ano?!!" Sigaw ng kuya niya.Andy.ow could she do this to you?? After all your efforts?" Sabi ng kuya niya.

Walang nasagot si Archer natahimik na naman siya. Mukhang nalulungkot na naman siya kasi naalala na naman niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Nicole.

"Okay ka na bah Archy?" Tanong ng kuya.

"Matutulog nalang ako. Excuse me." Sabi niya at pumunta na siya sa kwarto niya na walang sinasabi.

"Ganyan lang talaga si Archy pag BH. Mahal na mahal kasi niya si Nicole kaya ganyan siya. And matanong ko lang bakit magkasama kayo ngayon?" Tanong ng kuya niya.

"Narinig ko kasing nagkasakit siya at hindi dw siya nagpapa ospital kaya napag descisyonan ko na puntahan siya dito kasi alam kong hindi pa siya nakaka get over sa nangyari sa kanila ni Nicole." Sagot ko sa kanya.

"Ahh....well thank you Zayrine. Sana nga makakapag move on na yung batang yun kasi noong na BH siya noong ay halos magpapakamatay na siya pero nawala lang ang lahat ng sakit noong dumating si Nicole. Kaya sa palagay ko ay makakapag move on lang siya pag meron na namang magpapagaling sa puso niya at kung sino mn siya ay sana hindi na niya iiwan at sasaktan ang kapatid ko." Sabi niya. Tama ka Andrew kung sino mn ang makakapagpagaling sa puso ni Archer ay sana hindi na siya sasaktan at lalong hinding hindi na siya iiwan.

"Uhm...Zayrine, pwede ka nang umuwi kasi baka hinahanap ka na ng magulang mo. Ako nang bahala kay Archy." Sabi ng kuya niya.

"Okay lang po. Hindi na ako hahanapin sa amin kasi tinawagan na ni Archer ang mama ko na dito muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Grabeh talaga tong si Archer. Pagpasensyahan mo na siya. Ganyan talaga sya ehh. Masasanay ka rin." Sabi ng kanyang kuya. At tumawa lang ako.

"Teka diba Chess Player ka?" Tanong niya.

"Opo." Sabi ko.

"Hindi bah malapit na ang DDCCS nabanggit ng kaibigan ko na two nights from now nalang ang DDCCS." Sabi niya.

"Ahh, Opo. Kaya nga inaalagaan ko si Archer para hindi siya Absent sa DDCCS." Sabi ko.

"Nakapag practice na kayong dalawa?" Tanong niya.

"Medyo." Sabi ko.

"Naku hindi pwede yan. Halika, laro tayo at tuturuan kita ng mga techniques ko pero secret lang natin ang techniques ko wag mong sasabihin kay Archy ha?" Sabi niya at tumango nalang ako.

"I'll go get the Chessboard. You wait at the Living room." Sabi niya at sinunod ko ang utos niya.

Umupo ako sa sahig nang napansin ko na paparating na ang kuya ni Archer na dala dala ang isang Chessboard.

"Cge....tulungan mo akong ayusin ang mga pieces." Sabi niya at tinulungan ko siya.

"Anong gusto mo? Black or White?" Tanong niya.

"White." Sabi ko at inikot niya ang chessboard.

Buti nalang ay hindi tutol ang kuya ni Archer na White ang gusto ko kasi si Archer kahit tinatanong niya ako hindi naman mapupunta sa akin ang White kasi mahilig din siya sa White kasi pag white ang ginamit mo ay ibig sabihin you'll make the first move.

"Okay. Let's start." Sabi niya.

At nagsimula kaming maglaro....

Limang laro na ang natapos namin pero kahit isa hindi ako nanalo. Feeling ko chess player ang buong pamilya nila kasi ang gagaling nilang maglaro at saan naman to nila makukuha? Edi syempre galing talaga to sa mga ancestors nila.

Sa ika anim namin na laro ay tinuruan na ako ng kuya niya ng mga techniques. Hindi din ako makapaniwala na ang Moto ng pamilya nila ay "Make the right move." Katulad ko. Naglaro kami ulit at eto na ang pang huli naming laro sa gabing eto at kanina pa ako kinakabahan ng sobra. Sabi din ng kuya ni Archer "Find a way." I'm looking a way to beat him but I still can't see a way. Nang inilipat niya ang kanyang queen malapit sa king ko buti nalang ay hindi check pero sa nakikita ko ay two moves nalang ay talo na naman ako. I need to find a way but I think there's no other way that's why I've decided to move my king away. When I was about to hold my king I saw a way and I moved my Knight and then it was his turn but he can't move his queen because if he does its gonna be eaten and then....

"Checkmate." Sabi ko at sobrang saya ko!

"Good...you are now ready, you've learned so much. And you found your way. I hope you will always find your way and Remember Always MAKE THE RIGHT MOVE." sabi niya.

"Opo....at maraming salamat." Sabi ko.

"Don't forget....galingan mo! Kasi papanoorin ko ang laro niyo ni Archy." Sabi niya.

"Opo....and I won't let you down."


Guys!!!huhuhu sorry late na late ako nakapag update sobrang busy kasi. Please keep reading it and thank you!

Why Me? (Nothing's Impossible) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon