~Chapter 11~ Do I?

17 3 0
                                    

Archer's POV

Hayysstt.....Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, something is bothering me, hindi ko alam kung ano at nararamdaman ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko ngunit hindi ko ma explain kung bakit. Kaba bato para bukas? Tapos parang hindi ako makahinga ng maayos, naku baka may sakit ako. I-dededma ko nalang tong nararamdaman ko.

Ano ba ang gagawin ko? Siguro manonood nalang ako ng movies.

Hmm...ano ba ang papanoorin ko? Let's see....uhmm Spider man, Captain America, Captain Underpants? Hahaha.

Love story nalang kaya...

Nahhh, masyadong OA at napanood ko na lahat nakakasawa na.

Buti nalang nawala na yung kakaibang naramdaman ko kanina. Haysstt..... Mag Fa-facebook nalang ako baka may mga importante pa kong matutunan at makukuha kaka-scroll.

Mali talaga na nagfacebook ako ngayon dahil... Dahil nakita ko ang ex-girlfriend kong si Nicole kasama ang kaniyang bagong boyfriend. Pero, parang may kakaiba. Hindi na ako nasaktan sa nakikita ko ngayon, weird. Yaks may picture pa silang nag kiss F*cking sh*t!

Agad kong pinindot ang screen pababa para hindi ko na makita ang mukha ng aking f*cking ex-girlfriend. Tapos bigla kong nakita ang picture ni Zayrine kasama ang pamilya niya. Jesus!! Bumalik naman ang naramdaman ko kanina, lumakas naman ang pagtibok ng puso ko at nahihirapan akong makahinga. Ang saya-saya nila tingnan. Hindi ko na lang namalayan na pinindot ko na pala ang profile niya at tiningnan ang mga post niya.

Wow! 400 likes? Ang famous ng babaeng ito! Hindi naman maganda. Joke! Hahaha. Ano ba tong sinasabi ko? Si Kuya kasi e! Palagi akong tinutukso kay Zayrine. Nababaliw na ata siya.

Hayysstt.....ano batong nararamdaman ko? Kailangan ko si Kuya

"Knock knock?" Hay sakto ang dating mo.

"Pasok kuya." Kung kailan ko siya kailangan agad din siyang dadating

"Bakit hindi ka pa natutulog bro? Malapit na mag 12 A.M. diba may laro ka pa bukas?" Tanong niya.

"Hindi ako makatulog ehh." Napakamot siya sa ulo niya.

"Why? Is something bothering you bro?" Oo kuya.

"Yes there is."

"Okay so let's talk about it." Sabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit pero, may kakaiba akong nararamdaman ngayon na parang nahihirapan akong makahinga tapos ang bilis pa ng tibok ng puso ko." Napangiti sya sa sinabi ko. Ano kaya ang na realize niya?

"Lil bro. Three words" Tinaas pa ang tatlong daliri niya.

"Ano?"

"YOU'RE. IN. LOVE." Ano ba tong sinasabi niya? Ako? Inlove?

"Ano ba yang sinasabi mo kuya? Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa."

"Well lil bro. Wag kang magsalita ng patapos, kasi sa nakikita ko parang may kakaiba nga sa iyo. Kanina nga noong nakita mo ang pictures ni Nicole parang wala lang sa iyo. At eto ang weird noong nakita mo ang pictures ni Zayrine napatigil ka at napatutok ka lang sa picture niya at bigla mo nalang hinawakan dibdib mo. Bro sana wag mo i-deny ang feelings mo para sa kanya kasi sasabog ang puso mo niyan" Natahimik nalng ako sa sinabi niya, Paano na kung totoo ang sinabi ni kuya na nahulog na ako sa isang babae? At kay Zayrine pa! Pero tama si kuya dapat hindi ko to......teka! Hindi pa nga ako sigurado kung may gusto ba talaga ako kay zayrine ehh!

"Bro! Hindi ko pa nga alam kung may gusto ako kay zayrine ehh! Baka kaba lang toh para bukas." Sabi ko.

"Di naman kita pinipilit kay zayrine, tinutulungan lang naman kita para mailabas mo ang tunay mong nararamdaman! Hindi naman masama si Zayrine e. Ang bait nga niya. Kung ayaw mo sa kaniya, edi akin na lang siya!"

Naiinis ako sa sinabi ni Kuya. Lalo na sa huli niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Nababaliw na ata ako! "Edi sayo na! Ano namang pake ko?"

"Oh Sige. Sabi mo ahh, Tingnan lang natin kung hindi ka maiinggit pag sinagot ako ka agad bukas ni Zayrine. Sana hindi ka magsisi."

Nakakainis talaga tong lalakeng to! Pasalamat siya, Kuya ko siya! "Wag naman!"

"O? Bakit parang nag-iba ang isip mo? Aminin mo, may gusto ka sa kaniya no?" Nabigla nga ako sa sinabi ko. Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil pati ako ay hindi alam ang sagot sa tanong niya.

Do I really like Zayrine now? Did I really fall for her already?

Inalala ko nalang ang mga panahong noong nagsama kami, puro masasayang alala ang binigay niya sa akin except sa hindi niya ako pinansin noong una kaming nagkita. Hahah

"Tomorrow, be ready. You must make a move to get her. Kasi nabalitaan ko na may iba siyang gusto na nagngangalang..."

"Michael. Alam ko. Kakasabi niya lang kanina sa school." Parang may karayom na sumaksak sa dibdib ko nang sinabi ko yun.

"Umamin ka, nasaktan ka no?"

"Oo na! Aaminin ko, may gusto ako sa kaniya! Masaya ka nah?!" Ayun nasabi ko narin. I do like her already.

Ngumiti nalang si kuya sa inamin ko.

"Hindi ko alam kung bakit. Kasi sa tuwing kasama ko siya, masaya ako. Sa tuwing nag-uusap kami, hindi ako nabobored. Di tulad ni Nicole. Kapag nag-uusap kami, puro sarili at kagandahan niya lang ang kwinekwento niya."

"Good. Inamin mo rin. Kaya nga gawin mo ang lahat para makuha mo siya. Pero wag mo naman siyang pilitin kung ayaw niya. Just do the hokage moves that I taught you. And be cool."

"Pero ang kinakatakutan ko kuya baka hindu ako pipiliin niya."

"Bakit? Sinabi ba ni Michael na gusto niya si Zayrine?" Sana nga hindi. Kasi baka hindi ko kakayanin kung mawawala si Zayrine sa akin.

"Hindi ko alam bro."

"Lil bro, may pag asa ka pa okay? Hindi ka naman mahirap mahalin ehh. Narinig ko nga na maraming nagkakagusto sa iyo." Alam ko at sana isa doon si Zayrine.

"Bro, gwapo ko kasi kaya ganoon hehe."

"Nagmana ka lang sa akin! Kaya ma's gwapo parin ako."

"Tssk"

"Siya nga pala bro. Maraming salamat kasi tinulungan mo akong ma realize ang mga naramdaman ko ngayon."

"Happy to help lil bro. Just don't give up on her okay?"

"I won't." Sagot ko.

Zayrine, talo ako sa pusta.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Me? (Nothing's Impossible) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon