WL 1

10.1K 335 43
                                    

1

Pila-pila ang mga lalaking manginginom sa harap ng isang maliit na mesita sa may labas ng gate ng simbahan dahil may gumigiling na tao, gumigiling at humahataw sa pagsayaw kahit walang radyo.

“Sasakyan kita, sa lahat ng gusto mo…” umaktong nangangabayo si Macy kaya halos malaglag ang mga mata ng mga lalaki s harapan niya.

“Sasakyan kita…basta sasakyan…mo rin ako. Kung gusto mo ng kiss, kiskis mo sa kaldero,” umindak siya na parang miyembro ng Viva Hot Babes noong panahon.

Naghalakhakan ang mga lalaki sa kanya.

“Kung gusto mo ng hug, jujumbagan kita…” napatigil siya sa pagsayaw at nameywang. “Ano na?! Pagod na ako kaya magsibili na kayo ng balot!” inis na angil na niya kaya naman naglabasan na ng mga tigbe-bente ang halos nasa trentang lalaki na nakapila sa harap niya.

Macy grins devilishly. Isa siyang babae na pinalaki sa loob ng simbahan pero ang kalokohan niya ay hindi matatawaran. Halos makatrentang ulit na napapaantanda ng krus ang mga madre kapag nakikita siyang nakadamit na labas halos ang singit at naka-display ang may kayamanang dibdib.

“Akin na ang bayad at bibigyan ko kayo ng itlog para maging tatlo na ang itlog niyo.” Humagikhik pa siya pero agad na natutop ang bibig nang sa pagpihit niya ay ama na niya ang nakatayo sa kanyang tabi.

“Father! Magandang gabi po.” Bati ng mga lalaki kay Jesu pero masama ang tingin nito sa mga iyon.

“Ilang taon na ba kayo at ilang taon na ang batang ito? Aba, kayo ang nakakatanda, at bakit parang tuwang-tuwa naman kayo na binabastos ng isang inosenteng desi nueve anyos?” litanya na kaaagad nito sa mga lalaki tapos ay tumingin sa kanya.

“Pumasok ka na, Crisanta at huwag na huwag kang lalabas na hindi nakasaya. Akin na at ako ang mamimigay ng itlog sa kanila.” Sermon din nito sa kanya kaya nanulis ang kanyang nguso.

Dadalawa naman ang itlog nito, paano naman na ipamimigay pa ay di wala ng natira pa?

“Eh Pa—”

Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Pasok na kung ayaw mong sa kauna-unahang pagkakataon ay matulog ka na mag-isa sa kwarto.”

Napapapiksi siyang tumalikod. Abang sungit naman talaga ng kanyang Papa father.

“Ang nguso.” Paalala niyon sa kanya kaya naitago niya ang mga labi. “Puro ka kalokohan.”

Hmp! Nagmartsa siya papasok sa bakuran ng simbahan at dumiretso sa kanilang tinutuluyan. Tumuloy siya sa kwarto at binilang ang benta niya sa balot. Bukas ay Sabado kaya sa palengke na naman siya raratsada para makaipon siya ng pangmatrikula. Finals na nila at dapat ay makalikom na siya ng nasa apat na libo pa. Pagkatapos niyon ay on the job training na at lilipad na siya sa kalawakan - este sa himpapawid.

Nahihiya na kasi siyang humingi nang humingi sa kanyang ama-amahan dahil wala na nga halos makuha sa sponsors nila dahil dumami na ang mga batang nagsisipag-aral. Kahit naman puno ng kalokohan ang katawan niya at kabulastugan ang laman ng bibig, matino naman ang isip niya at hindi siya madamot. Kaya na naman niyang kumita ng pera kaya siya na ang maghahanap-buhay para iyong ibibigay sa kanya ng simbahan ay sa ibang bata na lang. At nakakatulong naman ang pagiging maloko niya dahil napakarami niyang kaibigan at halos lahat yata ng tao sa buong Forbes ay kilala siya kaya lahat ng raket na pasukin niya ay hindi siya nasi-zero sa costumer.

Kinuha ni Macy ang kanyang alkansya sa kanyang damitan at itinaktak ang lahat ng laman niyon sa kama. May limampiso, sampu, bente at isang daan. Binilang niya iyon kasama ang tubo niya sa balot at umabot na sa 1,500. Kulang pa siya ng nasa 2,500 para maka-full payment na siya sa tuition.

Withholding Love ✔️(inc) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon