7
🎶“When there’s no getting over that rainbow,
When my smallest of dreams won't come true,
I can take all the madness,
The world has to give,
But I won’t last a day,
Without you…”🎶
Macy takes a very innocent smile after singing the final verse of her favorite song.
Palakpakan ang nakuha niyang kabayaran bukod sa mga perang nalikom niya na nakalagay sa kanyang sumbrero. Iuuwi niya iyon at dagdag sa kanyang ipon.
Iyon ang raket niya tuwing Linggo ng gabi, ang tumugtog sa Baywalk at hindi indahin ang mahigit na isang oras na pagbibisekleta para lang matustusan ang lahat ng pangangailangan niya. Isa pa, bakit niya iyon iindahin ay masaya siya? Kasama naman niya palagi si Rosalinda at totoong tumatayo na manager niya.
“Bravo!” sigaw ng isang pamilyar na boses kaya napalinga siya sa paligid.
Nakita niya ang isang lalaking nakamotorsiklo at nang itaas niyon ang helmet saka kumindat sa kanya ay napatili siya at nagtatalon.
Eco chuckles and nods at them. Sabay silang tumakbo ni Rosalinda at yumakap sa binatang walang kasing bait.
Tig-isang halik sa tuktok ng ulo ang nakuha nilang dalawa. “Amoy asukal ang isa. Ang isa ay amoy, suka.” Biro nito kaya napahagikhik siya habang si Rosalinda naman ay sumimangot at padabog na umalis.
Pikon na naman ang kaibigan niya.
“Kuya Eco. Hindi kita nakita kanina sa simbahan.” Aniya nang tingalain ang poging binata.
“Oh, nakita kita. Ang ganda mo sa bestida.” Pinisil-pisil nito ang ilong niya at nakangiting tumingin sa pinagpwestuhan niya kanina.
Nang ibalik nito ang mga mata sa kanya ay parang may awa siyang nakita roon. “Nag-bike ka lang, Santita?” ginulo ni Eco ang buhok niya habang tumatango siya.
“Sakay na kayo ni Rosalinda para hindi na mapagod. Sayang ang legs mong maganda kapag tinubuan ng mga mala-pandesal na muscles.” Alok nito sa kanya kaya tumango na siya.
Bihira niya itong makita pero sa tuwing nakikita niya ay lahat na yata ng kagandahang loob ay naiaalok nito sa kanya. Nakikita niya sa mga mata nito ang purong awa para sa kanya kahit na pakiramdam niya ay wala namang dapat na ikaawa. Wala siyang sakit. Wala siyang problema. Nabubuhay siya na masaya ay kumpleto, kuntento sa iisang lalaki na nagmamahal sa kanya at iyon ay ang kanyang Papa.
Para sa kanya ay mas nakakaawa ang taong nang-iwan sa kanya dahil malamang na araw-araw iyong inuusig ng kunsensya dahil sa pag-iwan sa walang kamuwang-muwang na sanggol, na matapos na gawin ay nilayasan na parang hindi karugtong ng puso.
Ngumiti siya pero yumuko. Ayaw niya sa mga katulad ng tingin ni Eco na puno ng awa, humihina siya at naluluha.
“Kuya Eco, no looking at me like that you look at me.” Aniya pero humalakhak ito at mas lalong ginulo ang buhok niya.
“Galing mo talagang mag-english. Grab your things and we’ll go. Ipakukuha ko na lang ang mga wheels niyo ni Rosalinda. Let’s grab the security and leave your wheels there. Will that be fine with you, Santita kulit?”
“Oh sure, am fine. Thank you.” Buong giliw na sagot niya saka siya tumakbo pabalik sa seawall at kinuha ang kanyang gitara.
Sumulyap siya sa kanyang cellphone at tumatawag na ang kanyang ama-amahan.
BINABASA MO ANG
Withholding Love ✔️(inc)
Roman d'amourMacy is a happy go lucky 19 year-old young lady. Laki siya sa simbahan at ang ama niya ay mga pari na kung tawagin niya ay PAFA o Papa Father. Iniwan man siya ng kanyang ina sa harap ng simbahan ay hindi niya nagawang talikuran ang Diyos, kabaligtar...