I N T R O D U C T I O N

12.7K 300 28
                                    

WITHHOLDING LOVE
"you can't force to change a person according how you want to mold him. He'll change if he wants to and he'll change if his heart tells him to."


Si Maria Crisanta ay isang babaeng rakitera sa edad na desi nueve. Kapos palad kaya kung ano-ano na lang ang pinapasok na trabaho, nagtitinda ng balot, nagtitinda ng gulay, umiekstra sa salon, laman ng peryahan at kung ano-ano pa. Pero ang pinakagusto niya sa lahat kahit na walang bayad ay ang pagkanta sa simbahan bilang miyembro ng isang choir. Lumaki siya sa lansangan at ang kanyang nagsilbing mga magulang ay ang mga pari na nag-alaga sa kanya simula nang iwanan siya ng kanyang ina sa harap ng simbahan. Sa misa ay pormal siya pero sa oras na nakalabas siya sa kumbento ay puro kalokohan ang lumalabas sa bibig niya kaya yata kahit na nakapag-tapos naman siya ng high school ay bali-baliko ang English niya. Kung ang iba ay English Carabao, ang sa kanya naman ay Chicken English, parang kinahig ng manok ang dila niya kapag namumulak ng salitang banyaga, balikatad na, magulo pa.

Babagay kaya siya sa isang businessman na bakasyonista galing sa America? Isang Hermès Hendrickson de la Cueva na bukod sa ubod ng isnabero ay mamahalin pa ang ngiti. Kung bakit sa dami ng tao sa mundo ay mga landas pa nila ang palagi na lang pinagku-krus ng tadhana lalo na nang mapanalunan niya ang isang libreng cruise sa luxury cruise line na pagmamay-ari ng mga Villaraigosa. Pero bakit kaya masungit ang lalaki at parang may galit sa mundo? Hindi umimik at ni minsan ay hindi niya nakita na pumunta sa mass sa loob ng barko at mas ginugusto pang magbabad sa loob ng Casino?

Malalaman niya!

Walang nakakaligtas kanya dahil siya ay si Agent Macy Tabooyug(kuno). Ang dakilang chismosa, maganda na at chubby pa! Este, voluptuous pala na ubod ng tangkad sa height na...5'3!

Withholding Love ✔️(inc) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon