4

1.9K 141 69
                                    

Justine POV.

Shit,tang-ina talagang babae yon,muntik ng maging binating itlog yong sa akin.

Hindi pa man din ako natapos mag-enjoy sa pagnakaw ko ng halik sa kanya ay agad na nya akong tinuhod. Kaya ngayon ito ako nakaratay sa hospital na pag-aari ng pinsan kong si Jake.

Oa,i know. Pero masisisi ba ako kung gusto kong maka-siguradong magkakaroon pa ako ng anak sa hinaharap?

Playboy ako,oo pero gusto ko pa ring magka-pamilya. Nag-eenjoy lang naman ako sa buhay binata ko.

"Insan may badnews at good news ako sayo"sabi ng pinsan kong naka-ngisi sa akin ngayon.

"Ano yong good news Insan?"mabuti ng mauna ang magandang balita.

"Okey naman na yan"sabay  nguso sa itlog ko,

Hayy,,salamat naman.

"Eh,ano naman yong bad news?"

"Isang taon kang hindi pwedeng,you know?"naka-ngising sabi nya sa akin.

What? Para na rin akong namatay noon,hindi nga ako makontinto na isang beses sa isang gabi lang,tapos sasabihin nyang isang taon akong walang ligaya?

"Tang-inang yan pinsan,seryuso ka ba? Mas masakit pa yang balita mo sa akin kesa sa araw-araw na pananampal ng mga  babae sa akin"

Malakas na tawa lang narinig ko mula sa kanya.

"Relax Insan binibiro lang kita"natatawa pang sabi nya.

Para naman akong nabunutan ng isang daang tinik ng marinig iyon.

"Fuck you ka bro"may bahid na inis na sabi ko.

"Okey,relax ka lang kasi. Pero seryuso yon huwag ka nalang muna gumawa ng kabalbalan"

"Ilang oras?"seryusong tanong ko.

"Tang-ina ka talaga Justine. Oras lang talaga? one week. One week lang para lang mapahinga yan''

Dismayado akong tumango.

"So paano maiwan na kita"paalam nya sa  akin.

Ngunit bago sya tuluyang makalabas ng pintuan ay nagtanong akong muli sa kanya.

"Insan kahit ba BJ,hindi pwede?"

Sinamaan lang nya ako ng tingin.

//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Kristine POV.

Katakot-takot na sermon ang inabot ko sa amo ko ng araw din na iyon. Pero nangatwiran ako.

Bakit hindi? Mali naman talaga ang ginawa nya sa akin.

Kaya nga naiinis ako sa lagi nilang sinasabi na custumer is always right. Asaan ang tama nyang ginawa doon?

Oo mali ako nang buhusan ko sya nang malamig na tubig,nakakapikon na kasi sya.

Mukha naman syang mayaman. Siguro naman may tubig silang malamig sa bahay nila.

Gigil nya talaga ako,pero sa ngayon sya nalang ang pag-asa ko para di tuluyang matanggal sa trabaho ko.

Yon kasi ang sinabi ng amo ko sa akin,hindi ako makakabalik sa trabaho ko hanggang hindi nya ako napapatawad.

Kasalukuyan akong naririto sa tapat ng company nila. Inabot pa ako ng higit kalahating araw para lang mahanap ito.

PADILLA CORP.

Ayon sa amo ko pamilya nila ang nag mamay-ari ng kompanyang ito. Kaya hindi na ako nagtataka na masyado syang babaero dahil may K naman pala.

"Good evening po"bati ko nang makalapit ako sa guardya.

"Good evening din po Ma'am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo"magalang na sabi ni manong guard.

Buti pa ito mabait di katulad ng amo nya.

"Itatanong ko lang po kung nariyan si Mr. Justine Padilla?"yung amo mong bastos at masarap tadtarin at padaanan ng pison.

Dagdag pa ng utak ko.

Napailing si manong guard na ipinagtaka ko.

''Bakit po? May problema po ba manong?"nagtatakang tanong ko.

Umiling sya.

"Wala naman po Ma'am,pero payo lang po. Habang maaga pa po at wala pang something sa inyong dalawa ng amo ko,mabuti pa pong maghanap nalang kayo ng iba. Masyado po kayong maganda at mukhang inosenti para masali sa listahan ng amo kong babaero"sagot nyang nagpalaglag ng panga ko.

What the fuck lang di ba?

"Don't worry manong wala akong planong dumagdag sa listahan ng mga nagpakatanga sa kanya. Kailangan ko lang sya para hindi ako matanggal sa trabaho. At isa pa po hindi ako magkakagusto sa bastos at mayabang na kuripot na iyon"

Napansin kong nanlaki ang mata ni manong guard at napayuko. Samantalang nakarinig naman ako ng hagalpakan sa likod ko.

Unti-unti akong lumingon. At ito na nga sya,ang lalaking babaero. Babaerong tanging sagot para hindi ako matanggal sa trabaho ko.

Masamang tingin lamang ang binigay nya sa akin at walang lingong likod iniwan nya ako. Syempre kailangan ko syang sundan,kailangan ko ng pumasok bukas.sayang ang araw.

"Pwede ba kitang maka-usap"sabi ko ng maabutan ko sa sya.

Huminto sya at lumingon sa akin.

"Anong sasabihin mo sa babaerong bastos na mayabang na kuripot,maliban sa pakiki-usapan mo akong patawarin ka?"

"Ok fine. Sorry sa ginawa ko sayo"na kung di naman dahil sayo hindi mangyayari yon.

Dagdag pa ng isip ko,pero  nunkang sabihin ko yon di lalo akong di pinatawad nito at tuluyan akong matanggal sa trabaho.,

"Yon lang?"nakataas na kilay nyang tanong.

Ano pa nga ba? Wala naman na di ba?

"Oo,meron pa ba?"takang tanong ko.

"Wala"

Sabi nya bago binuksan ang pinto ng kotse.

"Sakay"

"Huh?"

"Sabi ko sakay"

"Bakit?"

"Gusto mong patawarin kita di ba? Di sundin mo ako,sakay at pag-uusapan natin ang mga kondisyon ko para patawarin kita"sabi nya sa akin.

Nakaka-inis ano nanaman kayang pinaplano nya at ginagawa nya sa akin ito?

Wala naman akong magawa kung hindi sumakay,mamaya nyan hindi nya ako patawarin.

"San pa ba tayo mag-uusap?"hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Doon sa tayong dadalawa lang"

"Anong pinaplano mo?"aaminin ko natatakot ako pero hindi ako nagpahalata.

"Relax babe,babaero lang ako pero hindi ako rapist"seryusong sabi nya sa akin.

"Please,sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo"paninimula ko. Hindi pa kami nakakarating sa pupuntahan namin pero sinimulan ko na habang may lakas pa ako ng loob.

Hindi sya umimik,kaya nagpaatuloy ako.

"Kailangan ko itong trabahong ito para mabuhay. Mabuhay kami ng anak ko"

Bigla syang nagpreno ng matapos kong sabihin yon,dahilan para masubsob ako sa harapan.

''May a--a-anak ka?"nauutal nyang tanong sa akin.

"Oo,meron na"sabay iwas ko ng tingin,hindi ko kasi matagalan ang mga mata nyang may lungkot at pagkabigla.

Makalipas ang ilan sandali ay muli na nyang pinatakbo ang sasakyan.....

























PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon