13

1.8K 136 100
                                    

Kristine Pov.

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas.

Si Chris.

Dali-dali akong bumangon para puntahan ang anak ko. First time kong hindi sya nakatabi sa pagtulog,kumusta kaya sya?

Naabutan kong naka-higa sa lapag si Justine habang nakasakay naman sa tyan nya ang anak ko.

Hagikgik ng anak ko ang naririnig sa umagang iyon.

"Bagay silang mag-ama di ba?"pukaw ni Nanay sa akin.

Biglang nabaling ang tingin ko sa kanya pero agad ding nalipat kay Justine at sa anak ko.

''Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?"muli ay tanong nya sa akin.

"Ang totoo po hindi ko na alam. Pero ano man itong nararamdaman kong ito ay kailangan ko ng pigilan dahil masasaktan lang sya"kailangan kahit mahirap.

"Sa tingin mo hindi sya masasaktan pag nalaman nya ang totoo?"muli ay usig nya sa akin.

Hindi ako naka-imik dahil doon.

"Bakit hindi mo sya bigyan ng chance?"

"Mahirap Nay,mahirap dahil sa sitwastong meron kami"hindi nya pa alam ang totoo.

"Ganon naman talaga ang buhay Kristine pero kailaangan mong lumaban. Pag ngayon palang sumuko ka na baka pagsisihan mo sa huli. Kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat"sabi ni Nanay sa akin bago sya tumuloy sa kusina.,

Inobserbahan ko muna ang dalawang naglalaro sa lapag.

Ano bang pwedeng gawin ko?

Magagalit ka kaya pag nalaman mo ang totoo?

Mapatawad mo kaya ako sa kasinungalingan ko?

Doon pa nag-almusal si Justine sa bahay. Sinabi nya rin na huwag na muna akong pumasok sa trabaho saka nalang daw pag nakapag-pahinga ako ng mabuti.

Dahil wala naman akong magawa sa bahay ay naisipan ko munang mag-grocery. Wala na kasing gatas ang anak ko o kahit na ano mang gamit nya. Wala na rin gaanong gamit sa bahay at magbabayad narin ako ng bills namin.

Sa aking paglalakad ay may nabangga akong tao.

Taong hindi ko akalain na makikita ko ulit. Ang taong kaytagal ko na ring hinahanap.

''Kristine?''









''Christian''

















A/N
Hanggang jn nalang muna tayo mga bakla....

PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon