7

1.7K 141 33
                                    

Kristine POV.

"Mahal mo pa ba ang ama ng anak mo?'

Shit,

Ayan nanaman. Naalala ko nanaman ang huling tanong sa akin ni Justine nang gabing iyon.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya nasasagot.

"Hoy. Bakla ka ng taon,kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig"naka-simangot na sabi sa akin ni Charie,kasamahan ko ring waitress dito sa resto.

"Pasensya ka na,may iniisip lang ako"

"Sino? Yong tatay nanaman ba ng anak mo?"

Huminiga ako ng malalim bago sumagot.

"Hindi lang sya"

"Meron pa bang iba? Oo nga pala ano ng balita sa paghahanap mo sa kanya?"

"Wala pa rin"

"Kristine tawag ka ng boss,asap daw"biglang singit ni Mark.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang sya.

"Hindi ko rin alam. Mas mabuti pa puntahan mo na sya"

Tumalima na rin ako agad matapos nyang sabihin yon.

Sana lang hindi ako mapikon sa bwesit kong boss.

"Sir,pinapatawag nyo raw ako?"agad na tanong ko pag dating ko sa opisina nya.

Hindi na ako kumatok,bukas naman eh.

Halatang hinihintay nya ako.

"Paki-sara ang pintuan Tine"sabi nya na nagpataas ng kilay ko.

"At bakit ko naman isasara? At pangalawa,kailan tayo naging close para tawagin mo akong Tine?"imbyernang to.

Fc lang?

Ngumiti sya sa akin ng ubod ng tamis.

"Baka maisipan mong gahasain ako dahil sa sobrang gwapo ko. Mabuti ng sarado yang pinto para walang makaka-istorbo"namimilyong sabi nya.

Powta.

Kundi ko lang iniisip na walang makakasama ang anak ko baka napatay ko na tong hinayupak na to.

"Asa ka,sir"

"Malay mo lang naman"

PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon