6

1.6K 141 31
                                    

Kristine POV.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Justine kaya nya nagawa yon pero masasabi kong naka-hinga ako ng maluwag dahil matapos nyang sabihin yon ay tinigilan na ako ng bastos na si Rj.

"Bakit mo naman ginawa yon?"maya-maya'y basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

Nasa kotse na kami dahil ihahatid daw nya ako sa bahay kahit pa oras pa ngtrabaho namin. Well magagawa naman talaga nya yon dahil sya na ang bagong may-ari ng resto na iyon.

"Ang alin?"sumulyap syang sandali sa akin bago nya binalik ang atensyon nya sa daan.

"Ang magpanggap na asawa ko at ang pagbili ng resto kung saan akonag tatrabaho"

"Sa huling tanong mo kung bakit ko binili ko ang resto kung saan ka nagtatrabaho ay dahil yon sa dating may-ari. Kinailangan nya na itong ibinta dahil lilipat na sila sa ibang bansa. At sa isa pang tanong mo naman ay hindi ko rin alam ang sagot basta ko nalang nasabi yon dahil tingin ko ay naiipit ka na sa sitwasyon. Pero alam ko rin na wala kang asawa dahil nakwento na rin sa akin ng kapit-bahay nyo"

Walang hiya talaga ang mga taong nakatira malapit sa amin,ang dadal-dal.

Hindi ako naka-imik o mas tamang sabihin nawalan ako ng sasabihin. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya.

"Maari bang malaman kung nasaan ang tatay ng anak mo?"tanong nya.

Sa di ko malamang dahilan,natagpuan ko ang sarili kong nagke-kwento sa kanya.

"Isa syang babaero walang ginawa kundi magbilang ng babae. Pero dahil sa lintik na pagmamahal ay tiniis ang lahat ng sakit,hanggang sa nabuo si Chris. Nang malaman nya yon ay bigla nalang syang naglaho na parang bula. Wala kasi syang bayag"may halong galit ang nadama ko habang binabalikan ko ang mga panahong iyon.

"Kaya mula noon ay isinumpa ko na ang mga lalaki lalo na ang mga babaero"pagpapatuloy ko pa.

Napansin kong nawalan ng imik ang katabi ko. Pero hinayaan ko nalang.

Malamang sa malamang ay tinamaan sya.

Akala ko ay hindi na sya muling magsasalita pa,ngunit malipas din ang ilang minuto nakapag-salita din ito.

//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Justine Pov.

Hindi agad ako naka-pagsalita dahil sa sinabi nya. Medyo natamaan kasi ako.

"Nasaan na sya ngayon?"maya-maya ay hindi ko natiis na tanong.

"Malay ko"

"Wala ka bang balak hanapin sya?"shit,hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon.

Tumingin sya sa akin na parang nanantya.

Akala ko hindi sya sasagot pero,

"Ang totoo hina-hanap ko na sya. Gusto ko kasing mabuo ang pamilya ng anak ko"sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Shit,ano to?

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako,ayaw ko ang pakiramdam na ito.












A/N

Maliit po muna.
Busy kc c aq,my skit parin baby ko.

PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon