Her
Tumingin ako sakanya.
"B-bakit?" Tanong ko
"Wala.Mukha kasing may lahi eh" Balewalang sabi nya
Napatingin naman ako sa katabi ko na tuwang tuwa na pinaglalaruan ang mga walang laman na bote.
Oo nga no.Bakit ngayon ko lang napansin na parang may lahi sya?
Nag kibit balikat nalang ako at uminom.
Maya maya pa ay napasandal ako sa katabing pader ko dahil sa hilo.
"Kaya pa? Hahaha mahina ka talaga" Rinig kong tanong ni weine
"B-bwisit *hik* ka *hik* Mamatay k-ka na" Sabi ko habang nakapikit
"Mag chichixx muna ako.Ako na maghahatid sainyo mamaya" Sabi pa nya habang tumatawa
Tumango nalang ako at nirelax ang katawan ko para hindi magsuka.
"Mom---"
"Hey man! Wanna dance?"
Parang automatic na nawala ang pagkalasing ko at dinilat ang mata ko.
May babaeng nakatayo sa harap ni Sisi.Isa ito sa mga dancer kanina.Nakita kong namula ang tenga ng katabi ko kaya lalong nangunot ang kilay ko.
"No!" Singhal ko sakanya
Parehas naman silang nagulat.
"Get loss!" Sigaw ko ulit
"At bakit? Ikaw ba ang niyayaya ko?" Sarcastic na tanong nya
Tumayo ako at bahagyang yumuko dahil hanggang dibdib ko lang sya.
"Bakit?" Mapanghamong tanong ko sabay taas ng kilay
"A-ahh w-w-wala" Utal nyang sagot at mabilis pa sa kidlat na umalis
"Tss"
Tumingin ako kay Sisi at nakitang sinusundan nya parin ito ng tingin.
"ONE!" Sigaw ko na ikinagulat at ikinatingin nito
"M-mommy?" Naiiyak na tanong nya
"Umuwi na tayo" Sabi ko at hinila na sya
Pumunta kami sa counter at nakitang nakikipag usap si Weine sa isang babae.
"My number---"
"Tara na,ihatid mo na kami" Putol ko sa sasabihin nya saka hinila ang likod ng polo nya at kinaladkad palabas
"Naman shin! Chixx nayun eh!" Reklamo nya
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
Nang makuha nya na ang kotse nya ay una ko ng pinapasok si Sisi na konti nalang ay iiyak na.
"May world war 3 ata dito?" Natatawang tanong nya
"Shut up" Inis na sabi ko
Nang makarating sa condo ay bumaba na ako.Ganoon din naman si Sisi.
"Pabunggo ka" Sabi ko kay Weine sabay katok sa bintana at lakad na papasok
Nakabuntot naman yung isa.
Napabuntong hininga ako at muling naramdaman ang hilo.
"A-ayos ka lang m-mommy?"
Tumango lang ako at humawak sa siko nya.
Humiga ako agad pagkadating sa condo.
Maya maya pa ay tinamaan na ako ng antok at pagod.
Pero may naramdaman ako.
Naramdaman kong hinubad nya ang sapatos,medyas at jacket ko.
At naramdaman ko nalang na may telang bumalot sa katawan ko.Napangiti ako at tuluyan ng binalot ng antok.
"Goodnight mommy"
BINABASA MO ANG
My Mommy
HumorPaano kung isang araw may tumawag na lang na "mommy" sa 'yo? Matitiis mo ba ang nagngangalang Sisi?