Her
Mabilis kong tinignan si Sisi at nakahinga naman ako ng maluwag dahil okay naman ito.
"A-ayos ka lang ba mommy?" Rinig kong tanong nya
"Hmm"
"Ano bang kailangan mo miss?" Tanong nung driver sa babae
"M-manong buti naman...pwede nyo po ba akong tulungan? Nawawala po kasi ako kanina pa eh"
"Aba miss malay ko bang masama kang tao tapos manghoholdap ka tapos tapos blah blah blah"
"Hindi po manong! Totoo po ang sinasabi ko" Sabi nya pa habang nakataas ang kanang kamay
"Ate Shane?"
Napalingon ako nang magsalita si Sisi.
Ate shane?
"Uy! Ikaw pala baby boy! Buti nalang phew~"
"Baby boy?" Nakataas na kilay na tanong ko sakanya
"A-ahh opo hindi nya po kasi alam name nya eh" Sagot nya
"Ano po ma'am? Isasabay ho ba natin sya since kilala naman sya ng kasama mo?" Tanong ni manong
Tumango nalang ako kahit labag sa kalooban ko.
"Yeheeey! Salamat po manong saka miss hihihi"
"Ate shane dito kana maupo" Sabi ni Sisi
"What?" Inis na tanong ko
"Sige ba!" Sabi naman ng isa
Umirap nalang ako saka hindi na sila pinansin.
Minu-minuto ay hindi ko mapigilang hindi umirap tss.
Harot harot.
"Ay baby boy dito din pala kayo ng punta?" Sabi ng babaeng nag ngangalang shane nang huminto ang taxi kung saan ko napulot si Sisi
"Woaah! Dito ba tayo pupunta mommy?!" Excited na tanong nya
Hindi ko sya pinansin.Tsk parang hangin lang ako sa taxi kanina.Kung makipag harutan akala mo wala ng bukas.
=_=
Dali dali itong bumaba at nagtatakbo.
"Mitchy! Kevin! Leji!" Sigaw nya at niyakap ang 3 bata na may hawak na basahan ata iyon.
"Ito na po bayad manong" Sabi ko sabay abot
Nagpasalamat naman ang babae at umalis agad.
"Mommy ditooo!!" Masayang sigaw ni Sisi nang makita akong hinahanap sya
Nasa ibaba na sila,sa may tabing dagat.
Bilis ahh?
Sumenyas lang ako na tuloy lang sila sa kung ano ang ginagawa nila.
Sumunod naman ito at nakipaglaro.
Umupo ako sa may kanto sa daan.Kung saan ako nakakapit noong muntik na akong nahulog.
May silong naman dito kaya ayos lang.
Tinignan ko lang sila habang naglalaro.Habulan,batuan,basaan,hanapan ng shells at kung ano ano pa.
Bumuntong hininga ako.
Sana naranasan ko din yan noong bata ako.Kaso hindi eh.In the young age,i already saw the cruelty of this world.
My mom wants to be a model but hindi natuloy dahil sa pagpigil lolo ko at pinilit syang maging engineer.Kaya pinasa nya saakin ang pangarap nya.
Na ayaw ko naman.Gusto ko kasing mag karoon ng sariling resort,building and other furnitures.In short,a classy business woman.
Minsan nga naiisip ko na,hindi ba naramdaman din nya noon ang nararamdaman ko ngayon?
Pero ayos lang din naman ito.I used to it.Pero someday kapag nakapag ipon ipon na ako magtatayo ako ng sarili kong negosyo.
Akala ko magiging boring ang buhay ko pero...
"Mommy!!"
Expect the unexpected.
BINABASA MO ANG
My Mommy
HumorPaano kung isang araw may tumawag na lang na "mommy" sa 'yo? Matitiis mo ba ang nagngangalang Sisi?