21

1.9K 49 0
                                    

Her

"Uy"

Tumingin ito saakin at ngumiti.Napataas naman ako ng kilay.

Ano naman kaya drama nito?

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko

Umiwas ito ng tingin at niyakap ang tuhod.

"Oy" tawag ko sakanya nang hindi sya sumagot

"A-ano k-kasi..."

"Ano?" Tanong ko

Biglang akong kinabahan dahil humawak ito sa ulo nya.

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ulo mo?" Alalang tanong ko

Tumingin ito saakin na naluluha kaya dumoble ang kaba ko.

"Ano? Magsalita ka!"

"M-mommy..."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Tara na pumunta na tayo ng ospital!" Dali daling sabi ko pero umiling ito

"Mommy.."

"Ano?!"

"M-mommy...gusto ko fishball"

o_O!!!

"A-ano?"

"Fishball..hihihi"

*Boooggsshhh!!*

"BWISIT KAAA!! HALIKA DITO IPAPAKAIN KITA SA FISHBALL MOOO!!" Galit na sigaw ko habang hinahabol sya

"WAAHHH TITA SI MOMMY OOOHHH!!!" Sigaw nya habang tumatakbo papunta sa bahay

"Oh anyare?" Tanong ni tita

Nagtago si Sisi sa likod ni tita.

"Lumabas ka jan! Leletsunin talaga kita!"

"Tita oh! Si mommy niaaway ako! huhuhu!"

"Ano ba iha,umiiyak na tuloy si baby boy"

Napairap naman ako.

"Maghahanap nalang ako ng ibang baby" Nakangising sabi ko at lumabas

Narinig ko ang pagtahan ni Sisi at tanging narinig nalamang ay simoy ng hangin.

"HINDI PWEDEEE!!"

Napalundag pa ako dahil sa gulat.

"Bleehh! Hindi na kita baby! May iba na akong baby!" Asar ko sakanya

"Waahhh hindiii!! Ako lang!!" Sigaw nya at nag umpisa ng tumakbo

"Putcha" Gulat na sabi ko at tumakbo na rin

"Mommy ako lang dapat!!" Sigaw nya

"Tulooong may baliw! May baliw!" Sigaw ko

Imbis na tulungan ako ng mga tao ay nagtatawanan pa sila.

Bwisit.

May nakita ako nag titinda ng fishball kaya nagka idea ako kung paano sya patitigilin.

"Sige! Hindi kita ibibili bg fishball!" Sigaw ko

Nang maramdaman kong hindi na ito tumatakbo ay huminto na ako.

At walang hiya nasa fishball-an na!

Napailing nalang ako at pinuntahan sya.

"Miss ikaw ba kasama nito?" Tanong ni manong kaya tumango ako

"Magkano po kikiam nyo?" Tanong ko

"Piso isa"

"Bituka?"

"10 pesos"

"Hotdog?"

"12"

"Eh yung palamig?"

"5"

"Ahhh,fishball nga po dalawang tig 10"

Napatingin naman ito saakin na parang kinain ko lahat ng tinda nya.

Nag peace sign nalang ako at tumingin kay Sisi.

Bahagyang nakanganga ang bibig nya at nakatulala sa mga tinda.

"Isara mo bibig mo may langaw na papasok jan.Hindi ka makakakain ng isang taon bahala ka" Pananakot ko

Nanlaki naman ang mga mata nya at dali daling sinara ang bibig.

"Eto na miss"

Kinuha ko na ang pagkain namin at nagbayad.

Nilagyan ko na ng sauce at suka ang fishball namin at nang matapos ay binigay ko na kay sisi ang kanyan.

"Hmmm hmm hmmhmm hmmmm?" (Paano ako kakain mommy?)

"Ano?" Takang tanong ko

Umakto itong may lumilipad at tinuro ang bibig nya.

=_=

Balakajan.

My MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon