Her
"Waahhhh mommy ang sayaaa!" Sigaw nya at nag tatalon habang umiikot
"Hahaha.Huminto ka muna at tanggapin ang parusa mo" Sabi ko
Napa pout naman sya at umupo sa gilid ng kalsada.
"Ready?" Tanong ko
"Dahan dahan la---"
"Go!" Sigaw ko at ibinuhos sakanya ang tubig na maraming ice cube
"Wahhh!!" Sigaw nya at napatakip sa tenga
Tawa lang ako ng tawa kasi lumalamig daw ulo nya.
Makalipas ang ilang minuto ay nanatili padin syang nakayuko at nakatakip sa tenga.
"Ayos ka lang?" Tanong ko
Inangat nya ang tingin nya.Bahagyang nagulat ako sa reaksyon nya.Seryoso at matatalim ang titig.
May binulong sya pero hindi ko narinig dahil sa pagbagsak ng ulan.
Sa isang kisap mata ay ngumiti ito ng malapad at masiglang tumayo.
Napa atras ako at nagtatakang nakatingin sakanya.
"Tara mommy! Laro na tayo!" Sigaw nya habang patakbo takbo
"H-ha? Cge" Ang nasabi ko nalang
Makalipas ang ilang minuto.
"Bitawan mo na mommy hihihi!"
Nandito kami ngayon sa gilid ng daan at hawak ko ang koronang papel na napanaluhan ko kanina.Plano naming paagusin ito.
Unti unti kong binitawan at agad naman itong natangay ng rumaragasang tubig.Tumakbo si Sisi at sinundan ito.
"Babye koronaa!!" Sigaw nya nang mahulog ito sa butas
"Tara na baka magkasakit pa tayo" Sabi ko
Agad naman itong sumunod saakin.
"Maligo kana" Sabi ko habang nag pupunas ng buhok
"Okiii" Sabi nya at nag sign pa ng 'ok'
Natawa naman ako dahil mukha syang jejemon.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ito kaya naman naligo na din ako.
Pagkatapos mag babad sa maligamgam na tubig ay naglinis na ako ng katawan.
"Sisi?" Tawag ko sakanya ng hindi ko sya makita pagkalabas ko ng banyo
Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto.
Napahinto ako at biglang nanlamig nang makarinig ng pagbasag.
Napatakbo agad ako sa kusina at nadatnan si Sisi na nakatingin sa daliri nyang dumudugo.
Napatingin ako sa lapag.Napasinghap ako nang makitang basag na ang paborito kong baso na galing pa sa France.
"WHAT THE HELL?!" Sigaw ko na ikinagulat nya
"ANONG NANGYARI?!" Sigaw ko ulit
Unti unting bumaba ang labi nito senyales na iiyak na.
"G-gusto *sob* ko l-lang *sob* uminom ng *sob* t-tubig" Umiiyak na sabi nya
Hindi ko sya pinansin at hinila sya patayo.
"Bakit mo pa kasi pinulot alam mo na basag na?!" Galit na tanong ko sakanya habang hinuhugasan ang kamay nya
"A-ang *sob* ang cute kasi huhuhu"
BINABASA MO ANG
My Mommy
HumorPaano kung isang araw may tumawag na lang na "mommy" sa 'yo? Matitiis mo ba ang nagngangalang Sisi?