# 4

328 11 4
                                    

*^^ Yanna's POV ^^*

inaalog-alog ko si Ian para magising.

"OY Wengya ka! Tinulugan mo ako!"

"mmmmmmmmmmmmmm"

"Oy! Ano ba! Gumising ka nga!"

"Bhabes.."

"Anong bhabes?!"

"Bhabes, mahal kita.. wag mo akong iwan." nagsasalita siya habang nakapikit? nananaginip ata?

Nakaramdam ako ng awa dahil may tumulong luha sa mga mata niya.

"Uy! wag mo akong niloloko dyan ah! Wag ka magtulog-tulugan!"

"mahal na mahal kita. hindi kita iiwan. aalagaan kita. PLEASE! WAG KA SUMAMA SAKANYA!"

Shemay, hindi ko na kaya to! hindi nga siya nagtutulog-ttulugan. Tinutukoy niya siguro si France.

"Shhhhhhh! mahal kita Sean, hinding hindi kita iiwan! Promise" pinunasan ko yung mga luha sa mata niya at bigla siyang tumahimik. nakatulog na ulit.

Past 6:00 na ng gabi nandito pa rin ako sa Condo ni Ian. And yes, tulog pa rin siya. Patay na ata? djk, hindi hahayaan mangyari yon noh!

Iiwan ko na si Ian, baka hinahanap na ko nila mama, baka ano pa isipin nila. Baka nag-aalala na rin sila, o baka malaman nila na kasama ko si Sean kaya ako na late umuwe. O.o NO!

"Ian, gising na! Uy.. uuwi na ko! Bahala ka dyan! Lalayas na ko!"

Pagtayo ko bigla akong hinawakan ni Ian sa kamay.

"Wag ka muna umalis. Payakap muna!"

"Ian.. kasi ano eh.. baka pagalitan na ko nila mama. baka malaman nila na kasama kita."

"Hindi yan!" nakapikit niyang sabi.

"Please? aalis na ko! Ayoko mapagalitan nila mama!" binitawan niya na yung kamay ko at hinayaan na akong umalis.

Buti wala sila mama pagdating ko, may pinuntahan daw importane sabi ni manang.

-------------

*^^ Sean's POV ^^*

"Wag ka muna umalis. Payakap muna." nanlulumo kong sabi.

"Ian.. kasi ano eh.. baka pagalitan na ako nila mama. baka malaman nila na kasama kita."

"Hindi yan!"

"Please? aalis na ko! Ayoko mapagalitan nila mama!" binitawan ko na siya at hinayaang umalis. Pagkaalis niya umuwi na rin ako. Nagderderetso ako sa kwarto ko at pinagpatuloy ang tulog ko.

-------------

** Saturday Morning **

"Sir! Gising na po! Hinihintay ka na po nila ma'am dun sa baba, kakain na daw po!" inaalog ako ng katulong namin. Since masunurin ako at gutom na ko dahil hindi rin ako nakakain kagabi, nagmu-mog na ko at bumaba. Tao ren naman ako , nagmumu-mog din ako.

"Anak kumain ka na! Halika umupo ka." sabi ni mama habang bumababa ako. "magtimpla ka na rin na kape mo." nagtimpla na ko ng kape ko at umupo.

"Anak, ano, may nahanap ka na bang babaeng para sayo?" tanong ni mama habang isusubo ko yung sandwich na hawak ko na muntik ko nang maibuwal.

"Ma?"

"Sus! Ikaw talaga, sana makahanap ka na ng babaeng mamahalin at aalagaan ka."

"Bhabes.." bulong ko sa sarili ko.

"Bhabes? Aba, eh sino naman yan?" holo! narinig ni papa. patay!

"Ah, sabi ko po, Bibe. ah--eh.. gusto ko pong mag-alaga ng bibe, yun po.."

"Bibe? kaylan ka pa nagkaron ng interest sa bibe? Gusto mo ba talaga? Ibili kita gusto mo?" sabi ni mama, pero hindi ko siya sinagot, nag fake smile lang ako. Adik lang, bibe? Eew, hindi ako bakla pero ayoko talaga sa bibe. palusot lang.

* kring, kring..kring, kring.. * nag ring yung cellphone ni papa.

"Ah, sandali lang ha, sagutin ko lang." tumayo si papa sa hapagkainan at lumayo saamen.

"qdgynnkojf sige, pagpatuloy mo lang hanggang sa bumagsak yung kompanya nila. johjhgfjd, sihdisfheuih." sabi ni papa. hindi ko naintindihan yung iba nyang sinabi pero bumagsak ang kompanya? ano naman yun?

*ting*

hindi pwede mangyari to, balak ni papa na ipabagsak ang kompanya nila Yanna, hindi pwede. Kaylangan ko makausap si Yanna. Ngayon na!

"Ma, busog na po ako." sabi ko kay mama habang nagmamadaling umakyat para matawagan si Yanna.

"Teka ana----" hindi na naituloy ni mama dahil nasa taas na ko. dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan si Yanna.

*Kringgggg....Kringggg...Kringggg....*

"Hello? Yanna?"

"O Ian, napatawag ka?"

"makinig ka sakin, sa papa may binabalak. gusto niyang panagsakin kompanya niyo, mag-iingat kayo ! kung pwede sabihin mo na ren sa magulang mo!."

"Talaga?! Hala! Eh.. pero pano kung nasabi ko na?, baka tanungin nila kung sino nagsabi, anong sasabihin ko? Si Sean? Eh hindi ko pwede sabihin yon! ang alam nila, hindi kita kilala at hindi kita kinakausap, at alam ko hindi sila maniniwala dahil, ikaw? sasabihin saamin na ipapabagsak yung kompanya namin? eh diba kalaban nga namin kayo?!"

"Uhh! Basta, iisip ako ng paraan para hindi hindi maituloy ni papa ang binabalak niya."

"SIge, tutulungan kita."

*^^ Yanna's POV ^^*

Pano na ngayon? Hindi to pwede.

Bumaba na ko galing sa taas.

"Anak, gising ka na pala. Halika, kumain ka muna." umupo na ko sa tapat ni mama at papa.

"Ma, Pa, ano pong mangyayari kapag bumagsak po ang kumpanya natin?"

"Bakit mo naman naitanong yan? Atska isa pa, hindi babagsak ang kumpanya natin. Pero kapag nangyari nga, luluwas tayo ng bansa at sa U.S. na tayo titira at dun na rin kami magttrabaho."

"PO?!?!?!" gulat na gulat kong sabi.

"bakit anak? bakit parang gulat na gulat ka?"

"ah wala po, kasi nga po diba marami po tayong kalaban baka bu--bumagsak po."

"anak, wag mong isipin yon! hinding hindi mangyayari yon!" sabi ni mama.

Pero hindi ko mapigilang mag-alala. Pano kung matuloy yung plano ng papa ni Ian? Magigipit kami at hiigit sa lahat hindi na kami magkikitang muli ni Sean! OH HINDI! :"(

-------------------

to be continued.....

(Author's note: Sorry, this chapter was boring.

Pero I want you to read first, vote then comment! :)

:) Kung gusto niyo idedicate ko sainyo yung mga next entries just post it on my profile, or just wait until I dedicate the next entries to you! Thank You for reading! :)

Follow me on twitter: https://twitter.com/EXO_M_Luhan_

Illegally Inloved ♥ (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon