p i g h a t i

581 6 0
                                    


Bawat saya na inyong nararamdaman
Puso ko naman ang nasasaktan
Sana hindi na umasa noon pa man
Nang hindi na maranasan ang maiwanan

Sakit ang dulot sa aking puso
Pag-ibig na sa iyo'y ipinangako
Sarili ko pala'y akin ng niloloko
Sa pagmamahal mong hindi totoo

Luha ko'y unti-unting pumapatak
Nararamdaman niyo'y tuwa at galak
Puso kong iyong winasak
Gustong mawala ng ang sakit na sandamakmak

Luha, luha, luha
Ayoko ko nang lumuha
Puso ko'y wasak na wasak na
Dahil sa pagmamahal na binalewala.

Pluma at Papel (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon