w a l a n g t a y o

440 4 0
                                    

Sampung letra na ayaw makita
Dalawang salita na masakit mabasa
May kung anong sakit ang nadama
Dahil sa sampung letrang ito ako ay lumuha

Bakit nga ba walang tayo?
Ay! Oo, kaibigan mo lang pala ako
Masakit aminin ngunit ito ang totoo
Na ako at ikaw ay hindi magiging tayo

Sana ako na lang siya
Nang sa ganon ay maging masaya
Sana ako na lang ang mahalaga
Upang hindi na lumuha pa

Ngunit, mahirap mangyari ito
Na ako at ikaw ag maging tayo
Sapagkat iba ang minamahal mo
Yung babaeng nagbibigay ng mga ngiti sa labi mo

Dati rati ako ang dahilan ng mga ngiti mo
Pero ngayon lahat ay nagbago
Iba na ang nagpapasaya sayo
Masakit ngunit alam kong kailangan kong tanggapin ito

Bago ko tapusin ito
Gusto ko lang sabihin sayo
Na kahit walang tayo
Susuportahan ko kayo

Kahit hindi na ako ang priority mo
At least magkaibigan parin tayo
Kaya sana walang magbago
Dahil kaibigan mo parin ako.

Pluma at Papel (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon