W i k a

242 1 0
                                    


Wika ang puso ng isang bansa
Ito ang gamit natin sa pagkaka-isa
Kay gandang isipin na ito ay nakilala
At dito, ang mga Filipino ay naging malaya

Tanyag ang wika sa komunikasyon
At nagpapatibay sa isang administrasyon
Ito ay nagbibigay ng matibay na pundasyon
Sa hindi pagkaka-unawaan, ito ay naging solusyon

Wikang nagbigay ng liwanag
Sa mundo naming magulo at puno ng bagabag
Dahil sa wika, damdamin namin ay naipahayag
Sa mga salitang hindi namin maipaliwanag

Dapat natin itong ibahagi
Hindi lamang sa ating sarili
Kundi rin sa iba ng walang pag-aatubili
Wika ay ating ipagmalaki.

Pluma at Papel (Tagalog Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon