Panibagong araw
Simple ngunit malungkot
Papasok sa iskwela,
Ngunit walang pumapasok sa aking utak
Papasok sa kaliwa, lalabas sa kanang tengaUuwi ng bahay,
Magpapalipas ng oras at kakain
Susunod di ko na alam ang gagawin
Kundi umakyat sa aking kwarto
At magmumuni-muni ng kung ano-anoLilipas ang oras at darating ang panibagong araw
Uulitin muli ang nakagawian
Gaya ng dati
Gigising, papasok sa iskwela, kakain, aakyat sa aking kwarto,
Matutulog, at uulitin na naman itoNakakahiya mang sabihin
Ngunit iyon ang totoo
Papasok ngunit walang tatatak sa utak,
Matutulog ng maraming problema,
At gigising na sakit ang nadaramaMinsan napapaisip na lang ako bigla
Lagi nalang ganito ang buhay ko
Walang permanente sa akin
Minsan masaya, minsan malungkot
Nababaliw na ako kakaisipLagi kong hawak ang matalim na bagay
Kung ilang ang aking dinadalang problema
Ay siya ring dami ng aking hiwa
Oo, alam kong masama
Ngunit dito ako masayaKailan nga ba matatapos ang problema ko?
Kapag wala na ako sa mundong ito?
Nang hindi na makarananas ng ganito
Kaya mas mabuti pang...
Tapusin ko na lang ang lahat ditoIpagpapatuloy ko pa ba kahit sobrang sakit na?
Pero nakakatuwang isipin na may taong may pake din sa akin
Ngunit totoo nga ba?
O napipilitan lang dahil natatakot sila
Na gawin ko muli ang pagtangkang tapusin ang buhay kong ito?

BINABASA MO ANG
Pluma at Papel (Tagalog Poems)
PoesiaAng pagsusulat ng mga salita sa papel na Ipahayag sa bahagi, Saloobin mula sa akin Patungo sa iyong puso