TLLG 16: Diavolii Şi Îngerii Cemetery

74 4 0
                                    

TLLG 16: Diavolii Şi Îngerii Cemetery

JOY'S P.O.V.

Luminga linga ako sa paligid ko dito sa garden.

Asan na si Marie? Luh? Iniwan ba naman kaming dalawa ni Rence.

Napatingin naman ako sa gawi nila Reed at eksaktong katatayo lamang ni Cyrus kaya palihim ko siyang sinundan baka sakaling alam niya kung nasan si Marie.

"Diavolii Şi Îngerii Cemetery" na ibulong ko nalang sa aking sarili.

Hindi ko akalaing after three years ehh mapapadpad ako ulit sa lugar na ito.

Lumabas naman agad si Cyrus sa kotse niya at pinuntahan si Marie.

Nalulungkot ako para sa kanya I'm sure may malaking primoproblema nanaman ngayon si Marie kung kaya't nandito nanaman siya sa lugar na ito.

Bumuhos ang malakas na ulan at nakita ko namang nagmamadaling sinakay ni Cyrus si Marie.

Lumabas naman ako dito sa kotse ko.

Andito na ako ehh..

Bakit hindi ko nalang sulitin?

Hindi alintana ang malakas na ulan pumunta ako sa harap ng puntod na pinuntahan ni Marie.

"Shyne, Anne..." panimula ko.

Ang rami rami nang gusto kong itanong, sabihin at isumbat sa kanilang dalawa...

Hindi ko lang alam kung saan mag uumpisa.

"Namimiss ko na kayo nang sobra sobra. Alam nyo? umaasa pa rin akong hanggang ngayon na buhay kayo. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin ang pangako ninyo sa amin, diba? nangako kayong sabay sabay nating lilinisin ang pangalan nating BQ sa Demon Gang. Bibigyan pa natin ng hustisya ang pagkamatay ng ate ko, nang kambal nyo Anne at Shyne, ni kuya Kyle at nang iba pang underlings noon ng BQ at ninyo." habang sinasabi ko ito sobrang raming ala ala ang pumapasok sa akin isipan yung mga panahong nagkakatuwaan kami sa loob ng hq namin, yung mga selebrasyong ginawa namin para sa aming nasasakupan

"I've decided Shyne and Anne... Lilinisin namin ni Marie ang pangalan natin kela kuya at simula sa araw na ito ipagpapatuloy namin ang ating nasimulan. Ipagpapatuloy naming dalawa ni Marie ang BQ, babalik kami sa loob nang Underground." desidedong sabi ko.

"Puntahan ko muna si Ate Jill" sabi ko at pumunta sa puntod na nasa tabi ni Kuya Kyle..

Bale ganito yun.

Kay Shane, Susunod kay Shyne, Susunod kay Anne, Susunod kay Kuya Kyle at kay Ate Jill at marami pang iba.

"Ate Jill...
Naaalala mo ba?Yung mga panahong masaya tayong naglalaro sa ilalim ng ulan nang kambal mong si Kuya Jin? Kelan kaya yun natin yun mauulit?
Wag ka sanang magsawa sa kahihintay sa amin diyan ate Jill.
Miss na miss na kita.
Dinadalaw ka pa ba ni kuya dito? I bet not dahil siguradong nahihirapan siya tuwing pupunta siya dito dahil madadaanan niya ang puntod ni Shyne, ang savior niya.
Sana kasi hindi kaming BQ nahuli nang dating nung gabing iyon, sana, sana hanggang ngayon ay buhay parin kayo.
Mahal na mahal po kita." humahagulgol kong sabi.

The Legendary Gangster Was Lost?! (On Hold)Where stories live. Discover now