Chapter 8:ALIEN

198 17 5
                                    

Chapter 8

Third person’s P.o.V

Mag isang nag hihintay si Selca sa cafeteria nila ngayon,nag punta kasing wash room sina Thea at Alexa kaya naiwan itong mag isa.

“I loove youu… I neeed you..”kanta ni alexa habang nakapikit pa at nag damang dama ang pagkanta tapos pasway sway pa ang katawan.

“Haayy!,buti pa si Steffi kahit patanga tanga may Matteo Do na,eh ako,maganda din naman may utak pa,kaso bakit wala pang nanliligaw sakin? Ni Alien nga walang dumadating.”sabi niya sa sarili.

“Ay bakla!”sigaw ni Selca ng magulat siya may humatak sa kanang earphone niya.

“S-sino ka?!”tanong nito.

“Isa akong Alien,nag papanggap akong tao so tayo na ba?.”sabi ng lalaking umupo sa tabi niya saka pinasak yung ear phone sa kaliwa niyang tenga.

“Ang presko ah!”sabi ng utak ni Selca.

Sinamaan naman ni Selca ng tingin yung lalaki samantalanag yung lalaki naman nakapikit lang at naka cross arm pa..

“Ang pangit mong Alien.”sabi nito.

Napangisi naman yung lalaki.

“Really? Kung pangit ako bakit may mga babaeng nakatitig sakin na halos mag situlo ang mga laway nila?”tanong nung lalaki.

Nag taka naman si Selca sa sinabi nung lalaki kaya iginala niya ang paningin at nakita niya may mga babaeng kinikilig at babaeng masa ang tingin sakin.

“T-teka,artista ka ba?”tanong ni Selca sa lalaki habang nakapikit pa din. Nacurious siya dahil parang si Matteo Do ang nasaharapan niya ngayon kaya grabe kiligin yung mga babae na nasa paligid niya.

“Nope,Isa lang akong ordinaryong tao na may ubod ng kagwapuhang taglay.”pag mamayabang nito kay Selca.

“Ganern? Kaya pala hindi mawalan-walan ng bagyo dito sa pilipinas,buhay ka pa eh.”sabi ni Selca sabay bunot ng Ear phone niya sa tenga ng lalaki.

“Nakikinig pa ako bakit mo binunot?!”tanong nung lalaki kay Selca na kinalaki naman niya ng mata.

Napasinghal si Selca at inis na inis sa lalaki.

“Ay wow ha?! Pasensya! Akin kasi tong Ear phone,so nahiya naman ako sayo na ni pangalan mo hindi ko kilala tapos biglang makikiupo sa tabi at kukunin tong kanang bahagi ng ear phone ko ng walang paalam. Pasensya po!!”sigaw ni Selca sa lalaki.

“Bakit ka naman sumisigaw!?”sigaw ng lalaki.

“Wala! Trip ko lang! nakalunok lang ako ng amplifier kanina!!”sigaw din ni Selca.

“Ay,don’t tell me silang dalawa?”bulong nung nakiki-usyoso kina Selca at sa lalaki.

It's Started With A Debate (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon